Nakatulog kaagad si Randolf pag-uwi niya kagabi. Napagod siya dahil maghapong madaming guests sa restaurant idagdag pa ang stress niya sa guests ng kanyang daddy. Nahirapan si Andy at su Rodylyn na intindihin ang guests dahil sa Korean accent nito. Sobra sitang nag-alala na baka sa halip na makatulong siya sa daddy niya ay lalo pang maging dahilan para hindi ng mga ito ituloy ang kontrata. Nag-iba ang timpla ng mga guests ng dumating si Liljin at binati sila sa Korean. Nagulat talaga siya na marunong itong mag-Korean at alam din nito kung paano lutuin at i-prepare ang mga Korean food na nakahain, halatang sanay ito. Mas ikinagulat niya nang maglabas ito ng soju nang humingi ang guests, hindi kasi niya naisip na magpabili ng soju. Nag-iba ang tingin niya kay Liljin, mula sa pagkamuhi ay humanga siya dito. Ni hindi nito kinailangan ang tulong nina Andy at Rodylyn sa pag-aasikaso sa guests ng daddy niya. Bukod pa doon, natuwa ang mga guests dito at binigyan pa siya ng tip na ibinahagi niya sa mga kasama.
Lumabas na siya ng kuwarto at nagpunta sa dining area para mag-breakfast. Naabutan niya doon ang mga magulang. Mukhang masaya sila pareho dahil nagtatawanan ang mga ito.
“Good morning,” bati niya. Bumati din ang mga ito sa kanya. “Mukhang may good news, ang ganda ng umaga ninyo.”
“Good news talaga. I just received a call from the Koreans and…” huminto pa ito saglit, “they signed the contract. They’re still with us,” masayang balita sa kanya ng kanyang daddy.
“That’s great news, dad,” sabi niyang na-excite din. Naupo na siya at nagsimula nang kumain.
“Naku, Rand, naikuwento na sa akin ng dad mo kung paano tumulong si Liljin kagabi sa dinner. Alam mo hijo, I think she deserves a bonus,” sabi naman ng mommy niya.
“Don’t worry mom, idadagdag ko na lang sa sweldo niya.”
“Hindi naman pera ang ibig kong sabihin.” Sumimangot ang mommy niya. “Hindi ba pwedeng ipasyal mo naman siya o kaya ipag-shopping mo?”
“Busy ako mom. Kayo na lang dalawa.”
Ngumiti itong muli nang makita si Liljin. Tumayo ang mommy niya at patakbong lumapit at yumakap kay Liljin. Nagulat naman si Liljin at muntik nang matumba, mabuti na lang at yakap ng mommy niya.
“Oh, Jin, thank you so much,” sabi ng mommy niya.
“B-bakit po? Ano pong ginawa ko? Wala po akong kasalanan.” tanong nitong nanlalaki nag mga mata.
“Ano ka ba naman? Siyempre wala. In fact, sobra kaming nagpapasalamat sa iyo. Alam mo ba, nakipag-deal na ulit sa amin ang mga Koreans at dahil iyon sa iyo.”
“Totoo po?” hindi makapaniwalang tanong nito. Ngumiti ito, “Naku, ginawa ko lang naman po ang trabaho ko.”
“That’s true, Jin. Big thanks for your help. Maupo ka na rin dito. Sabayan mo kaming kumain,” ang daddy niya ang sumagot.
Naupo na si Liljin at ang mommy niya. Ipinaglagay ito ng maid ng plato, kubyertos at baso. Sa kusina kasi ito nag-aalmusal kasabay ng mga maids at drivers.
“Natuwa sa mga kwento mo ang mga Koreans. Gusto nilang puntahan iyong beach na sinasabi mo. Pinapunta ko na ang team ko doon para i-check iyong lugar,” paliwanag ng daddy niya.
“Big deal ang ginawa mo, Jin,” sabi ng mommy niya. “Sabi ni Rand ipapasyal ka daw niya one of these days as a bonus.”
“Mom?” protesta niya. “I never said that.” Nginitian lang siya nito. Alam naman niya kung ano ang gusto nitong mangyari.
Pagkatapos nilang kumain ay nagpahatid na sila sa papuntang restaurant. Naupo si Liljin sa tabi ng driver at siya naman ay sa likod. “Salamat nga pala kahapon,” sabi niya. Tumingin ito sa kanyang pinipigilan ang ngiti at hindi makapaniwala sa narinig.
“Ano iyon, sir? May sinasabi ka?” tanong nitong lumingon pa sa kanya.
“I said thank you. Thank you kasi tumulong ka pa rin kahapon kahit sinabi kong sa kitchen ka lang.”
“Wala iyon sir. Ginawa ko lang po ang trabaho ko,” nakangiting sagot nito.
“I’m sorry, too,” dagdag niya.
“May sinabi ka ulit sir? Hindi ko narinig,” pagkukunwari nitong lumingon muli sa kanya.
“I’m sorry, okay?” Nakangiti na rin siya, “I’m sorry I underestimated you. Hindi ko alam na marunong ka palang mag-Korean at may background ka sa pagpe-prepare ng Korean food. Mabuti na lang at pasaway ka.” Napatawa siya sa reaksiyon nito, nawala ang ngiti at kumunot ang noo.
“Okay na sana eh, bakit may ganung comment pa sa huli.”
Napatawa siya sa sinabi nito. “You did a very good job,” bawi niya dito.
“Kailangan ko talagang pagbutihin ang trabaho ko sir, para sa pamilya. Totoo naman ang sinabi ko sa mga guests kagabi, kaya sobra akong nagpapasalamat sa mga magulang ninyo dahil tinulungan nila kami.”
Medyo gumaan na ang pakiramdam niya dito. Hindi na gaya ng dati na gustung-gusto niyang mawala ito sa paningin niya. Napilitan nga lang talaga itong tanggapin ang alok ng mga magulang niya dahil sa sitwasyon ng pamilya nito. Tumingin siya sa salamin sa unahan ng kotse at nakatingin din ito sa kanya, nagtama ang mga mata nila. Umiwas siya ng tingin. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang kumabog ang dibdib niya.
Hindi maalis ang ngiti ni Liljin mula kaninang almusal hanggang sa pagbaba niya ng sasakyan. Ang akala niya ay pagagalitan siya ni Randolf dahil siya ang nag-asikaso sa mga guests ng daddy nito kagabi, hindi niya inaasahan na magpapasalamat at magso-sorry pa ito sa kanya. Magaan ang loob niyang magtrabaho ngayong araw. Pagkatapos nilang maglinis ng dining area ay naghintay na sila ng customers. Nang magtatanghalian na ay may pumasok na isang customer na lalaki. Agad itong umupo. Kinuha niya ang menu at nilapitan ang lalaki. “Good morning, sir,” bati niya sabay abot ng menu. Nakangiti itong tumingin sa kanya. Ang pogi! Maputi ito, matangos ang ilong, medyo kulot ang buhok at may dimple sa kaliwang pisngi na lumalabas kapag ngumingiti ito.
“Good morning,” bati din nito sa kanya. “Bago ka ba dito?”
“Opo sir. Kukuha lang po ako ng service water.” Nginitian siyang muli nito at tumango. Ang pogi talaga! Pumunta siya sa chiller para kumuha ng pitsel ng tubig. Bigla itong inagaw sa kanya ni Rodylyn na kanina ay nasa loob ng kusina.
“Bakla ako na,” sabi nito.
Mabilis niyang kinuha dito ang pitsel, “Ako ang nauna kaya ako ang mag-aassist kay sir Pogi.” Hinawakan nitong muli ang pitsel ngunit inalayo niya ito.
“Regular customer ko iyan. Nagbakasyon lang sa ibang bansa kaya ngayon mo lang nakita,” pagdidiin nito.
“So? Hindi ka naman niya hinahanap kaya ako na.” Lumayo na siya dito. Habang sinasalinan niya ng tubig ang baso sa table ay nakatingin siya kay Rodylyn at dinilaan niya bilang pang-aasar dito. Si Rodylyn naman ay parang batang nagmamaktol na pumasok ng kitchen. Pagka-order ng customer ay dinala kaagad niya sa kitchen at muling dinilaan si Rodylyn. Asar na asar naman ito at inirapan pa siya.
Pagkaluto ng order nitong sizzling sisig ay kaagad niya itong isinerve. “Enjoy your meaal, sir.”
“Thank you,” sabi nito. “Ano nga palang pangalan mo?”
Tatalikod na sana siya pero nagtanong ito at nakangiti siynag sumagot, “Liljin po, sir.”
“Po and sir? Ang lakas namang makamatanda. I’m Lander Santinel. Lander na lang. Twenty years old pa lang ako.” Inilahad nito ang kamay sa kanya at inabot naman niya.
“Liljin Amador. Liljin na lang. Nineteen years old.”
“I was here last night.”
“Talaga? Hindi kita nakita?”
“You were busy with the Korean guests. Actually, naaliw akong panoorin ka.”
“Naku, ginagawa ko lang naman ang trabaho ko.”
“Hindi sila magkaintindihan ni Rodylyn then you came at nag-iba lahat ang moods nila. Pinagaan mo lahat. Bigla silang sumaya.”
“Sanay lang kasi ako sa Koreans. Lahat na yata ng Korean restaurants sa Batangas napasukan ko na.”
“I’ve never tried Korean food before.”
“I-try mo Lander. Naku magugustuhan mo din iyon kasi n mahilig ka sa maanghang.”
“Wala naman akong idea sa Korean food.”
“Ay naku, sasamahan kita at tuturuan kitang kumain ng Korean food.”
“Really? I’ll take note of that. Wala nang bawian sasamahan mo ako.”
“Oo naman. Huwag kang mag-alala hindi kita tataguan, madali lang akong hanapin. Lagi lang akong naka-duty dito. Hindi ako mahilig umabsent.” Napatawa naman ito sa mga sinabi niya. Ang pogi na mabait pa.