Kabanata 62

2233 Words

"Handiwa!" sigaw kaagad ni Purol na tinatawag ang dalaga na tila wala sa kaniyang katinuan. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari, kaya't kaagad niyang sinundan ang dalaga. Ganoon din ang ginawa nina Palong at Agto. Si Arowana lamang ang hindi kumikilos na natigilan sa nangyayari. Napalingon tuloy sa kanya si Purol. "Mahal na Dian? Hindi ka ba sasama sa amin? Sundan natin si Handiwa at iyong ilang mga kababaihan na naglalakad patungo sa lawa!" "Ah... Eh... sandali lamang," tugon naman ni Arowana na ipinagtaka ni Purol. Napahawak kasi si Arowana sa kaniyang ulo, at napansin iyon agad ng binatang Mangangayaw. "Mauna ka na, Purol. Susunod na lamang ako sa inyo." "Bakit, Mahal na Dian, may masakit ba sa inyo?" nag-aalala nang tanong ni Purol kay Arowana, ngunit itinaboy na niya si Purol

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD