Kabanata 56

2408 Words

Hindi alam ni Purol kung ano ang dapat maramdaman niya sa kaniyang mga narinig sa Mahal na Dian. Tila ba magkasalungat ang kaniyang mga nararamdaman, dahil may bahagi sa kaniya na nalungkot sa tinuran ni Arowana, ngunit hindi niya rin naman maitatanggi na may saya siyang naramdaman doon. "Balak mong putulin ang u-ugnayan niyo ni Sidawa bilang mag-asawa?" ulit niya na lamang sa sinabi ng Bathalang kausap niya upang makatiyak siya na tama ang kaniyang narinig. "Tama ka sa iyong narinig mula sa akin," ani Arowana at madiin ang tingin niya kay Purol. Bakas kasi sa mukha ng binatang Mangangayaw ang pagkalito sa kaniyang mga tinuran, kaya kailangan niya pang magpaliwanag dito nang masinsinan. Lalo pa't naisip niya na baka tapat din itong si Purol kay Sidawa sapagkat pinangangalagaan pala siya n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD