Sumunod na araw, nagising si Laureen na hinang-hina at para bang napagod ng husto. Nagtataka siya dahil kagigising pa lang niya pero pagod na kaagad siya. "Teka, bakit wala pa yata akong dalaw ngayon?" bulong ni Laureen sa sarili nang makita ang kanyang napkin. Wala pang bawas ang tatlong napkin na binili niya noong nakaraang buwan pa. Kumunot ang noo niya nang malamang late na siya ng dalawang linggo. Hindi naman siya nale-late ng ganoong katagal. Madalas na dalawa hanggang limang araw lang nale-late ang dalaw niya. Nagtungo siya sa banyo at saka tiningnan ang sarili. Pinagmasdan niya ang katawan niya matapos niyang itaas ang kanyang tiyan. Tiningnan niyang maigi ang tiyan. Hinawakan niya ito at saka pinakiramdaman. Muli siyang tumingin sa mga napkin niya at saka siya kinabahan. "Kyra

