Mabuti na lamang na tama ang kutob nilang dalawa dahil kung hindi nila agad naintindihan ang nais nitong iparating siguro ay nagawa na nito ang nais. Mabilis ang kilos na ginawa ni Sam "Damn you man!" Sigaw nito sa kanya hinawakan nito ang kanyang kamay saka itinaas pumutok ang baril nito sa kisame ng morgue. "Are you f*****g crazy Jack!" Singhal sa kanya ni Adam saka kinuha nito ang baril sa kanya at nilagay sa likod ng baywang nito. Tila hindi makapaniwala ang dalawa sa tangkang pagpatay nito sa sarili, halos maputol ang ugat ng mga ito sa leeg dahil sa galit na nararamdaman para kay Jacob. "Let me please!" Aniya sa dalawa tila nagmamakaawa, nanghihinang syang tumingin dito, ngunit umiling lamang ang dalawa sa kanya. "You're such an idiot!" Gigil na sambit ni Adam. "Don't lose hope

