"May balak ka bang alisin ang posas na 'to sa kamay ko?!" galit kong sabi habang pilit na hinihikit ang kamay sa posas na kasalukuyang nakatasok sa bakal ng kama.
"Your so noisy! Can you please shut up?!" salubong ang makapal na kilay nitong sigaw at tumigil sa pagtipa sa laptop nito.
"Kyahhhh! Tulong! May r****t dito!"
Sigaw ko na halos mawala ang boses dahil sa lakas.
"Tsk! Nobody can hear you unless me,"
Malumay nitong sabi at tinabi ang laptop dahil sa tingin ko ay nawalan na ito ng gana dahil kanina pa ako nagiingay.
"B-Bakit mo hinubad ang suot mong damit?" nauutal na tanong ko at agad na umiwas ng tingin sa kaharap.
"Your blushing," may ngisi sa labi nitong sabi at humiga sa tabi ko.
"Shut up okay? I'm so tired so I need to rest," Inunan nito ang braso nito at pinikit ang mata.
Umiwas ako ng tingin kay Parkier lalo na sa katawan nito at dumasig palayo pero para lang akong isang pat pat na kahoy ng hinila ako nito bago isanday ang paa sa akin.
"I'm sleepy," mahina nitong bulong habang nakapikit ang mata.
"Ang kapal naman ng mukha mo para isanday sakin 'yang mabigat na binti mo!" reklamo ko at inalis ang mabigat nitong binti sa akin.
"Arhg!" galit na bumangon ito sa pagkakahiga at ginulo ang buhok habang nanlilisik ang mga mata na nakatingin sa akin.
"Hindi ka talaga makakatulog hanggat hindi mo inaalis ang posas sa kamay ko at hayaan na umalis!" pagsusungit ko at inirapan ang kaharap.
"Oh? Anong tinitingin-tingin mo diyan?"
Nakatakas ang kilay kong tanong kaya agad naman itong umiwas at may kinuhang kong ano sa bulsa.
"Mabait ka naman pala eh," matamis akong ngumiti ng nilabas nito ang susi sa bulsa nito at inalis ang posas sa kamay ko.
"Good bo-" naputol ang sasabihin ko ng bigla ako nitong hinikit pahiga sa tabi nito bago kinulong sa mga bisig nito.
"Ofcourse, I'll not let you go..." ani nito na halos ilang metro lang ang layo sa akin.
"unless you marry me," dugtong nito bago pinikit ang mata at mahigpit akong yinakap.
"Balaha ka sa buhay m-" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay mabilis na nitong nasakop ang labi ko.
Hindi ko alam pero para akong naparalisa dahil hindi ko man lang magawang maigalaw ang katawan ko at hinahayaan lang na halikan ako ni Parkier.
"Let's continue later honey, I'm sleepy,"
Anang nito ng maghiwalay ang labi namin bago ako muling mahigpit na yinakap at hindi ko na namalayan na hinihila na ako ng antok.
Phoneix Thaddeus POV
"Hey kiddo!" tawag ko kay Cooper ng makita ko siya sa sopa habang nakaupo.
"Go away!" nakasimangot na tumingin siya sakin at kinoyom ang kamao— napalunok ako ng laway dahil sa ginawa niya. Kahit bata 'to alam kong bihasa siya sa pag sasanay at pagamit ng baril.
"Nasaan si boss?" tanong ko at inayus ang buhok ko. Alam ko naman na halos mahimatay ang mga babae kapag nakikita ako.
"Follow me." tumayo siya at nag lakad pataas ng hagdan kaya tumigil ako sa pag aayus ng buhok at sumunod sa kaniya.
"Open that door." tinuro niya ang kwarto ng pintuan ni boss na na kasarado.
"Hintayin ko na lang si boss na magising,"
Dahil alam ko na oras na buksan ko ang pinto na 'yan bala ng baril ang sa salubong sakin. Ayaw ko pa mamatay sayang ang gwapo kong mukha.
"Don't worry he's with my mom," kailan pa nag sama ng babae si boss sa kwarto niya at pumayag na mag karoon ng Ina itong si Cooper?
"Hindi mo ako maloloko, hahaha!" tumawa ako pero napaigik ako sa sakit at napahawak sa maselang parte ng katawan ko. Kita niyo na masama talagang lukohin ang batang 'to.
"The key is here," pinakita niya ang susi na hawak niya at binuksan ang pinto.
"Come with me or I'll punch you," paikaika akong sumunod kay cooper papasok sa loob ng kwarto. Sana lang ay makalabas pa ako ng buhay sa kwarto na 'to.
"Namamalik mata lang ba 'ko?" mag kayap silang dalawa at pareho na mahimbing ang tulog— kinuha ko ang cp ko sa bulsa at kinuhaan sila ng letrato. Minsan lang 'to para kong mamatay man ako ngayon meron akong ebidensya.
"Mom! wake u-" tinakpan ko ang bibig ni Cooper at pinigilan sa paglapit sa kanila pero huli na ang lahat dahil biglang gumalaw si boss at nag mulat ng mata.
"Boss, lalabas muna ako." tumakbo ako palabas ng pinto ng makita ko na kinuha niya ang baril na nasa gilid niya at tinutok sakin.
Lumabas ako ng mansion ni boss at pa sipol-sipol na nag lakad habang hinahagis ang susi na hawak ko— sumakay ako sa Ducati ko at sinuot ang helmet bago mabilis na pinaandar.
Muntikan na 'ko dun mabuti nalang at nakatakas ako kong hindi baka hindi na ako sisikatan ng araw. Tumigil ako ako at tinanggal ang helmet na suot ko.
"Gwapo ako diba?" kumindat ako sa babaeng dumaan sa harapan ko at napansin ko naman na namula ang mukha niya.
Bumaba ako sa Ducati ko at iniwan ang helmet na suot ko bago nag simulang maglakad at iniwan ang babaeng nakatayo sa harapan ko. Inayus ko ang buhok ko habang nag lalakad at sumakay sa elevator.
"Ikaw na." narinig ko na usapan ng dalawang babae na kasabay ko.
"Nakakahiya," bumukas ang elevator na sinasakyan ko kaya lumabas ako at humarap sa kanila.
"Kyahhhh!" kita niyo halos mahimatay ang mga babae kahit na wala akong gawin. Naglakad ako palapit sa condo ko at binuksan pero Isang babae na na kasimangot sa harapan ko ang bumungad sakin.
"Bakit ngayon ka lang?" nakataas ang kilay na tanong niya.
"Bakit na miss mo ba 'ko?" pangaasar ko sa kaniya at pumasok sa loob.
"Feeling mo naman!" tumawa ako at nilagpasan siya pero nagulat ako ng bigla siyang sumakay sa likod ko.
"Anak ng!" nilamutak niya ang mukha ko gamit ang kamay niya.
"Hindi ka parin nag huhugas?!" sobrang baho ng kamay niya.
"Tubig lang ang ginamit ko dahil wala akong nakitang sabon," bumaba siya sa likod ko at humarap sakin.
"Ano bang klaseng babae ka," bulong ko at hinikit siya papasok sa cr.
"May sinasabi ka?" tanong niya ng maka pasok kami sa cr.
"Wala!" sagot ko at hinugasan ang kamay niya. Bakit ba nag titiis ako sa babaeng 'to?