Bigla akong na-stress sa sinabi ni Romano. Mayroon pala siyang ganitong pinagdadaanan tapos ngayon ko lang nalaman. Kaya kaninang umalis siya para pumasok sa opisina niya ay mabilis din akong naligo at nagbihis. Pupuntahan ko ang lintek na Austin na iyon! Sa ngayon ay hindi na ako pinapayagan ni Romano na lumabas mag-isa kaya may sarili na rin akong driver at sasakyan na magagamit. Pagkatapos ay binigyan niya rin ako ng dalawang bodyguards. In-unblock ko muna ang huling numero na ginamit ni Austin na pangtawag sa akin. Isang ring pa lang ay nasagot na niya ito agad. Umikot pa ang mga mata ko dahil mukhang inaabangan o inaasahan niya talaga ang tawag ko. “Finally! Mabuti naman at tinawagan mo na rin ako. Gusto mo bang magkita tayo?” tila nang-aasar na pahayag at tanong nito kaya lalong k

