"Bakit may kapalit pa ang iyong pagtulong sa amin?" giit namang tanong ni Arowana sa mga sinabi ni Balisong sa kanila. "At sa pagkakadinig ko sa mga nais mong kunin namin para sa iyo, tila ba ayaw mo talaga kaming magtagumpay. Sabihin mo na lamang na kahit ano man ang mangyari ay ayaw mo lamang talaga kaming tulungan. Higit na maiintindihan ko pa kung ganoon---!" "Mahal na Dian," pigil naman kaagad ni Purol sa galit ng kaniyang kasama. "Huwag na natin siyang awayin. Mukhang wala naman nang magbabago kahit na labanan natin siya." "Tama si Purol, Bakunawa," dagdag naman ni Handiwa na katulad nilang lahat ay hindi natutuwa sa nangyayari, ngunit higit na matalas ang pag-iisip ni Handiwa at batid niyang wala ring patutunguhan kung awayin nila si Balisong. "Subukan na lamang nating gawin ang i

