Simply Almira
NO LIMIT
The forbidden game begin...
ALMIRA'S POV
Alas-singko na ng hapon pag-uwi ko galing school. Pagod na ang katawan ko pero pagbukas ko pa lang ng pinto ay pabaksan akong naupo sa couch. Habang nakasandandal ang ulo at marahang hinihimas ang aking sentido.
"Ma!" ang agad na sigaw ni Jelo mula sa sala. Galing siya sa kanyang room, habang pa ang controller ng game console. "Late ka yata ngayon?"
"May meeting pa kasi kami sa faculty anak. Pasensya na," sagot ko habang inilalagay ang bag ko sa center table at lumapit para halikan siya sa noo. Dito lang ako pwedeng maging malambot dito lang ako pwedeng maging buong ina at asawa. Sa loob ng bahay walang pormalidad walang harang, puro pagmamahal lang. "Kumain na ba kayo?"
"Kakain pa lang. Hinihintay ka pa ni Papa."
Tumango ako at dumiretso sa kusina. Hindi naman masyadong malaki ang bahay sapat lang para sa aming tatlo. Puti at kulay kape ang pintura laging malinis laging maayos. Ganito ko gusto payapa simple walang gulo.
Nang dumating si Dan mula sa trabaho agad niya akong sinalubong ng yakap. Yung yakap na pamilyar na, matagal na naming ginagawa simula noong magkasintahan pa lang kami. Hinalikan niya ako sa noo tapos sa labi mabilis pero puno ng pagmamahal. Walang pagdududa walang tanong, alam na niya kung sino ang uuwian ko at alam ko kung sino ang naghihintay sa akin.
"Pagod ka na ba?" tanong niya nang mahina. Umiling ako sabay yakap nang mahigpit sa kanya.
"Hindi naman. Masaya ako na nasa bahay na tayo."
Habang kumakain kami kwentuhan lang. Tungkol sa trabaho ni Danilo sa school ni Jelo sa mga plano namin sa darating na anibersaryo namin. 19 years na kaming kasal. Almost 2 decades na at araw-araw ko pa ring pinipili ang lalaking ito, sa bawat tingin sa kanya sa bawat paghawak sa kamay niya sa bawat pag-uwi ko sa bahay. Hindi ko kailangang sabihin na tapat ako, nakikita naman niya sa bawat kilos ko.
Pagkatapos kumain ay naghugas ako ng pinggan habang nanonood sila ng TV sa sala. Habang naghuhugas napangiti ako. Ito yung buhay na gusto ko. Simple tahimik puno ng pagmamahal. Walang ingay walang gulo walang itinatago. Lahat ay bukas, dahil wala naman akong itinatago. Wala akong dahilan para magtago.
Bago matulog niyakap ako ni Danilo mula sa likod habang nakahiga na kami. "Salamat Almira," bulong niya sa tenga ko. "Salamat dahil ikaw ang asawa ko."
Napangiti ako at hinawakan ang kamay niya sa aking tiyan. "Wala yon. Salamat din sa iyo Danilo. Mahal kita."
"Mahal din kita."
Natulog kami nang magkayakap. Walang alalahanin walang pagdududa. Dahil alam ko at alam niya na hindi ko kailangang magsalita para ipakita kung saan nakapwesto ang puso ko. Nandoon sa kanya nandoon sa pamilya namin.
Kinabukasan maaga akong gumising. Bago pa man sumikat ang araw gising na ako. Naghanda ng almusal naghanda ng damit naghanda ng sarili. Pero paglabas ko ng pinto ay ibang Almira na ang haharap sa mundo.
Pagpasok ko sa loob ng Grade 12 classroom tahimik agad sila. Alam na nila ang ugali ko, kapag nasa loob ng classroom na ito, Dahil dito, ako ang Teacher at sila ang estudyante. Walang biro walang paborito. Na kahit ba si Jello na sarili kong Anak.
"Good morning class," bati ko, habang inilalagay ang bag ko sa mesa at tumingin sa lahat.
"Good morning Ma'am Almira," sabay-sabay nilang sagot.
"Before we start. Clear your desks. No books, no more notes. We will have a surprise quiz today."
Agad na nagbulungan ang mga estudyante. Some looked nervous some looked shocked.
"Quiet," I said firmly. "I did not ask for reactions. I said clear your desks. Now."
Agad silang sumunod. Walang nagreklamo dahil alam nilang kapag sinabi ko yon, hindi na magbabago pa ang desisyon ko. Ito ang istriktong bahagi ko. At bad and evil side ko siguro... dahil kailangan nilang matuto. Walang palakasan sa buhay at lalong walang special treatment sa klase ko.
Nang matapos ang quiz pinapasa ko agad ang mga papel. Kinolekta ko sila isa-isa at habang naglalakad ako pabalik sa mesa napansin ko ang pag-iwas ng tingin ni Rico. Nakaupo siya sa likod kasama si Jelo. Tinitigan ko siya nang sandali bago tumalikod. Alam ko kung bakit, dahil alam na niya ang darating.
Kinabukasan ibinalik ko na ang mga papel. Isa-isa ko silang tinawag sa pangalan. Kalmado pero seryoso ang boses ko habang ibinibigay ang marka.
"Jelo — 86. Good job!" Ngumiti nang bahagya si Jelo at kinuha ang papel.
"Rico — 62."
Tumahimik ang buong klase. Tumingin ako nang diretsyo sa kanya. Walang awa walang pag-aalinlangan.
Bahagya akong napahinga ng malalim at muli ay napahawak sa aking sentido.
"Rico please stand up."
Tumayo siya nang dahan-dahan. Nakayuko siya hindi makatingin nang diretsyo sa akin.
"Is this acceptable to you?" tanong ko nang malinaw at seryoso. "You are capable of better than this. I know that. But your performance shows otherwise. You are Jelo's best friend and you spend almost every day in our house. Does that mean you think you deserve special treatment? That you don't need to study because you are close to the teacher?"
Umiling siya nang dahan-dahan. "No Ma'am."
"Then prove it. Next exam I expect nothing less than 85. If you cannot give me that then do not expect me to go easy on you just because you are friends with my son. Inside this classroom I am your teacher. You are my student. Nothing more nothing less. Understood?"
"Yes Ma'am."
"Sit down. And everyone else... take note. No one gets special treatment in my class. Not relatives not friends. Grades are earned not given. Is that clear?"
"Yes Ma'am," sabay-sabay nilang sagot.
Nagpatuloy ako sa pagtuturo. Walang pagbabago sa tono ko walang pagbabago sa tingin ko. Pero sa loob-loob ko alam ko na ang ginawa ko ay tama. Hindi dahil galit ako sa kanya, kundi dahil gusto kong matuto siya. Gusto kong maging mabuting estudyante siya bago maging kaibigan ng anak ko. Walang puwang ang pagiging pamilya dito dahil teacher ako at hindi ko ipagpapalit ang katapatan ko sa trabaho para sa kahit sino.
Nang mag-break time na nasa faculty room ako kasama ang ibang guro. May isang co-teacher na si Sir Rommel, at matagal na kaming magkakilala pero nitong mga nakaraang linggo ay medyo nagiging mas malapit na siya kaysa sa dapat.
"Almira," tawag niya sa akin habang medyo lumalapit nang kaunti sa mesa ko. "You look extra radiant today. May special occasion ba?"
Ngumiti ako nang pormal pero hindi nag-aya ng mas malalim na usapan. "Thank you Sir. I always make it a point to look presentable in school. It's part of the profession."
Hindi siya umalis agad. Tumayo pa siya nang mas malapit.. sapat na para maramdaman ko ang hindi kailangang lapit. "Well you look more than just presentable. You look stunning actually. Sayang naman at bihira kang makita nang mas relax. Can I invite you for coffee after our classes?"
Hindi ako nagdalawang-isip. Hindi rin ako nagalit... nanatiling kalmado pero malinaw ang hangganan. "I appreciate the invitation Sir. But I go straight home after work. My family is waiting for me. Thank you though."
Diretsyo malinaw walang puwang para sa pag-asa. Hindi ko kailangang ipagsigawan na may asawa ako at sapat na ang tono ko ang pagtanggi ko ang pagbanggit ko ng pamilya ko para maintindihan niya. Walang drama walang eksena, simpleng pagtatakda ng hangganan. At iyon ay sapat na patunay kung nasaan ang katapatan ko. Hindi sa salita kundi sa kilos.
Umalis siya nang nahihiya nang kaunti. Hindi ko pinansin pa. Kinuha ko na lang ang lesson plan ko at naghanda para sa susunod na klase. Ganito lang ako, hindi ako mahirap kausap pero alam ng lahat kung saan ako humahinto. Walang sinuman ang makakapagsabi na binigyan ko sila ng maling pag-asa.
Nang matapos ang klase at mag-isa na ako sa kwarto tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Inayos ko ang suot ko. Seryoso pa rin ang mukha ko, pero alam kong pag-uwi ko sa bahay magbabago na naman yon. Babalik ang malambot na Almira ang asawang naghihintay yakapin ng asawa ang inang magluluto ng paboritong ulam ng anak.
Ito ang dalawang bahagi ng buhay ko, na parehong totoo parehong akin. Ang istriktang teacher sa school at ang mapagmahal na ina at asawa sa bahay. At sa pagitan ng dalawang mundong ito ay walang puwang para sa iba. Walang puwang para sa tukso walang puwang para sa lihim. Ang puso ko buo at alam ng lahat kung kanino nakalaan.
Hindi ko alam na ang pangakong iyon, ang pagiging buo at hindi natitinag... ang susubukin nang higit pa sa inaasahan ko. Hindi ko alam na ang pinakamahirap na laban... at lalong hindi sa mga taong nagtatanong o nagpapahiwatig kundi sa taong hindi ko inasahang papasok sa buhay ko nang palihim at dahan-dahang kukunin ang bahagi ng pusong akala ko ay hindi kailanman mababago.
At higit sa lahat ay hindi ko alam na ang taong iyon ay hindi malayo sa akin kundi isang taong itinuturing naming pamilya. Isang taong araw-araw nasa bahay namin na akala ko ay ligtas na hangganan.
Bibigay nga ba si Almira? O mananatili siyang tapat hanggang sa huli?