"Mahal na Dian!" sigaw ni Purol nang makita niyang muntik nang matumba ang kaniyang kausap. Mabuti na lamang at nasalo niya kaagad si Arowana, na nakaramdam nang biglaang pagkahilo. "Ano'ng nangyari? Masakit ba ang iyong ulo?" nag-aalalang tanong ni Purol dahil nakita niyang napasapo sa kaniyang ulo ang Mahal na Dian. "A-Ayos lamang ako..." sagot naman ni Arowana. Nagdadalawang-isip na siya ngayon kung siya ba ay magkukwento kay Purol tungkol sa kaniyang biglaang naalala, dahil sa totoo lamang ay nais na niyang iwaksi ang katotohanang iyon. Kay bilis pa rin ng t***k ng kaniyang puso, at hindi niya masisisi ang kaniyang katawan kung bakit ganito ang kaniyang nararamdaman... Nakita niya lang naman sa kaniyang isip ang isang pangyayaring sa palagay niya ay tunay na naganap noong sinaunang p

