Nagkatinginan sina Purol at Palong sa sinabi ng lalaki. "T-Tuwing gabi? Ano ang nagaganap tuwing gabi?" ulit ni Palong sa sinabi sa kanila ng lalaking hindi nila kilala. Masama na ang tingin nito sa kanilang dalawa kaya't napaatras si Palong. Ang lalaki kasing ito ay may malaking katawan, iyong hubog ng kaniyang makisig na katawan ay karaniwang taglay ng isang mandirigma. "Hindi niyo na kailangan pang malaman," masungit na sagot naman ng lalaki. "Kung hindi ako nagkakamali ay kayo ang umupa sa bahay-paupahan ng aking kapatid. Napakalapit niyo lamang sa sinumpang lawa na iyan kaya nasa panganib kayo. Inuulit ko ang babala ko sa inyo. Umalis na kayo habang may panahon pa kayo. Pagkasabi niya noon ay naglakad na ito palayo sa kanila. Tinungo rin nito ang tulay na kahoy na dinaanan kanina n

