Kabanata 54

1838 Words

Natulala si Arowana sa kaniyang nakita dito sa ilalim ng lawa. Nasa harapan niya kasi ngayon ang isang tila napakalaking gusali--- kung tutuusin ay hindi na lamang ito dapat tawaging gusali. Isa na itong kaharian at ang malaking lagusan nito papasok ay napakalaki at sa tingin nga niya ay magkakasya rito ang tatlong malalaking bahay. Nagulat man sa kaniyang nakita, natalo rin siya ng pagnanais niyang usisain ang kahariang ito na nasa ilalim ng lawa. Kaya nilangoy niya ang lagusan at pumasok sa loob. NGunit dahil sa napakadilim nito sa loob ay wala rin siyang nhakita. Ginamit niya pa ang kaniyang kakayahang galawin ang tubig ng lawa at gamitin ito upang malinis ang loob ng napakalaking gusaling ito. Puno kasi ang loob nito nang mga naglalakihang tipak ng bato, mga haligi ng gusali na bumag

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD