Tahimik lamang si Purol hanggang sa matapos ang labanan nina Arowana at ng dalawa--- sina Palong at Agto. Nakasalampak na sa buhanginan ang dalawa, at wari'y wala ng lakas upang muling bumangon pa. "Ano? Hindi man lamang ako pinagpawisan sa inyo. Nasaan na ang lakas ng loob ninyong dalawa kanina? Alejar pa ako sa lagay na ito, kaya may hangganan pa ang kaya kong gawin. Ngunit hindi niyo man lamang ako nagalusan!" Sinamaan ng tingin nina Agto at Palong ang Bakunawa dahil sa pang-uuyam nito sa kanila. "Oo na! Talo na kami! Ngunit hindi rin ito ang tunay naming lakas, sapagkat kagagaling nga lang namin mula sa matinding pinagdaanan namin---!" "Tama na ang pagbibigay ng dahilan sa inyong kahinaan. Hindi lulubag ang loob ko sa inyong mga pangangatuwiran. Ngayon, dahil natalo kayo at tinanggap

