Naglalakad si Purol na tila walang patutunguhan. Nasabi niyang wala siyang patutunguhan dahil Wala naman siyang natatanaw na kahit ano sa pook na ito kung nasaan siya. Lakad lamang siya nang lakad, ngunit tila hindi naman siya nakakaalis sa kanyang kinaroroonan. Nataranta tuloy siya, dahil kung tama ang kanyang hula na nasawi na siya ay maaaring nasa daan na siya patungo sa kabilang-buhay. Ang alam niya ay kapag namamatay ang isang nilalang, may sumusundo sa kanyang mga kamag-anak. Ang mga sundo na ito ang gagabay naman sa kanya patungo sa sunod na himpilan, kung saan naghihintay si Sidawa, ang Bathala ng Kamatayan. Siya naman ang magpapasya kung ano ang mangyayari sa iyong kaluluwa... Kung ikaw ba ay isisilang muli, o kung ikaw ay magiging isang anito, o 'di naman kaya ikaw ay ipapakain

