Kabanata 51

1886 Words

Sumapit na ang bukang-liwayway at nagawa na ni Palong ang lahat ng kaniyang maaaring magawa para sa dalawang sugatang dalaga. Tahimik na natutulog na ang dalawa ngayon dito sa ilalim ng dalawang dambuhalang nag-uumpugang bato. Malawak kasi ang paligid sa ilalim ng dalawang bato, kaya dito na niya ginamot ang dalawa. Mabuti na lamang at maaga siyang naturuan noon ni Silag ng ilang mabisang pamamaraan ng panggagamot ng mga sugat. Para kasi sa tulad niyang isang tagalipol ay hindi naman maiiwasan ang masugatan lalo na kapag ikaw ay nangangaso na, kaya sa murang gulang ay inaral na nila ng kanyang kakambal ang panggagamot. Bigla namang nakaramdam ng pangungulila si Palong dahil sa alaala ng kanyang kakambal. Kanina lamang ay buhay pa si Pong, ngunit dahil sa kalupitan ni Kanlaon ay nasawi ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD