bc

Chasing The Billionaire's Heir

book_age4+
149
FOLLOW
1K
READ
comedy
sweet
humorous
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

Napilitan si Liljin na tanggapin ang alok ng mayamang mag-asawang sina Henry at Ambrosia Teodoro na paibigin ang nagiisa nilang anak na si Randolf. Hindi man sang-ayon ang mga magulang dahil nineteen years old pa lamang siya ngunit hinayaan siya ng mga itong magdesisyon. Nawalan kasi ng trabaho ang kanyang tatay at pinapalayas na sila sa inuupahang bahay. Ang alok lang ng mag-asawa ang nakikita niyang agad na solusyon sa kanilang problema. Hindi niya hahayaang sa lansangan tumira ang magulang at dalawang nakababatang kapatid na lalaki.

Alam ni Liljin na hindi magiging madaling paibigin si Randolf, mas matanda ito ng isang taon sa kanya, matangkad, maputi at gwapo. Hindi ang tipo niya ang magugustuhan nito. Alam niyang hindi siya ang tipong lilingunin mo pag dumaan, simple lamang siya at hindi siya mahilig mag-makeup. Ngunit ang pinakamahirap na parte ng kasunduan nila ng mag-asawa ay ang paibigin si Randolf sa isang babae dahil umamin ito sa kanila na lalaki din ang gusto nito.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Hindi kilala ni Liljin ang mag-asawang bisita nila. Mukhang mayaman ang mga ito, maganda ang bihis, may mamahaling alahas at relo, may dalang mamahaling bag ang babae at bumaba sila sa isang magandang kotse. Siya mismo ang hinahanap ng mga ito. Nakaupo ngayon ang mag-asawa sa sala nila, gayundin ang kanyang mga magulang. Siya naman ay nakatayo sa tabi ng inuupuan ng mga magulang niya. Nagpakilala ang lalaki na si Mr. Henry Teodoro at ang asawa nitong si Mrs. Ambrosia Teodoro. Kahit anong pilit niyang isipin ay hindi talaga niya kilala ang mag-asawa. Nang hindi na siya makatiis ay nagtanong na siya. “Mawalang galang na po, pero hindi ko po kayo kilala. Sigurado po ba kayong ako ang hinahanap ninyo?" Ang babae ang sumagot, “Ahm, alam ko hija, pero ikaw talagang sadya namin. Ikaw si Liljin Amador, hindi ba?" Napangiwi siya nang sabihin nito ang buo niyang pangalan. Naku lagot. Ano kayang atraso ko sa mga 'to? Para namang nabasa ng kanyang ama ang iniisip niya, “Eh, ano po bang atraso ng anak ko? Humihingi na po ako ng dispensa, ito po kasing anak ko matigas po ang ulo niyan pero mabait naman po iyan minsan." “Tay naman..." protesta niya. “Siguro naman ho misis, mister, pwede natin 'tong pag-usapan," sabi naman ng kanyang ina. Bakit parang sigurado ang mga ito na may ginawa siyang kalokohan? Magpoprotesta sana siyang muli nang magsalita muli si Mrs. Ambrosia. “Hayaan ninyo muna sana na ipaliwanag namin ang sadya namin dito." May kinuha ito sa dala nitong bag at ipinatong sa mesa. “Sige, tingnan ninyo." Nagkatinginan ang mga magulang niya. Kinuha ng kanyang ama ang envelope at binuksan iyon, halos lumuwa naman ang mga mata ng mga ito nang makita ang laman niyon, na-curious siya kaya nakisilip siya. Nanlaki din ang mga mata niya, “Ang daming pera!" Talagang naguguluhan na siya, bakit kaya bibigyan siya ng mga ito ng pera? Baka naman ampon siya tapos sila ang totoo niyang magulang at ngayon ay binabawi na siya o kaya naman ay nanalo siya sa isang contest. Kung anu-ano na ang pumapasok sa isip niya. Ibinalik ng kanyang ama ang envelope sa mesa, “Magkano iyan este, ano hong ibig sabihin niyan?" Si Ambrosia muli ang sumagot, “Alam kong naguguluhan kayo pero ganito kasi iyon, iyong unico hijo namin, alam kong kilala mo siya hija," tumingin ito sa kanya, “at ibibigay namin sayo ang perang iyan, one million pesos iyan, kapag—" “Hayaan ninyo, hindi na makikipagkita ang anak ko sa anak ninyo kaya mabuti pa dalhin ninyo ang perang iyan at umalis na kayo!" malakas na sabi ng kanyang ina. Kumunot naman ang noo niya at pilit na namang inisip kung sino ang tinutukoy nitong anak nila. Wala namang nanliligaw sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay nagsalita na si Henry, “Nagkakamali po kayo ng iniisip, makinig muna kayo, mapapasa-inyo ang perang iyan kung hindi mo hihiwalayan ang anak namin.” “Ano hong ibig ninyong sabihin?” kunot-noong tanong ng tatay niya. “Kasi iyong nag-iisa naming anak ipinagkasundo namin sa anak ng business partner namin, ang problema ayaw ng anak namin sa kanya. Hindi natuloy ang kasal nila. Iyong manugang sana namin, hayun, nagpunta ng Europe at ayaw na ring magpakasal." “Bakit po ayaw magpakasal ng anak ninyo tsaka ano pong kinalaman ko?” tanong niya. “Sigurado ho akong hindi ko jowa ‘yong anak ninyo." Nagtinginan ang mag-asawang Teodoro at saka maluha-luhang sumagot ang babae, “Kasi sabi ng anak ko...lalaki rin ang gusto niya..." at tuluyan na itong umiyak. Tuluyan na itong humagulgol at inalo naman ng asawa nito. Ang kanyang ina naman ay tumalikod dahil hindi nito napigilan ang tawa, ang kanyang ama naman ay napakamot sa batok. Nagpatuloy sa pagsasalita si Henry, “Nag-iisang anak namin siya. Siya lang ang tagapagmana namin at responsibilidad niyang ipagpatuloy ang lahi namin at ang apelyido naming Teodoro. Kung hindi siya mag-aasawa mapuputol ang lahi namin..." lalong humagulgol si Ambrosia, “Kailangan ka namin para gawin siyang lalaki...tunay na lalaki." Ina-absorb ni Liljin ng mabuti ang sinabi ng mag-asawang Teodoro. Nakahiga na siya sa kanyang kama at hindi siya makatulog. Hindi talaga siya makapaniwala sa gusto ng mga itong mangyari. Nang tanungin niya kung bakit siya ang pinili para gawin iyon ay mas nagulat siya sa sagot ni Ambrosia. “Naikwento kasi ng driver ni hijo na nakaaway ka raw ng anak ko tapos nakita raw niya nung nagalit siya sa 'yo, parang totoong lalaki at hinalikan ka pa daw. Isa lang ang ibig sabihin nito..." tumayo ito at itinuro siya, “ikaw lang ang may kakayanan sa ipagagawa namin. Handa kaming magbayad kahit na magkano. Paunang bayad pa lang iyang one million. Pag-isipan mong mabuti, hija sana matulungan mo kami." “Paano ko naman po gagawin ang sinasabi ninyo? Paano ko...gagawing tunay na lalaki ang anak ninyo?" “Kailangan lang lagi kayong magkasama. Ipakita mo sa kanya kung gaano kasarap ang magkaroon ng minamahal na babae at kailangan niyang magkaroon ng pamilya. You need to unleash the real man that he really is," sabi nitong hinawakan pa ang dalawang braso niya. “Ah, eh...sandali lang po ha. Sa tingin n'yo paano ko po iyon gagawin at paano po natin masisiguro na hindi na lalaki ang gusto niya?" Ngumiti ito at inilagay pa ang kamay sa baywang, “Simple lang...kailangan yayain ka niyang magpakasal." Napatayo ang kanyang ama at sabay-sabay silang tatlong napa-ha. Binigyan siya ng mag-asawa ng dalawang araw para makapag-isip. Tatawagan daw sila para malaman ang sagot niya. Kinausap din siya ng kanyang mga magulang, hindi sila sang-ayon sa gusto ng mag-asawa. Ibig sabihin daw kasi ay mag-aasawa na siya kahit nineteen years old pa lang siya pero nasa kanya pa rin daw ang desisyon. Susuportahan daw siya ng mga ito. Nagkaroon na siya ng boyfriend pero hindi naman seryoso ang naging relasyon nila. Hindi rin siya naghahanap ng boyfriend dahil karamihan sa kakilala niyang lalaki ay naglalaro lamang, pero wala rin naman siyang balak na tumandang dalaga. Kanina pa siya paikot-ikot sa kama pero talagang hindi siya dalawin ng antok. Muli siyang umikot pero sa pagkakataong iyon ay nahulog siya mula sa kama. Dahan dahan siyang tumayo na sapo pa ang likod at muling umakyat sa kama. Naupo siya sa kama at nag-isip na lang. Aaminin niyang gusto niyang tanggapin ang offer ng mag-asawa. Malaki ang sampung milyong ibabayad ng mga ito. Maaari siyang makabili ng sarili nilang bahay at lupa para hindi na sila mangupahan, maari ring magnegosyo ang mga magulang niya para maging stable ang buhay nila, dalawang buwan na kasi mula ng mawalan ng trabaho ang kanyang ama dahil nagsara ang kompanya kung saan driver ito. Ngayon nga ay umeekstra lamang ito sa pamamasada ng jeep. Ang kanyang ina naman ay nagluluto at nagbebenta ng kakanin. Siya naman ay rumaraket lang kung saan-saan. Nakatapos naman siya ng f&b course sa TESDA. Hindi na siya nagkolehiyo dahil gusto na niyang makatulong sa mga magulang sa paghahanapbuhay. May dalawa siyang kapatid na lalaki, ang isa ay fourth year high school, ang isa naman ay grade six. Mahirap ang buhay nila. Pangarap niyang maging milyonaryo para sa pamilya dahil masakit sa kanya na wala siyang magawa upang guminhawa ang buhay nila, isa rin sa mga dahilan kung bakit hindi pa niya iniisip ang pag-aasawa. Bumuntong-hininga siya. “Ang mag-asawang iyon kaya ang sagot sa pangarap ko? Hay bahala na nga basta bukas ng umaga kung ano ang unang sagot na pumasok sa isip ko, iyon na iyon." Nahiga na siya pinilit matulog. Kinabukasan ay nagising si Liljin sa sigawan sa labas. Napa-balikwas siya, agad niyang kinuha ang kumot at unan at tumakbo palabas ng kwarto. “Sunog! Magsi-likas na kayo may sunog!" sigaw niya. Bumungad ang dalawang kapatid niya at nagtatakang tumingin sa kanya. “Ate saan may sunog?" tanong ng bunsong si Justin. “Huwag mong pansinin iyang si ate, nananaginip lang iyan," sabi naman ni Ken. Tinaasan niya ng kilay ang dalawa, “Hoy kayong dalawa, huwag ninyo 'kong pagtripan, ang aga-aga. May narinig akong nagsisigawan kaya akala ko may sunog." “Si Aleng Nina lang iyon, pinapalayas na tayo ate," malungkot na sabi ni Justin. Muli niyang narinig ang sigawan kaya tumakbo siya palabas. Naabutan niya doon ang mga magulang niya at ang landlady na si Aleng Nina. “Ang usapan natin kapag hindi kayo nakabayad ng isang buwan, iiwanan ninyo ang mga gamit at aalis na kayo. Eh dalawang buwan na kayong hindi nagbabayad ng renta kaya umalis na kayo!" “Alam mo naman ang nangyari, nawalan ako ng trabaho tsaka nakikiusap naman kami ng maayos," pakiusap ng kanyang ama. “Nakikiusap na kami Nina. Wala kaming mapupuntahan maawa ka naman sa mga anak namin," umiiyak na sabi ng kanyang ina. “Pinagbigyan ko na kayo ng isang buwan. Maawa din kayo sa 'kin, wala na akong kikitain sa inyo. Iwanan ninyo lahat ng gamit ninyo at umalis na kayo, kulang pa ang lahat ng iyang pambayad sa utang ninyo. Hindi ko na problema kung wala kayong pupuntahan!" Awang-awa siya sa mga magulang niya habang pilit pinakikiusapan si Aling Nina. Alam niyang may utang sila rito pero hindi naman tama na ipahiya pa sila nito sa lahat ng mga kapitbahay na ngayon ay nagkumpulan sa labas at pinapanood ang nangyayari sa kanila na parang laban ni Manny Pacquiao, kung may ticket lang ay mayaman na sila. Kaya hindi na siya nakatiis, binitiwan ang dalang kumot at unan, pumagitna sa kanyang mga magulang at kay Aling Nina, ibinuka ang dalawang kamay, “Stop!" Tumigil ang lahat sa pagsasalita maging ang mga bulungan ng kapitbahay. Nagulat din siya sa sarili niya dahil sa iyon ang unang lumabas sa bibig niya. Tiningnan niya ng matalim si Aling Nina. “Nay, Tay, huwag na po kayong mag-aksaya ng oras sa pakikipag-usap dito kay Aling Nina." Sinadya pa niyang kumilos ng sosyal at inartehan ang pagsasalita. “And Aling Nina...don't worry, we are leaving this ugly house of yours because I'm going to marry my rich boyfriend." Hindi niya alam kung tama ang pag-e-english niya. Si Aling Nina naman ay nakanganga at kunot-noong nakatitig sa kanya. “Hindi ninyo naintindihan? Sige tatagalugin ko. Sabi ko huwag kayong mag-alala Aling Nina dahil aalis na kami dito. Llilipat kami sa malaki at magandang bahay dahil ikakasal ako sa mayaman kong boyfriend. Kaya iyang lahat ng gamit namin sa 'yo na, bibili na lang kami ng bago,” mabilis at sunud-sunod na sabi niya kaya naman hiningal siya. Tumalikod na siya, inakbayan ang ama't ina at pumasok sa loob ng bahay. Bago niya isinara ang pinto ay narinig niyang nagbulungan ang mga kapitbahay. Hindi kayo invited. Bumaling naman sa kanya ang kanyang ina. “Jin sigurado ka na ba sa desisyon mo? Kung napipilitan ka lang dahil sa sitwasyon natin, huwag na lang. Gagawan na lang namin ng tatay mo ng paraan." “Nay, sigurado po ako, tsaka malapit na kong mag-twenty, tumatanda na ko.." Tiningnan niya ang kanyang ama, nakayuko lang ito. Nilapitan niya ito at niyakap. “Tatay huwag po kayong malungkot diyan." “Eh anak kasi nahihiya ako sa 'yo. Wala akong magawa." Ngumiti siya, “Swerte nga po ako kasi mayaman sila, 'di ba? Tsaka hayaan mo 'tay, magiging masaya ako palagi para hindi kayo mag-alala sa 'kin. Promise 'yan,” paniniguro niya dito at itinaas pa ang kanang kamay. “Naniniwala na ako sayo anak kaya lang, maghilamos ka muna tsaka mag-toothbrush." Tumingin siya sa salamin na nakasabit sa dingding saka sumigaw, nagtawanan naman ang mga magulang at mga kapatid niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
45.3K
bc

My Lover Is A Maid (R18+)- Completed

read
387.3K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
291.4K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
50.0K
bc

My Sexy Nerd Secretary- SPG

read
2.6M
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
293.8K
bc

Heartbeat Of The Ruthless Criminal

read
265.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook