The First Step

1096 Words
NO LIMIT The forbidden game begins... ALMIRA Kinabukasan pagpasok ko pa lang sa gate ng school ramdam ko na agad ang tension sa sarili ko. Pero pagpasok ko sa loob ng faculty room ay agad kong inayos ang sarili ko. Hindi pwedeng makita ng iba na na ganito ako lalo na ng mga estudyante. *** "Good morning Class!"- seryoso firm at hindi pwedeng magpakita ng kahinaan. Nang tuluyang pumasok ako sa classroom at naupo sa table ko ay tahimik agad sila. Alam na nila ang routine ko at alam na nila na kapag nasa loob ako ng classroom na ito ay walang biruan, bulungan at lalo na ang tawanan. Nagsimula ang klase nang maayos nagturo ako nang diretsyo sa English walang paligoy ligoy... Istrikta na gaya ng nakasanayan nila. Habang nagpapaliwanag ay tumitingin ako sa bawat isa sa kanila - hanggang dumapo ang tingin ko kay Rico. Nakaupo siya sa likod kasama si Jelo. Nakatingin siya sa akin... Hindi yung tingin ng isang estudyante para sa teacher niya. Kundi mas malalim don. I sighed Basta itinuloy ko lang ang pagtuturo kalmado at seryoso. Sa loob ng kwarto guro ako at siya ay estudyante. Walang iba. Walang pwede mangyari. Walang dapat isipin. Nang matapos ang klase at lumabas na ang lahat nanatili siya sa likod. At ngayon nga ay kaming dalawa nalang sa loob ng classroom. Nag-aayos ako ng class record at lesson plan sa mesa. Hindi ko siya tinitignan pero alam kong nakatayo siya doon. "Ma'am," tawag niya sa akin nang mahina. Humarap ako sa kanya seryoso ang mukha. "Bakit may kailangan ka pa ba Rico?" "Ma'am pwede po ba ako humingi ng paumanhin sa naging score ko kahapon? At sa sinabi niyo po sa akin sa harap ng klase... Naintindihan ko po kung bakit niyo po ginawa yon. Hindi po ako nagtatanim ng galit. Gusto ko lang po sabihin na babawi po ako. Next exam po hindi po bababa sa eighty five." Tinitigan ko siya nang sandali. Seryoso ang mga mata niya. Walang halong biro, seryosyo siya habang sinasambit ito. 9 "Good. I expect nothing less from you. You are capable of better Rico. Don't let friendship or anything else be an excuse for not doing your best. Now go. You still have other classes." Tumango siya. "Opo Ma'am. Salamat po." Lumabas na siya. Naiwan akong mag-isa sa classroom. Pag-uwi ko ng hapon nandoon na siya sa bahay. Nakaupo sa sala kasama si Jelo naglalaro ng video games. Pagpasok ko tumayo siya agad para batiin ako. "Magandang hapon po Ma'am Almira." Ngumiti ako nang pormal pero mas soft na, kumpara sa nasa school. "Magandang hapon din Rico. Nandito ka na naman ha?" "Opo Ma'am. Pinapunta po kasi ako ni Jelo. Sana po hindi po kayo naiinis na lagi po akong nandito." "Hindi naman. Basta siguraduhin mong nag-aaral kang mabuti? Hindi pwedeng laro lang ang alam mo." Tumingin siya sa akin nang diretso. "Opo Ma'am. Pangako po. Mag-aaral na po ako nang mabuti." Pumasok ako sa kwarto para magpalit ng damit. Habang nag-aayos ng gamit napaisip ako. Bakit parang nagbago na ang pakikitungo niya sa akin? Dati naman tahimik lang siya at magalang. Nitong mga nakaraang araw parang mas malapit na siya mas matagal tumitignan mas madaling maghanap ng dahilan para kausapin ako. Nang kumain na kami ng hapunan kasama si Danilo at Jelo nandoon din siya. Kwentuhan lang tungkol sa school tungkol sa laro tungkol sa kung ano ano. Pero ramdam ko ang bawat tingin niya sa akin. Sa tuwing magsasalita ako nakatingin siya nang buong atensyon na parang walang ibang tao sa mesa kundi kami lang dalawa. Sinubukan kong balewalain. Baka guni guni ko lang. Baka dahil pinagalitan ko siya sa klase kaya ganoon ang pakiramdam ko. Nang matapos kumain tinulungan niya akong magligpit ng mesa kahit sinabi kong hindi na kailangan. "Ma'am ako na po. Nandito na po ako kaya tulong na rin po ako." Habang naghuhugas ako ng pinggan siya naman ang nagpupunas ng mga plato. Magkatabi kami pero hindi kami nag uusap. Tanging ang tunog lang ng mga kubyertos ang naririnig. Hanggang sa bigla siyang nagsalita nang mahina sapat na para ako lang ang makarinig. "Ang ganda niyo po pala talaga kapag nakangiti Ma'am." Natigilan ako. Hindi ako lumingon agad. Itinuloy ko lang ang paghuhugas ng kamay ko. "Rico... huwag mong sabihin ang mga bagay na ganyan. At ikaw ay kaibigan ng anak ko at estudyante ko. Hindi tama ang mga salitang ganyan." Humarap ako sa kanya seryoso ang mukha. Walang galit pero malinaw ang babala. Tinitigan niya ako nang matagal bago siya tumango nang dahan dahan. "Pasensya na po Ma'am. Hindi ko po sinasadya. Nakita ko lang po kasi kayo nakangiti kanina... Nakalimutan ko po kung nasaan ako. Pasensya na po." Umalis na siya palabas ng kusina. Naiwan akong mag-isa nakatayo doon habang patuloy na tumutulo ang tubig sa gripo. Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit o matakot o ano. Ang alam ko lang ay may nagbago na. At hindi ko alam kung paano ito pipigilan. Bago umuwi si Rico nagpaalam siya nang maayos kay Danilo at kay Jelo. Nang dumaan siya sa akin tumigil siya nang sandali. Tumingin siya sa akin nang malalim.. hindi hamon hindi pangahas ... parang humihingi ng pang unawa. "Uuwi na po ako Ma'am Almira. Salamat po sa pagkain." "Ingat ka Rico," ang tanging nasabi ko. Nang makaalis na siya lumapit sa akin si Danilo at inakbayan ako. "Mabait na bata 'yon ah. Laging nandito parang pamilya na rin ang turing sa kanya." Napangiti ako nang pilit. "Oo mabait naman talaga siya." Pero sa loob loob ko alam kong hindi na lang basta mabait na bata ang lahat. May sinimulan na siyang bagay na hindi ko pa matukoy kung ano, at ang mas nakakatakot ay hindi ko alam kung kaya ko bang pigilan bago pa man ito lumaki. Bago matulog niyakap ako ni Danilo. Nandoon ang pagmamahal niya ang kapanatagan ang lahat ng dapat kong hanapin. Pero habang nakapikit ako biglang pumasok sa isip ko ang mga salitang sinabi ni Rico sa kusina. Ang ganda niyo po pala talaga kapag nakangiti Ma'am. Umiling ako nang mariin. Mali ito. Hindi pwede. Hindi ko pwedeng isipin ang mga bagay na ganyan. May asawa ako. May pamilya ako. At higit sa lahat ay labing siyam na taong gulang lang siya. Bata pa. Ito lang siguro ay paghanga ng isang estudyante sa kanyang teacher at parang ina na ang turing sa kanya. Wala itong ibang kahulugan. Bukas babalik na sa dati ang lahat. Hahayaan ko pa ba siyang lumapit? O itataboy ko na siya habang maaga pa?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD