Saksi ang langit at lupa kaibigan at isang attorney, natapos ng matiwasay ang kanilang kasal, muli nyang pinahid ang luha na tumulo mula sa kanyang mga mata, niyakap siya ng dalawang kaibigan. "Congrats man!" saka tinapik siya sa balikat, malungkot na ngumiti si Jacob, hindi niya inaasahan na ang kanyang magiging kasal ay ganito kalungkot pero kahit papano'y kailangan nyang maging masaya sapagkat iyon lagi ang gusto ng dalaga. "Congratulation Master Raven!" Bati sa kanya ng kanyang attorney. Tipid syang ngumiti dito mababakas sa kanyang mukha ang lumbay at sakit ngunit pinilit nyang magpakatatag. Binalingan niya ang kanyang attorney. "Thank you!" aniya at nakipag kamay dito na agad naman nitong tinanggap, tila hindi ito makapaniwala na nagpasalamat siya dahil hindi naman niya iyon sina

