10 THE FINAL CHAPTER

1219 Words
Ashthrielle's POV Isang malakas na sampal ang lumagapak sa pisngi ko. "What have you done Ashthrielle?! Pasalamat ka nga at hindi kinuha ng pamilya ni Demetrious ang malaking investment sa kompanya natin! Napakatanga mo talaga!" sigaw ng Mommy ko sa akin. Demetrious really filed an annulment. At sa tingin ko'y wala na nga talaga kami. Kaya galit na galit sa akin ang pamilya ko ngayon. Kaliwa't kanan ang sampal na natatanggap ko sa mommy ko dahil sa sobrang galit niya. "May asawa ka na nga, nakuha mo pang lumandi sa iba!" dagdag pa niya. "Ano nalang sasabihin ng mga amega ko? Na may malandi akong anak? Darn it! Demetrious is a big asset to us tapos sinira mo ito! Kaya ngayon! Galit na galit ang pamilya nila sa atin! Napakatanga mo talaga!" Wala sa akin ang mga sampal niya. Hindi ako nasaktan sa lakas ng sampal ni Mommy sa akin. Ngunit ang mga salita niya ay parang kutsilyo na dumudurog sa puso ko. Sana nga sinaktan binugbog nalang nila ako eh dahil ang pisikal na hapdi at sugat ay kalaunan maglalaho din pero 'yong sakit sa loob ko, habang buhay na 'tong nakaukit sa akin. Babaunin ko ito hanggang sa mamatay ako at mananatili itong bangungot sa akin. Ginulo niya ang buhok niya na para bang sobrang frustrated niya. "Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo Ashthrielle... Hindi naman bobo at tanga ang ate mo kagaya mo. You are the black sheep in this family. Hindi ko nga alam kung bakit naging anak pa kita." Doon ako nagtaas ng tingin. Hindi ko na kaya ang pang-iinsulto niya sa akin. "Bakit Mom? Naging ina ba kayo sa 'kin?" Tiningnan ko siya sa mata habang tinatanong ko iyon. I laughed humorlessly nang hindi niya magawang salubungin ang tingin ko at hindi nakaligtas sa mata ko ang paglunok niya. "Ano? Bakit hindi mo ako magawang sagutin Mom? Dahil kung ako ang tatanungin, hindi kayo naging ina sa akin." "How dare you to say that? Buhay ka ba ngayon kung hindi dahil sa akin? Pera ko ang pinanggastos ko sayo Ashthrielle! Kahit nasa sinapupunan palang kita, gumagastos na ako sayo! Kaya wala kang karapatan na sumbatan ako!" sigaw niya sa akin. "Yes, you provide my needs and that is your responsibility! Dahil kahit kailan, hindi ko hiniling na mabuhay. Ni kahit kailan hindi ko maramdaman sayo na mahal mo ako. Lumaki ako na Yaya ang nag-aruga sa 'kin. Ni kahit isang lambing di ko naranasan 'yon sa inyo. All of you! Tingin niyo sa akin ay talunan ako! Bobo! Tanga!" Naninikip ang dibdib ko habang sinasambit 'yon. Ngayon ko lang nasumbat sa kanila ang hinanakit ko simula noong bata ako. I wiped my tears that continuously streaming on to my face. "Palagi niyo nalang ako kinukumpara sa ate ko. Dahil para sa inyo, siya ang pinakamagaling; that her achievements matter to you the most. Kapag may activities sa school ni Ate Yuna, lagi kayong naglalaan ng oras para maka-attend kayo. Pero pagdating sa akin, lagi kayong busy. Ni kahit isang meeting, wala kayong dinaluhan. Palagi akong tinutukso ng mga kaklase ko na wala akong mama at papa dahil hindi nila kayo nakikita. Remember when I was on my first year on high school? Top one ako no'n." Kita ko ang gulat sa mata niya. Napasinghal ako. "Hindi niyo alam... Hindi ko na nasabi sa inyo 'yon dahil noong time na sasabihin ko na sana sa inyo, sinigawan mo ako." That time, I really tried my best to be on top one. Nag-aral ako nang mraayos dahil naisip ko na baka nag-top one ako, mapapansin na ako ni Mom. Noong gabi na 'yon, akmang sasabihin ko na sa kanya na top one ako but when I tried to approach her, she shouted at me. "Ano na naman ba Ashthrielle?! Oh ito pera! Palagi ka nalang nanghihingi! Bwesit ka talaga!" Iyan ang sinabi niya sa akin na hanggang ngayon naaalala ko pa rin. That triggered me. Kaya simula no'n, naging pasaway na ako. Niliko ko ang landas ko. "I was not that damsel in distress before, Mom... Gusto ko lang naman mapansin niyo 'ko. Dahil kahit anong mabuting gawin ko, hindi niyo pa rin napapansin. You only see my mistakes. Hindi niyo ako masisisi kung bakit ako nagkakaganito. Gusto ko lang ang kalinga niyo... Iyong pagmamahal ng magulang..." Hindi ko na napigilan ang paghikbi ko. "Ngayon, nasasaktan ako. I'm broken. Minahal ko si Demetrious at sobrang sakit ng. But just like you, he was blind to know the truth. Na-set up ako Mom... Pinagkaisahan ako ng lahat... Hiling ko lang sa inyo na kahit ngayon lang, yakapin niyo ako dahil... Kailangan na kailangan ko lang talaga ang yakap ng isang Ina. Na kahit ngayon lang, isipin niyo munang anak niyo rin ako... Kasi... Durog na durog na ako eh..." Nagmumukmok lang ako sa kwarto ko. Wala akong nagawa kundi umiyak. Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na kami Demetrious. Kung sana hindi lang ako ulit nagtiwala sa Hera na 'yon, hindi sana kami aabot sa ganito. Pero buti na rin yon. Wala ng sakit sa ulo si Dementrious. Wala naman akong idinulot na maganda sa buhay niya eh. Sakit lang and idinulot ko sa kanya. Habang nagmumuni ako, bigla nalang may kumatok sa pintuan. "Pasok," sabi ko. Nang bumukas iyon, nagulat ako nang makita si Mommy. "Mom..." I muttered. "Can I come in?" tanong niya nang may maliit na ngiti sa labi. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko sa kanya. Sobrang lumanay ng boses niya. "Sure," I answered. Lumapit siya sa akin at umupo sa kama ko. Hinawakan niya ang kamay ko. "I'm sorry Mom." sabi ko. It's been two days since the day we fought. "No, I'm sorry Ash... I'm sorry sa lahat ng pagkukulang ko sayo— namin sayo. I know napakasama kong ina para hindi mapansin na nasasaktan ka. I have no excuses for all the things that I failed to give you: the love of a mother. I'm really, really, sorry Ash. Sana mapatawad mo ako... Anak... " sabi niya. Nanubig ang mata ko at dahil sa tuwa, nayakap ko siya. "I love you Mom..." I whispered under my sobs. "I love you too, baby... " Kay tagal kong hinintay na marinig sa inyo ang katagang iyan Mom... Napabitaw kami sa pagyayakapan nang biglang pumasok si Dad at Ate Yuna. "I'm sorry din anak... I'm very, very, sorry." he said. "Ako din Ash. I'm sorry. I failed to accomplish my duty as your Ate. I hope you'd forgive me, baby sister." Naiiyak ako sa sobrang saya. I can't believe that this is happening. "I love you Dad, I love you Ate..." naiiyak kong saad habang kayakap sila. Ngayon, hindi na ako nag-iisa... May pamilya na akong kasama... "Mom, Dad, can I request one thing?" I asked. Nagtataka naman nila akong tiningnan. "Ano 'yon, baby?" "Gusto ko nang lumayo dito... I want to go States..." I want to be far from the pain. I want to heal and I believe I can do that if I'm far from here... Far from Demetrious... We just met, but we are not really destined to be together. Hindi naman lahat ng storya nagtatapos sa happy ending. Hanggang dito nalang talaga kami. —————*THE END*—————
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD