Chapter 3

1011 Words
"You're so cool grandma!" agad 'kong binuksan ang isang kwarto at pumasok doon ng makarinig ako ng ilang yapak at boses ng isang batang lalake. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga at tumingin sa kabuohan ng kwarto. Maraming stuff toy's at mga laruang baril at mga poster at sa tingin ko ay kwarto ito ng bata. "Hey! Who are you?! What are you doing in my room?!" napatalon ako sa gulat ng bumukas ang pinto at pumasok ang isang batang lalake habang magkasalubong ang kilay. "H-Hello," nauutal na bati ko at kumaway sa batang pumasok at tingin ko ay ito ang kwarto niya. "Are you looking for something? By the way, I'm Cooper," parang naputulan ng sungay nitong sabi at inayus ang buhok. Pilit akong ngumiti at tinanggap ang kamay nito. "You're so beautiful, can I court you?" Tanong nito "A-Ano?" nauutal na tanong ko dahil para akong nabingi sa sinabi ng batang ito. "I said, can I court you?" ulit nito at parang binata na lumapit sa akin bago hinawakan ang kamay ko. "Cooper, sino ang kausap mo?" pareho kaming napatingin ng batang ito sa tapat ng pinto ng may biglang nagsalita. "Nothing grandma," sagot ng batang ito at kumindat sa akin. Napasapo ako sa ulo habang umiiling. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako nakatagpo ng batang katulad nito. "I know you like me, don't worry. I'll be your boyfriend from now on," hindi ko napigilan ang ngumiti at umupo para magpantay kaming dalawa. "Pero masiyado ka pang bata para sa ganiyang bagay," ani ko at ginulo ang buhok nito. Siguro ay may lahing hapon ang mga magulang nito dahil mukha itong foreigner. "But I like you," nakatikwas ang nguso nitong sabi. Nanggigil na pinisil ko ang medyo maambok nitong pisngi at muling ginulo ang buhok. Kahit na ang labi nito ay sobrang pula. Hindi na 'ko magtataka kong maraming babae ang mahumaling sa batang ito. "Auch!" reklamo nito at mahina akong tinulak at hinawakan ang pisngi na namumula. "Sobrang cute mo kasi kaya hindi ko namalayan na masiyado ko ng nadiinan ang pag-pisil sa pisngi mo," wika ko. "Really?" umangat ito ng ulo at namumula ang pisngi na tumingin sa akin. "Ang cute mo talaga, hehehe!" hindi ko napigilan ang sarili at muling pinisil ang pisngi nito. "Auch! My cheeks!" reklamo nito at agad na lumayo sa akin. "If we cant be together..." bumuntong hininga ito bago muling nagsalita, "Your future daughter will be mine." "Seryos-" "Ohh! I think dad is already here!" Putol nito sa akin bago ako hinikit sa kamay at binuksan ang pinto. "T-Teka lang. H-Hindi ako sasama sa 'yo," Natataranta kong sabi at agad na sinara ang pinto. "C'mmon mom! Hurry up!" untag nito at binuksan ang pinto bago mabilis na tumakbo. "Where's she?!" narinig ko ang pamilyar na sigaw ng isang lalake at kong hindi ako nag-kakamali ay boses 'yon ni Parkier. "Kailangan ko ng makaalis dito," bulong ko sa sarili at marahan na kinagat ang labi. "Dad! I found a beautiful woman in my room!" narinig kong sagot ni Cooper kaya agad kong sinara ang pinto at ni-lock. "A-Anong gagawin ko?" natataranta kong tanong sa sarili habang pabalik-balik na naglakad. "Do you see her?! Where's she?!" sigaw ni Parkier. "Alam ko na," ngumiti ako at agad na tumakbo palapit sa bintana bago ito binuksan. "Damnit! Open this door!" sigaw ni Parkier sa labas habang pilit na binubuksan ang pinto gamit ang door knob. "Kaya mo 'yan Aeliyah," pag-papalakas loob ko sa sarili at dumungaw sa bintana pero sobrang taas nito. Tumingin ako sa kurtina na nasa tabi ko kaya agad ko itong kinuha at binuhol sa bakal at tinapon sa bintana. Dahan-dahan akong lumabas sa bintana habang hawak ang mahabang kurtina. Mukha naman itong matibay dahil makapal ito at mukha pang bago. Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago mahigpit na hinawakan ang kurtina at dahan-dahang bumaba. Mabuti nalang dahil marunong akong mag-rock climbing kaya hindi ako masiyadong nakakaramdam ng takot. "Come back here!" napaangat ako ng ulo pero agad akong umiwas at pinagpatuloy ang pagbaba gamit ang makapal na kurtina. "I said come back here!" muling sigaw ni Parkier at buong lakas na hinikit ang kurtina pataas. Inalis ko ang kapit ng kaliwang kamay ko habang pilit na inaabot ang bakal para makaliban ako sa terrace ng isang kwarto. "Stop it!" ngumisi ako at parang gagamba na naglambitin at lumiban sa terrace ng kwarto. Mahina akong napatawa ng makita ko ang mukha ni Parkier na nagaapoy sa galit at agad na tumakbo paalis. "Hindi na masiyadong mataas kaya hindi na masama," sabi ko sa sarili at dahan-dahan lumambitin. "Diyos ko! Hija mahulog ka!" natatakot na sabi ni manang. "Okay lang po ako!" untag ko at tumingin sa baba. "T-There your are," hinihingal na sabi ni Parkier at mabilis ang mga paa na naglakad palapit sa akin pero kasabay noon ang pagbitaw ko sa bakal. "Diyos ko! Patawarin ka ng Diyos!" Pinagpagan ko ang suot kong damit at inayus ang nagulong buhok. "Okay lang po ako," ngumiti ako sa ginang na sa tingin ko ay nasa singkwenta ang edad bago lumingon sa taas kong saan naroon si Parkier. "Bye," paalam ko at parang prinsesa na naglakad. "You can't escape with me!" napatalon ako sa gulat ng biglang sumigaw si Parkier kasabay ng pagtalon nito sa ikalawang palapag ng bahay. "Patay," tanging nasabi ko bago mabilis na tumakbo. "L-Lumayo ka sa akin!" natataranta kong sigaw habang mabilis na tumatakbo at ilang metro nalang ay malapit na 'kong makalabas gano'n din si Parkier na ilang metro nalang ang layo sa akin. Pinunas ko ang pawis ko at luminga sa likuran ko pero wala na doon si Parkier kaya nakahinga ako ng maluwag at humarap para ipagpatuluy ang pagtakbo pero halos mawala ako sa sarili ng makita ko ito sa harapan ko. "Where do you think your going?" Salubong ang kilay nitong tanong at walang pasabi na binaba ako na parang isang sako ng bigas. "Pakawalan mo 'ko Parkier!" sigaw ko habang hinahampas ang likod nito. "Shut up!" untag nito at naglakad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD