Kabanata 58

2180 Words

Sa baybayin ng lawa naganap ang tunggalian sa pagitan ng Bathalang si Arowana laban kin Palong at Agto. Nasa gilid naman sina Handiwa, Abiya, at Purol na nanonood sa nagaganap na labanan. Kanina pa nga hindi mapalagay si Purol dahil batid niyang hindi magdadalawang-isip si Arowana na gamitin ang kaniyang kapangyarihan laban sa dalawa niyang kaibigan. Kanina nga ay kinausap niya pa ang dalawa na umatras na lamang at si Purol na lang ang gagawa ng paraan upang makumbinsi niya ang Mahal na Dian na isama pa rin sila, ngunit tinanggihan ng dalawa ang alok niya. "Huwag ka nang mag-alala riyan, Purol," sabi sa kanya ni Abiya. Nakatingin ito sa nagaganap sa kanilang harapan ngunit kausap nito ang katabing binata. "Hindi naman papaslangin ng Bakunawa sina Palong at Agto. Batid niyang kaibigan mo a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD