Teasing & Limits

1085 Words
LIMITS RICO Pagdating namin sa first destination... isang kilalang museum na may kinalaman sa Philippine Literature. Walang kibo siyang tumayo mula sa tabi ko. At sa harap ng bus ay nagbigay siya ng mga instructions bago tuluyang bumaba ang lahat na masaya at puno ng excitement. Tahimik kong sinusundan ang bawat hakbang niya. Kahit halatang nagsisimula pa lang siyang mag-adjust at minsan ay medyo mailap, parang may sariling buhay ang mga paa ko. Kung saan siya naroon doon din ako pupunta. Parang automatic na gumagalaw ang lahat kapag nakikita ko siya. Napansin ito ng mga kaklase namin habang naglalakad kami sa pagitan ng mga lumang buildings. Hindi na sila nagpigil magsalita kahit katabi lang namin si Ma'am Almira. "Alam niyo Ma'am, bagay na bagay talaga kayo," masiglang sabi ng isa habang nakangiti nang malaki. "Isa kayo sa pinakamagandang teacher sa ating School, tapos si Rico naman kilalang kilala sa buong school bilang campus crush at heartthrob. Para kayong pinagtagpo. Usang maganda at isang gwapo..." Umingay bigla ang buong section namin. May mga nakangiti, may iba namang tila sadyang nanunukso. Na bagamat hindi ito dapat ibiro sa isang Teacher na kagaya niya, ay hindi na din napigilan pa, dahil siguro lahat naman talaga ang masasaya. Kitang-kita ko kung paano biglang namula ang buong mukha ni Ma'am Almira - mula sa pisngi pababa sa leeg at tainga. Hindi siya agad nakasagot. Napayuko siya at pinaglaruan ang strap ng bag niya habang naglalakad. Ramdam ko ang hiya at kaba sa kanya, pero hindi siya lumayo. Hindi siya kumuha ng ibang daan o bumilis ng lakad para makaiwas. Tumingin siya sa akin nang medyo matalim, parang nagpapaalala, pero may kislap sa mga mata niya na sobrang warm at banayad. At nakapagtataka ding wala siyang ginawa o sinabi kaya sa isang classmate ko na nakapuna at nanukso sa amin. Kahit alam naman namin kung gaano nga ba ka strict si Ma'am.. "Bakit ba kasi sunod ka nang sunod sa akin Rico?" mahina niyang tanong nang medyo makalayo kami at hindi na naririnig ng iba. "Kaya tayo napapansin eh." Nagkibit balikat ako at... "Siyempre ayaw kong lumayo sa iyo," sagot ko nang nakangiti. "Mas gusto kong kasama kang maglakad kaysa sumabay sa iba Ma'am Almira." Hindi siya nakaimik agad. Nagpanggap siyang naiinis pero hindi siya umalis sa tabi ko. Kusang bumagal ang lakad niya para sabayan ang bawat hakbang ko. Parang ayaw din naman niyang maghiwalay kami. Tuloy-tuloy kaming naglibot. Tumingin sa mga paintings, nagbasa ng history sa pader, hanggang sa makarating kami sa dulo ng mahabang pasilyo... isang tahimik na sulok, walang ibang tao, malayo sa ingay ng iba. Doon kami tumigil pareho na parang napagkasunduan na. Nakaharap siya sa isang lumang litrato pero ang tingin niya ay hindi nakapako roon. Dahan-dahan siyang lumingon sa akin. "Alam mo Rico... madalas akong pumunta dito noong ako pa ang nag-aaral," sabi niya nang mahina ang boses. "Iba ang pakiramdam noon. Parang walang hangganan ang lahat. Ang lahat pwede, na malaya lang na gawin mo ang pwedeng magpasaya sa iyo." Tumabi ako sa kanya... hindi masyadong malapit pero hindi rin lumalayo. "At ngayon po ba Ma'am?" Tumingin siya sa akin nang diretso... walang pag-iwas, walang pagtatago. "Ngayon... marami nang hindi pwede. Marami nang bawal. Pero kapag ganito, kapag kasama kita... parang bumabalik ako sa panahong iyon. Everything feels so much lighter." Bahagyang lumapit siya nang kaunti...sapat lang para maamoy ko ang banayad niyang pabango, at nang manatili ang tingin niya sa akin nang matagal na panahon, alam kong may special space na ako sa buhay niya. "Kahit ano pa ang mangyari, nandito lang ako," sabi ko. Ngumiti siya nang malungkot pero sobrang lambot. "Alam ko. And that's what makes everything easier and harder at the same time." Hindi niya ipinaliwanag kung bakit. Hindi niya kailangan. Nanatili kaming tahimik magkatabi hanggang sa marinig namin ang tawag ng iba. Bago kami lumakad palayo, dahan-dahan niyang hinawakan ang laylayan ng damit ko... saglit lang, parang sinasabing huwag kang lalayo bago humakbang nang mauna. Nang kumain kami sa isang maliit at simpleng kainan malapit doon, magkatabi kaming umupo. "You must try this Rico," sabi niya habang inaabot sa akin gamit ang sarili niyang kutsara. "Alam ko ganito ang gusto mo. Napansin ko simula pa dati kahit sa bahay kapag kumakain alam ko kung paano ka pumili. Hindi ka mahilig sa masyadong matamis, mas gusto mo yung balanced ang lasa." Napatitig ako sa kanya. "Pati ba iyon napapansin mo?" Bahagyang namula siya at tumawa nang mahina sabay sandal nang bahagya sa balikat ko bago umayos ng upo. "Siyempre napapansin ko," sabi niya nang mas mababa ang boses. "Everything about you doesn't escape my notice." Nagpatuloy ang aming kuwentuhan. Pinag-usapan ang kanyang kabataan, mga pangarap, at mga pagsubok bago siya naging ganap na teacher. Kapag nagpapaliwanag siya tungkol sa isang larawan o bagay, dumidikit ang braso niya sa akin nang hindi sinasadya at bumababa ang boses niya na parang kaming dalawa lang ang tao sa mundo. Minsan nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin nang matagal kapag akala niya hindi ko nakikita. Tinititigan niya ang mukha ko isa-isa ...sa mata, kilay, ilong, at bibig ... na parang inaalala ang bawat detalye. Kapag nahuhuli ko siya hindi siya agad lumilipat ng tingin. Mananatili siya sandali bago dahan-dahang ibaling sa ibang direksyon at bumalik sa pagiging professional. Ramdam ko ang pagnanais niyang maging mas malapit pero nananatili siyang maingat. Kapag lumalalim na ang usapan ibinabalik niya ito sa mga ligtas na paksa...books, lessons, o lugar... pero hindi niya ako pinalalayo. Gusto niya akong makilala nang buo. Gusto niya akong makasama nang matagal. Halata sa bawat kilos niya na mahalaga ako sa kanya higit pa sa kaya niyang sabihin nang malakas. Pag-uwi namin tahimik ang loob ng sasakyan. Sinubukan kong hawakan ang kamay niya. Hindi niya agad binawi. Hinayaan niyang magkadikit ang aming mga palad bago dahan-dahang kumalas at tumingin sa akin. "I really enjoyed today Rico," sabi niya nang mahina. "Ako din po Ma'am," sagot ko. "Maghihintay ako hanggang sa maging ready ka na nang tuluyan." Hinaplos niya nang mabilis ang likod ng kamay ko bago ibinaba ang tingin. "Salamat. You're truly one of the best things happened to me Rico." Alam kong marami pang kailangang lagpasan. Ang pag-iingat niya ay para sa aming dalawa. Pero ang katotohanang hindi niya ako itinaboy, na hinayaan niyang makita ko ang ganitong panig niya, ay sapat na. May puwang ako sa buhay niya, hindi lang bilang student kundi bilang taong pinagkakatiwalaan niya. At unti-unti alam kong lumalalim ang lahat sa kanya katulad ng sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD