Pagmulat ni Arowana ng kaniyang mga mata ay maliwanag na ang kaniyang paligid. Napabalikwas siya ng bangon dahil mabilis na naalala niya ang mga naganap. Ngunit laking gulat niya nang ilibot ng kaniyang paningin ang kaniyang paligid sapagkat wala na siya sa bulkan, o sa kahit saang bahagi ng kabundukan ng Agayon. Ang natatanaw niya ngayon ay isang malaking bahay--- at nakahiga siya sa isang malawak at malambot na higaan. At sa kaniyang kaliwa ay isang durungawan at doon niya nasilayan ang aliwalas ng pook kung nasaan siya. Hindi niya natiis na dumungaw doon sa labas. At tama lang na dumungaw siya, sapagkat higit na nakakagulat ang natunghayan niya mula sa durungawan. Sa labas lamang kasi ng bahay na ito ay isang malaking lawa ang makikita. Kulay bughaw ang tubig nito at maulap ang kabuuan

