"Ano ba! Pakawalan mo nga 'ko dito!"
Untag ko habang pilit na inaalis ang posas sa dalawa kong kamay.
"I'm hungry, let's eat dinner." tumayo si Parkier at binuksan ang pinto bago ako hinawakan sa braso.
"Let's go." pagaya nito at nagsimulang maglakad habang hawak ako sa braso.
"Kaya ko maglakad kaya pwede ba bitawan mo 'ko!" reklamo ko at umirap.
"I'm watching you," seryoso ang mukha nitong sabi at binitawan ako sa braso.
Para akong hostage sa lagay ko ngayon at oras na may magawa akong pagkakamali ay isang putok ng baril ang tatama sa akin.
"Oh! Mabuti at nandito na kayo dahil kanina pa kayo hinihintay ni Cooper,"
Anang ng ginang at matamis na ngumiti sa amin pero napalis ang ngiti nito ng mapansin ang posas sa kamay ko.
"Bakit may posas ang kamay mo hij-"
"She need that," putol ni Parkier sa ginang at makahulugan na tumingin sa akin.
"Gano'n ba? O siya sige maupo na kayo dito." pagaya ng ginang at inayus ang upuan.
"Grandma! Where's my food?!" untag ni Cooper habang nakatikwas ang nguso.
"Let's eat." umupo si Parkier sa upuan at dinasig sa tabi nito ang isang upuan.
Bumuntong hininga ako at umupo sa tabi nito habang nakatingin sa pagkain na nakahain sa mesa.
"Eat this food." utos nito at pinatong ang pinggan sa tapat ko.
"Hindi ako nagugutom," sagot ko.
"Are you sure?" umismid ako at tumingin kay Parkier.
"Bakit? Mukha ba akong nagbibiro?"
Balik tanong ko sakaniya kasabay ng pagtunog ng tiyan ko.
"Anong nakakatawa?!" galit na tanong ko.
Imbis na sumagot ay isang nakakalokong ngiti ang pinakita nito sa akin.
"Sa tingin mo ba makakain ako kong may posas ako sa kamay? Tsk!" bagsak ang katawan na sumandal ako sa upuan at ginalaw ang kamay pero lalo lang humigpit ang posas na nasa kamay ko.
"Open your mouth." tinaasan ko si Parkier ng kilay pero seryoso ang mukha nito na nakatingin sa akin.
Naiilang na binuka ko ang bibig ko at sinubo ang pagkain na sinubo ni Parkier sa akin.
"Dad! I want that kimchi!" untag ni Cooper at tinuro ang kimchi sa tabi ni Parkier.
Hindi ito pinansin ni Parkier at muling sinubo sa akin ang pagkain bago tumingin kay Cooper.
Ibig sabihin ay ama na si Parkier at si Cooper ang anak nito? Pero hindi halata kay Parkier na isa na itong ama dahil para parin itong binata. Kong may anak na ito, sino ang asawa ni Parkier?
"Stop thinking nonsense and eat this food." sabi ni at hindi ako hinayaan na magsalita dahil kusa nitong sinubo sa akin ang pagkain na nasa kutsara.
"Mom! Can you sleep with me?" singit ni Cooper pagkatapos uminon ng tubig.
"Tapos ka na bang kumain Cooper?"
Tanong ng ginang habang pinupunas ang dumi sa bibig ni Cooper.
"Ahmm... Pwede po magtanong?"
Binaling ng ginang ang tingin sa akin at tumigil sa pagpunas ng dumi ni Cooper sa mukha dahil sa kalat nitong kumain.
"Kayo po ba ang lola ni Cooper?"
Tanong ko at pasimple na tumingin sa katabi pero magana itong kumakain.
"Hindi hija, katulong lang ako dito pero sanggol palang si Cooper ay ako na ang nagalaga sakaniya gano'n din kay Parkier kaya nga parang tunay na apo na ang turing ko sa kanila," mahabang lintaya nito na may ngiti sa labi at saya sa mga mata.
"Ibig niyo po sabihin, hindi si Parkier ang ama ni Cooper?" tanong ko kasabay ng pagtigil ni Parkier ng pagkain.
"Do I look like a father!" parang nagaalburutong bulkan na untag ni Parkier at tinapon ang hawak na table napkin.
"Ofcourse you are, hehehe!" ayuda ni Cooper at mahinang humagikhik.
"Pero bakit daddy ang tawag niya say-"
"Follow me or else." malamig ang tono ng boses nitong sabi.
"Galit agad," nagkibit balikat ako at sumunod kay Parkier.
Hinahanap kaya ako nila mommy ngayon? Galit parin kaya sila sa akin?
Gustuhin ko man na bumalik sa amin ay natatakot ako na baka muli nila akong pilitin ipakasal.
"Aray!" Inda ko ng hindi sinasadya na tumama ang noo ko sa matigas na bagay.
"Tsk! What's wrong with you?!" nanlilisik ang mga mata na tanong ni Parkier sa akin habang sinusuri ang noo ko na tumama sa likod nito.
"Hey dad! Don't touch her!" untag ni Cooper habang mabilis na tumatakbo palapit samin pero bago pa ito malalapit samin ay mahigpit na hinawakan ako ni Parkier sa braso at kinaladkad papasok sa loob ng kwarto.
"Aray! Nasasaktan ako!" reklamo ko ng masara nito ang pinto.
"That's your fault! Your flirting my younger brother!" umismid ako at pasalampak na umupo sa sopa.
"Anong sinasabi mo diyan?!" balik na tanong ko.
Hindi ko alam kong ano bang klaseng utak ang meron sa magkapatid na 'yon lalong-lalo na si Parkier.
"Admit it or not. You want to flirt my younger brother!" umirap ako at tinaasan ng isang kilay ang kaharap.
"Ang bata-bata pa ni Cooper! Ano tingin mo sa akin papatulan ko ang batang 'yon?" hindi makapaniwala na tanong ko.
"Really?" may ngiti sa labi nitong tanong na para bang demonyo na naputulan ng sungay.
"So you like me and not my younger brother?" hindi ko ito pinansin at pinakita dito ang posas sa kamay ko.
"Wala ka bang balak na tanggalin ito sa sakin?" tanong ko dahil tuwing igagalaw ko ang kamay ko ay lalo lang itong humihigpit.
Nakahinga ako ng maluwag ng umalis ito sa harapan ko. Siguro ay kukunin na nito ang susi para tanggalin ang posas sa kamay ko.
"Mabuti naman at naisipan mong tanggalin ang posas sa kamay k-"
Napatigil ako sa pagsasalita ng umupo ito sa tabi ko habang umiinom ng Tequila.
"I'll not do that thing but if you want me to do that..." ngumisi ito at nilagok ang Tequila.
"Marry first and be my wife," anang nito at kinuha ang cellphone sa bulsa ng bigla itong tumunog.
"Think about that before it's too late,"
Sabi nito na para bang may gustong ipahiwatig bago muling sumulyap sa akin at lumakad paalis para sagutin ang tumatawag.