NAGISING ako dahil sa init ng araw na tumatama sa mukha ko galing sa bintana.
"Where am I?" tanong ko sa sarili habang sinusuyod ng buong tingin ang silid kung nasaan ako ngayon.
This is not Astrid's room. Alam ko kung ano ang itsura no’n. Lumipad ang tingin ko sa sarili, at parang nabunutan ng tinik nang makitang parehong damit pa rin ang suot ko kahapon at ngayon.
Bakit masakit ang ulo ko? Hindi naman ako nalasing kagabi. Umalis ako sa kwarto na nakasapo ang kamay sa ulo. Ang sakit! Parang binibiyak!
Nang makalabas ako sa kwarto ay bumungad sa akin si Sage na nakahubad-baro habang nagluluto. He's holding a spatula on his left hand at sa kabila naman ay parang cooking book.
Am I on his condominium? Wala akong maalala kung bakit kami napunta rito.
His back is so hot and it's sizzling!
I cleared my throat to catch his attention. Which I wasn't failed to do. Pinatay niya ang stove at saka humarap sa 'kin. Tinaasan niya ako ng kilay nang makitang pinasadahan ko ng buong tingin ang katawan niya.
"Loving the view?"
I smirked. "Hating the view," pagtatama ko.
Lumapit ako sa kanya at dumiretso sa refrigerator. I have to act normal. Nadala na naman siguro niya si Astrid dito.
Pinanuod niya ako na nagsasalin ng tubig sa mula sa pitsel. His brows furrowed, hindi naman nagtagal dahil hinubad niya ang apron na sout at nakahalukipkip na pinanuod ako ulit.
"What?" mataray kong tanong.
"Naninibago lang ako sa mga galaw mo," aniya at tinalikuran ako. He's preparing our meal.
"What happened last night? And why did I end up at your condo?" tanong ko at umupo sa dining table.
I'm hungry. Usually, when I get a hangover, Daven cooks me an abalone soup. Napahinto si Sage sa ginagawa. A devilish smile appeared on his lips. I frowned.
"You really didn't remember? Are you sure?" makahulugang tanong niya bago nagpatuloy sa ginagawa.
I tried to reminisce but I failed. The hell! Sinabi ko ba ang sekreto sa kanya? No. No. If I really did tell him, edi sana isinumbong niya na ako! Tangina, kung hindi, anong sinabi ko?
"Just joking." Then he smirked before he placed the plate on the table.
"f**k you," mura ko at inirapan siya.
This man really gets into my nerves. Talaga? Nag-joke na siya sa mukhang 'yon? Umupo siya sa harapan ko, ngunit walang pinggan ang harapan niya. Hindi ba siya kakain? He sipped his coffee before he looked at me intently.
I didn't let myself be bothered by his intimidating stares. Sa halip ay mas pinagtuunan ko ng pansin ang niluto niyang lasagna. Pagkatapos ko itong tikman, na-realize kong masarap siyang magluto. Masarap na masarap. Pero sa halip na puriin siya, naging tahimik lang ako.
Siya ang bumasag ng katahimikan.
"Tell me honestly." Napaangat ako ng tingin doon. "Why the hell are you making out with Dale?" Nahihimigan ko ang pinaghalong inis at galit sa boses niya.
Dale? Sinong Dale?
Fuck! The man I kissed on that bar! 'Yung sinuntok niya! And his sister's boyfriend…
"Why you look so shock—"
My jaw clenched. "Please fix your sentence. I didn't make out with him. We were just kissing…"
His jaw clenched too. "You still have the guts to correct me? Doon pa rin kayo pupunta kung hindi ko kayo pinigilan—"
"Shut the f**k up, Sage! I was about to push him, until you came! Naunahan mo lang ako!" Hindi ko na mapigilang mapatayo. I hate him for being bossy! Wala na akong pakealam kung maramdaman niyang nag-iba na si Astrid. The hell I care!
Padabog din siyang tumayo. Mas mataas siya sa 'kin kaya bahagya akong napatingala. We both look into each other's eyes with intensity.
"What the hell is going on with you, Astrid? Since you came home, parang may nagbago sa 'yo! The way you talk and the way you talk about Dale—"
"Bakit hindi mo tanungin ang sarili mo kung bakit nga ba ako nagbago?!"
Pagak siyang tumawa, hindi makapaniwala. "So now you're changing the subject?"
"I'm not changing the subject, Sage! Dahil ikaw naman talaga ang puno't dulo nito!"
"Damn, I don't even know why I didn't get mad at you…" parinig kong bulong niya.
Totoo naman talaga! Siya ang dahilan kung bakit lumipad si Astrid sa Canada! Siya ang dahilan kung bakit napatay ni Ariella si Astrid! Kung naging considerate lang sana siya sa feelings ni Astrid!
Napaiwas siya ng tingin. I sneered before I turned my back on him.
Hanggang sa makarating ako sa lobby ng building. Walang Sage na humabol sa 'kin. Mabuti na rin 'yon para iwas gulo.
Change pala, ha. I'll give you the biggest glow-up of Astrid.
NANG makauwi ako sa bahay nina Astrid, ang matandang mayordoma kaagad ang sumalubong sa 'kin. Worry is visible on her face.
"Astrid Claveria! Saan ka galing? Bakit hindi ka umuwi?!" sunod-sunod niyang tanong.
Napapikit ako ng mariin. Now I have to wear a mask named "Astrid". Bahagya akong dumukwang para halikan ang pisnge niya.
"Kay Sage lang po. Nalasing kase—"
"Kay Sage? Tapos nalasing…" Umawang ang bibig niya.
Napatawa ako. "Wag nga kayong mag-isip nang ganyan. Sa kwarto lang po muna ako," paalam ko at hindi na hinintay ang sagot niya.
Hindi ko alam kung ilang beses kong binasa ang sulat ni Mommy, at kusa pa ring lumalabas ang mga luha ko.
Ang dami ng pagkukulang ko kay Mommy. Lahat ng maanghang na salitang tinapon ko sa kanya, ni hindi ko man lang nabawi. Lahat ng kabutihan niya sa 'kin, hindi ko nasuklian. At higit sa lahat, siya ang sinisi ko sa pagkamatay ng totoo kong ina, na dapat ay hindi ko ginawa. She was just too afraid to lose me. Alam kung napatawad na siya ng totoong ina ko ngayon.
I'm really sorry, Mom. I regret the day that I didn't hear your side. Gusto kong sabibin 'yon sa 'yo sa harapan mo, pero ngayon… hanggang bulong na lang ang lahat.
Namatay si Mommy sa araw ng operasyon. I still clearly remembered Daddy's reaction that day. Kaya ba gano’n ang reaksyon niya dahil wala na si Mommy? At talagang hindi man lang niya ako sinabihan? Does Ariella know?
Si Daven lang ang makakasagot ng lahat ng mga katanungan ko. But how could I win him back? I'll win him back, I'm confident on that.
At sisimulan ko ito ngayon.
I visited the boutique that I and Mom used to hang out before. Doon ako bumili ng susuutin ko para ngayon. Wala na kase akong mapili sa mga damit ni Astrid. Buti na lamang at nakita ko ang ATM card ni Astrid habang naghahanap ng interesanteng bagay sa vanity table niya at ito lang ang nakita 'kong interesante para sa'kin.
While they're fixing my hair, nag-online shopping ako. Like the furniture in my room— Maybe I should consider Astrid's thing, mine? Syempre, pwede 'kong gawin 'yon!
A wide grin appeared on my lips, as I saw my final look.
They turned my long wavy hair into, above the shoulder length, and they made some curls in the tip. Masyado na akong nabo-bored sa color black kaya, I change the color too. Black into ash gray.
Talagang nagpapasalamat ako na brokenhearted si Astrid, kung hindi, hindi ko alam kung saan ako hahanap ng rason kung sakaling mapansin nila ang mga pagbabago ni Astrid.
I'm not that good at pretending. I prefer being visible.
I wear a rusty orange bodycon, I partnered it with Gucci belt to define my curves and velvet black over-the-knee boots.
Ibinaba ko ang aking shades nang masipatan ko ang Chevrolet Corvette. I didn't bring Astrid's driver with me, I want to be free right now.
Pinaharurot ko ito na para bang may humahabol sa 'kin. I huffed in annoyance when my cellphone rings, registered ang number ngunit hindi ko alam kung sino. Sinagot ko 'yon, and to my surprised naka-connect pala iyon sa bluetooth ng sasakyan.
"What?" paasik kong tanong. She just crushed my mood!
"Uh, Ms Claveria, Chairman Besabella wants you in the school right now, I know you're on leave—"
"I'll be there in 15 minutes." Then I hang up. Hmmm, I haven't visited that school…
I rolled my eyes when everyone's eyes are on me. Poor them and their ignorance.
Pitong building ang nakaikot sa isang malawak na empty space. The six buildings have 10 floors and other one is the building for teacher and staff in this school. Sa pinakataas nito ay doon naka-locate and covered court.
No wonder why this school is the best private school foundation in the Philippines.
Their uniform is just simple. Simpleng puti na button-down sa upper uniform ng mga babae, with a simple green bow tie and green skirt with yellow strips, depends on what grade you are in. Habang sa mga lalaki naman ay nasa dulo ng kanilang pants ang yellow strips.
Habang naglalakad ako sa corridor ng mga secondary level, there's a small commotion. I walked in their direction like a model. Hindi ko na kailangan pang ipagsiksikan ang sarili ko dahil sila na mismo ang nagbibigay ng daan para sa'kin.
"Looks like there's a catfight here, huh?" nakatikhim 'kong tanong.
Nahinto ang pag-aaway nila at mga hiyaw ng estudyante. Wala man lang bang umawat sa kanila? Apat na babaeng estudyante ang nag-aaway at ang kanilang mga buhok ay sabog. May iba pang nasira ang uniporme.
This scene reminds me of back then… 'yung mga panahon na napapaaway si Ariella dahil sa 'kin.
What caught my attention is the girl that’s still laying on the floor. May kalmot siya sa mukha. Nang magtagpo ang mga mata namin, kaagad siyang nag-iwas ng tingin.
She looks familiar...
"Oh, ano kayo! Dumating lang si Dean naging anghel na kayo?!" Anang isang estudyante at pilit pinapatayo ang babaeng nasa gitna. Hindi niya ito tinanggap kaya ako na mismo ang lumapit.
But my feet were glued to the floor when I saw a woman. An evil woman to be exact.
"Anong nangyari dito? Ms. Claveria? Ms. Valenciaga? Ms. Dominic…"
Hindi ko na nasundan pa ang mga sinasabi niya when a scene flashed through my mind.
I glared at her while she looks anxious. Hindi ko alam kung bakit ang pagtulong kay yaya ay parang kay hirap na sa kanya na gawin.
"Stop the car," matigas kong utos habang masama pa ring nakatingin sa kanya.
"No, uuwi tayo—"
"You're heartless, Mom! You know her but you're acting like a stranger—"
Padabog niyang ihininto ang kotse at mariim na hinawakan ang magkabilang balikat ko. I don't know why she's shaking…
"I am your mother! I am your mother!" She keeps chanting that word.
Tinanggal ko ang mga kamay niya sa balikat ko at hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya. Without a word, lumabas ako sa kotse. She shouted my name but I didn't bother to look back. I run fast, faster as I can.
"Hindi ako nagnakaw, Alexa! Pinagbintang nila ako! Set up!"
"May sasabihin ako sa 'yo, anak..."
That lines keeps bothering me. Ang mga mata niyang nakatingin sa 'kin pagkatapos niyang masagasaan. Mas binilisan ko ang aking takbo, nagbabakasakaling madatnan ko pa siya roon.
When I arrived at the scene, I'm chasing my breath. Mabilis akong lumapit sa stretcher ng makita ang katawan ni Yaya na ngayon ay may puting kumot na nakatabon sa kanya. Gusto kong lumapit at hawakan siya sa huling pagkakataon, but the nurse wouldn't let me.
Slowly, I cried after I chased the ambulance.
Kumuyom ang kamao ko nang makita ang babaeng sumagasa kay Yaya. Umiiyak siya ngayon sa balikat ng lalaking estudyante. They were a BIS students, based on their uniforms.
I was about to go near on them when a policeman stopped me again. Pilit akong pumipiglas ngunit masyadong siyang malakas, hanggang sa sumakay sila sa kotse at makalayo sa 'kin.
I kicked the legs of a policeman who stopped me. "Ang babaeng 'yon ang sumagasa sa yaya ko!" sigaw ko sa kanya at tinalikuran siya.
They paid for them to be silenced! Binayaran nila ang mga pulis kaya nakaalis sila rito! That girl should be rotten in jail!
'Yan ang mukhang nakita ko nang dumaan ang kotse nila sa harapan ko. 11 years ago and I still clearly memorized all details of her face.
"Ms. Castillo, Si Claveria po ang nag-cause ng gulo rito!" sumbong ng kung sinong estudyante.
Ms. Castillo?! So she's a teacher here?!
"Get back to your prospective room—"
Nahinto siya sa pagsasalita nang makita kung paano ko siya titigan habang dahan-dahang naglalakad palapit sa kanya.
Seeing her face wakes the lion inside of me. I want to kill her! Buhay kapalit ng buhay!
"A-Astrid… w-what are y-you doing?" nauutal niyang wika habang paatras.
Nawala ang pake ko kahit pa maraming estudyante ang nakatingin sa ‘min. Unconsciously, lumipad ang kamay ko, ilang dipa na lamang ang layo nito sa mukha niya, kaya napipikit siya nang mariin. Hindi ko naituloy ang balak ko nang may tumawag sa 'kin. Nabitin ang kamay ko sa ere.
"Ms. Claveria, Chairman Besabella is waiting for you in Director's Office."
Alexandra! Please don't get swayed by your emotions. Narinig ko ang mga singhap ng estudyante. Kaagad kong kinuyom ang mga kamay ko sa ere at ngumiti sa kanya.
"The next time, Ms. Castillo, please fix the collar on your uniform. Nakakairita tignan," malditang utos ko tsaka siya tinalikuran na mayroong mabibigat na hininga.
Tinalikuran ko sila at umalis doon na parang walang nangyari.
This school is raising a murderer.