Demetrious' POV.
It's been a week since me and Ashthrielle split up. But still, every night, it hunts me. Hindi ako madali magtiwala pero binigay ko sa kanya ang tiwala ko.
That night, tinanong ko siya kung saan siya pupunta, pero sinabi niya, may girl's night out sila ni Angela at Suzaine. So, I let her.
Nagtaka ako nang malapit nang maghating-gabi pero wala pa rin siya. I tried to call her phone but is is unattended. Therefore, I called Angela para tanungin kung pauwi na ba sila pero sinabi niyang hindi sila magkasama ni Ashthrielle.
I was disturbed when my phone keeps beeping and it came from my i********: account. Nang buksan ko iyon, sinakal ang puso ko nang tumambad ang larawan ni Ashthrielle kasama si Enzo Montemayor on bed together.
I admit it. Nasaktan ako.
She's my girlfriend but why did she slept with another man?
Once is enough for me.
Bumalik sa akin ang lahat. Hindi naman talaga gusto ni Ashthrielle na makasal sa akin eh. She hates me that much before. I know she is a play girl before but I let it all pass. She made guys as her toys. Lahat ng selos ay tiniis ko.
Pero hanggang ngayon, hindi pa rin pala siya nagbabago...
I filed annulment to give her her freedom. Ayoko na siyang magtiis pa sa akin. I love her that's why I let her go. If being with me suffocates her, then I will let her breath.
Nakaupo lang ako dito sa may pool area habang umiinom. Simula noong nangyari sa amin ni Ash, wala na akong ginawa kundi uminom. I even didn't go to school.
I was disturbed when I heard female voices echoing into my house. Seemed like they were looking for me.
"Hoy Demetrious! Ano?! Tutunganga ka lang ba diyan? My ghad Cassie!"
It was Suzaine together with Antonette and Angela.
"Marga! Go to your room!" Antonette interfered.
Tiningnan naman ni Suzaine nang masama si Antonette. "Ikaw Antonette ah, pag hindi mo tinigil 'yang kaadikan mo sa utot, tae na ang ipapakain ko sayo. Ano bang pinagsasabi mo dyan?"
"Sabi mo kasi Cassie eh," Antonette replied.
Bago pa sila tuluyang magtalo, nagsalita na ako.
"What are you doing here?"
"Anong what are you doing here ang pinagsasabi mo dyan? Ano bang nangyayari sa inyo ni Ash ha? Sinasaktan mo na siya!" bulyaw ni Angela.
"Siya ang nagloko." I simply answered.
"Hindi ka niya niloko!"
What she said made me tsked.
"Alam mo ba, pumunta kami sa bahay nila, at magang- maga ang mata ni Ash sa kakaiyak! Ni hindi mo man lang siya hinayaang magpaliwanag."
"Hindi na niya mababago ang katotohanang niloko niya ako. If you have no further to say, you can now leave."
"Anak ka naman ng tupa Demetrious! Na set-up lang siya!"
Natigilan ako.
Set up? What does she mean?
"What do you mean?" I asked curiously.
Suzaine sighed before continuing.
"Hindi na sana gusto ni Ash na ipagsabi 'to pero kailangan mo itong malaman." Panimula niya. "Noong gabing iyon, nakipagkita siya kay Hera dahil makikipag-ayos daw ito sa kanya. She lied to you dahil alam niyang hindi ka papayag. Pero sa dakilang hinayupak si Hera, nilagyan niya ng pampatulog ang inumin ni Ash. Nalaman nalang niyang dinala siya ni Enzo sa hotel and took a picture of them para sirain kayo... She loves you very much Deme, at nasasaktan kami para sa inyo. Alam mo ba, noong araw na pumunta siya ng school, pinagbabato siya ng mga studyante doon. She has a lot of bruises but the only thing that she had in mind was to explain everything to you. Iniisip niya na wala siyang pakialam sa sasabihin ng iba sa kanya, ang mahalaga lang sa kanya ay iyong paniwalaa mo siya... Mahal na mahal ka niya Demetrious... "
Darn! Ang tanga ko! I'm a big jerk!
My poor baby...
"W-where is she now? I need to see her!" desperado kong saad habang niyugyog ang balikat ni Angela.
"H-Huwag mo namang akong yugyugin! Baka mataktak 'yong baga ko!"
Nabitawan ko siya agad. "I'm sorry."
She just tsked. "Kung nagtatanong ka kung nasaan si Ash, pwes 'yon, nakaalis na."
"Papunta pa lang naman sa airport eh... " kontra ni Suzaine.
"Maaga flight no'n." si Angela.
Nangunot ang noo ko. "What do you mean?"
"Aalis si Ash. Doon na siya sa States mags-stay. Pumunta nga siya ng school kahapon para kunin ang mga documents niya. Gusto ka pa nga niyang makita para magpaalam sayo pero wala ka naman."
Nanlaki ang mata ko.
"S-she's leaving?" nauutal na tanong ko. Parang nanginginig ang kalamnan ko dahil sa isiping aalis na si Ashthrielle.
Ngayon ko lang na-realize na hindi ko pala talaga kayang wala siya.
"Siguro maaabutan mo pa siya."
Nabuhayan ako sa sinabi ni Antonette.
"I want to stop her!"
"Aba! Dapat lang! Hindi pwedeng mawala ang Ashous!"
"Wait, tatawagan ko." sabi ni Suzaine then dialed Ashthrielle's number. "Mukhang naka-off ang phone niya."
"Bakit hindi nalang natin puntahan sa airport? Makakaabot pa siguro tayo."
" Kahit paminsan-minsan gumagana pa rin pala ang utak mo Angela," said Suzaine.
"Syempre, kahit papaano, di pa rin 'to nabubulok kahit kinakalawang na." sagot naman ni Angela.
Agad kaming tumakbo papunta sa sasakyan ko ngunit napatigil kami nang makita si Azron na papasok ng bahay.
"Where are you going?" naguguluhan niyang tanong.
"Mamaya ka na magtanong Azron! Nagmamadali kami! Sumama ka nalang!" natatarantang sigaw ni Suzaine. "Hali na kayo! Sumakay na tayo!"
Nagulat kami nang biglang sumakay si Antonette sa likod ni Azron.
" Hoy Antonette! Bakit ka dyan sumakay! Bumaba ka nga dyan! Akin 'yan!" nanggagalaiting sabi ni Angela saka hinila si Antonette dahilan ng pagkahulog at pagdaing nito.
Habang nasa byahe, hindi ako makapag-focus sa pagmamaneho dahil sa ingay nila. Nasa front seat si Azron habang ang tatlong babae ay nasa likod. Hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-overthink dahil sa mga sinasabi nila.
"Paano kung nakaalis na si Ashthrielle? Tapos may makikita siyang puti do'n sa America na may malaking ano." Angela concluded.
"Bakit? Puti rin naman ako ah?" kontra ko at hindi ko nalang inintindi ang huling sinabi niya.
I can't imagine Ashthrielle with someone else. No other man than me.
"Puti ka nga pero iiwan ka rin naman dahil doon na siya mags-stay sa America at hindi n siya babalik dito."
"Susundan ko siya doon. Doon na rin ako mags-stay. Kung kailangan ko mag-migrate, gagawin ko. Makasama ko lang siya."
"Eh pa'no kung—" hindi na naituloy ni Suzaine ang sasabihin nang biglang nagsalita si Antonette.
"P-parang masusuka ako."
"Gago Antonette! Ba't sumama-sama ka pa kung masusuka ka lang din naman!"
"Antonette, pigilan mo 'yan... Pigilan mo talaga 'yan... Kundi, susuntukin ko 'yang lalamunan mo... " banta pa ni Angela.
" Mamaya ka na sumuka Antonette! Lunukin mo muna 'yang suka mo please!" pagmamakaawa pa ni Suzaine.
Darn... I don't know what to do with these chaotic women.
"These girls are crazy... " hindi makapaniwalang saad ni Azron bago inilagay ang earphones sa tenga niya.
Glad. Hindi lang ako ang nakapansin.
Nang makarating na kami sa airport, agad akong tumakbo papasok. Ngunit hinarangan na kami ng security guard dahil hindi na kami pwedeng pumasok.
"We're looking for someone, I need to go inside!" hindi ko na napigilan ang sarili ko at nagtaas na ako ng boses.
"Hindi na nga po pwede Sir!" awat naman ng guard.
"Guard... May gusto po kaming pigilan kapag nagka-jowa lay anh Ashous, uututan ko talaga kayo... " nanghihinang sabi ni Antonette habang halos lumampasay na sa sahig dahil sa hilo nito. Nakaalalay naman sina Angela at Suzaine.
Natigil kami nang makita ko si Tita Matilda at Tito Marcus kasama si Ate Yuna. Ashthrielle's family.
Tumakbo ako papalapit sa kanila. Ramdam ko na ang pawis na namumuo sa noo ko. I can't explain my feelings right now!
Kinakabahan na medyo nervous, and a little bit tensed? I don't know! Ang gusto ko lang ngayon ay makita si Ashthrielle.
"Tita! I need to see Ashthrielle! Where is she?" natataranta kong saad.
Nagkatinginan silang dalawa ni Tito Marcus. "Nakaalis na siya..." she said sadly.
Nanlumo ako sa narinig. "No, hindi niya ako pwedeng Iwan. She loves me... She won't leave me..." Sabi ko.
Sinubukan ko ulit pumasok. Ngayon, sinisigaw ko na ang pangalan ni Ashthrielle. Wala na akong pakialam kong isipin ng iba na nabaliw na ako.
"Ashthrielle! Ashthrielle! Don't leave me, baby! I love you so much! Ashthrielle!" sigaw ko habang pilit na kumakawala sa hawak ng mga guard. "Let go of me! I need to see her!"
"Ashthrielle! Ash—"
"Ang ingay mo naman, natutulog ako."
I stunned.
I know that voice... I really know that voice!
Nilingon ko ang boses na pumutol sa akin. Nang makita ko kung sino ito, napatalon sa saya ang puso ko. Kilalang-kilala talaga nito ang nagmamay-ari sa kanya.
"God Ash..." I whispered unbelievably.
Yes. It's Ash. My baby Ash...
"Ano bang sinisigaw-sigaw mo dyan? Mukha ka tuloy'ng baliw."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap siya nang mahigpit.
"D-don't leave me..." Hindi ko alam kung bakit bigla nalang akong napahikbi.
Darn... This is so unmanly...
"Oh... my big boy is crying..." pang-aasar ni Ashthrielle habang hinahapyod ang buhok ko.
"I can't lose you Ash... I'm sorry for not believing you..."
Bumitaw siya sa yakap. Hinawakan niya ang mukha ko pinawi ang luha ko. "Tapos na 'yon... I won't leave anymore... Nandito na ako... Bumalik ako Deme dahil ayaw kong malayo sa 'yo... At kahit ilang beses mo pa akong hindi paniwalaan, hindi ako mapapagod na ipaintindi sa 'yo na hindi kita niloko. Ikaw ang tahanan ko eh... Babalik at babalik pa rin ako sayo..."
Niyapos ko ulit siya nang mahigpit. "God Ash... I want to kiss you right now..."
Natawa si Ash sa sinabi ko. "Sira! Nandyan sina Mom,"
"Let's start again, baby..."
"We will..."
Naputol ang pagyayakapan namin nang may marinig kaming naduwal. Nang tingnan namin iyon, nakita namin si Antonette na nakaluhod na sa sahig habang sumusuka.
Napangiwi kaming lahat.
"Walang hiya ka Antonette, may s**o pa ng milk tea 'yang suka mo..." nandidiring saad ni Angela.
Natawa kaming lahat sa sinabi ni Angela.
It was a roller coaster ride for me and for Ashthrielle. The love that we have for each other, brought as back into each other's arms.
She was my subject.
She was the cause of my headache.
But she was the one that I love.
And I will not forget that she was once Secretly Married to Mr. SSG President...
————THE END———