“Jin, remember what I told you last night?” bungad na tanong sa kanya ni Randolf.
“Yes sir,” sagot niya. Magiging mabait siya dito ngayong araw para maiwasan nilang ma-stress sa isa’t isa. Pagkatapos niyang mag-in ay lumabas na siya sa dining area para maglinis.
Madaming customer ang dumating nang araw na iyon dahil weekend, napuno ng tao ang restaurant, pero sa halip na matuwa si Randolf ay nakita ni Liljin na balisa pa rin ito. Tumutulong din ito sa pagpe-prepare ng mga orders sa kusina, halatang pagod na ito at stressed pa.
Nang sa wakas ay naubos ang dagsa ng mga customers ay isa-isa nang kumain ng tanghalian ang mga empleyado. Late na sila nakakain. Si Randolf naman ay pumasok lang saglit sa office nito para umupo at magpahinga. Maya-maya din ay bumalik na ito sa kusina.
“Chef, mag-prepare na tayo para sa dinner ng mga Korean guests,” sabi nito. Maagang ipinahahanda ni Randolf ang pagkain ng mga Koreans dahil marami pa silang lulutuing side dishes at condiments. Gusto sana ni Liljin na tumulong pero pinigilan na niya ang sarili, pagod na rin siya at ayaw niyang mapagalitan na naman. May napansin siyang mali at kulang sa mga condiments at side dishes na hinahanda ng mga ito pero hindi na lang niya pinansin.
“Ang baho naman nito,” reklamo ni Andy nang maamoy ang kimchi.
“Ganyan talaga iyan, tiisin mo na lang,” sabi ni Randolf. Para kay Liljin naman ay mabango ito. Sanay kasi siya sa Korean food. Bigla tuloy niyang na-miss kumain ng kimchi at ng paborito niyang kimchi noodle. Lumabas na lang siya sa dining at doon tumulong, baka kasi hindi niya mapigilan ang sarili na tumikim ng kimchi. Paglabas niya ay nakita niyang nahihirapan sina Andy at Rodylyn sa pagse-set up ng portable stove at ng mga plates sa long table.
“Dito sa dulo ng table ang stove. Sa gitna nakalagay mga side dishes. Tsaka ang chopsticks at spoons magkasama sa right side ng plates,” turo niya sa mga ito.
“Anim ang Korean guests, dapat nasa gitna ang stove para abot nilang lahat,” sagot ni Andy.
“Anong abot nila, eh, kayo ang magluluto ng samgyupsal.”
“Bakit kami? Hindi naman ako marunong magluto ng ganun,” reklamo ni Rodylyn.
Napakamot na lang ng ulo si Liljin. Paano maasikaso ng dalawang ito ang mga guests ng maayos kung wala silang ideya sa Korean food.
Mabuti na lang at maaga silang nag-prepare dahil dumating ng mas maaga sina Henry at mga Korean guests. Pumasok na si Liljin sa loob ng kusina pagdating ng mga ito. Habang inaasikaso ni Randolf ang mga guests ay pumasok sa kusina si Henry at may itinanong sa chef. Nilapitan niya ito at kinumusta, “Sir Henry, kamusta po ang meeting ninyo?”
Pilit itong ngumiti at tinapik siya sa balikat, “Hindi maganda Jin.” Tumalikod na ito at lumabas. Sumilip siya sa dining area, nakaupo na ang mga Korean guests, tatlong babae ang magkakatabi at tatlong lalaki sa harap nila, at si Henry. Si Randolf naman ay nasa gilid at binibigyan ng instructions sina Andy at Rodylyn na halatang nahihirapan. Mukhang hindi maganda ang kalalabasan ng dinner na ito. Kinuha niya ang bag niya at dumukot ng pera. “Kuya,” tinawag niya sa dishwasher, “bumili ka ng tatlong soju sa pinakamalapit na convenience store.” Ini-abot niya dito ang pera.
“Huh? Di ba alak iyon? Mag-iinuman tayo?” tanong nito.
“Baliw, syempre hindi. Gusto mong masesante? Para sa guests iyon. Sige na, bilisan mo na.”
“Pero wala namang sinabi si sir—”
“Huwag ka ng magreklamo diyan, bilisan mo na lang,” putol niya sa sinasabi nito. Napakamot na lang ito ng ulo at lumabas sa back door. Sumilip siyang muli sa dining at nakita niya si Rodylyn at ang isang lalaking guest na hindi magkaintindihan. Itinuturo ng guest ang niluluto nitong samgyupsal. Ibinibigay ito ni Rodylyn sa guest pero umiling ito at may sinasabi pero Korean habang minumuwestra ang gunting. Nag-aalala tuloy siya na baka hindi magustuhan ng mga Koreans ang service nila. Pumasok si Rodylyn sa kusina.
“Hoy bakla,” baling nito sa kanya, “ayoko na dooon sa labas. Hindi ko talaga maintindihan ang sinasabi nila. Tsaka ayaw naman yata nila ng pritong baboy, ibinabalik nila sa akin pag nilalagay ko sa plate nila. Tapos iyong isang babaeng pinaka-boss yata nila, nakakatakot kausap tsaka ang taray ng mukha Marunong mag-English pero hindi ko naman maintindihan.”
“Sige, ako na lang ang lalabas, Rods,” sabi niya.
“Baka mapagalitan ka na naman ni sir niyan.”
“Bahala na.” Kumuha siya ng gunting at lumabas. Tumingin sa kanya si Randolf at may sasabihin sana pero iniwasan niya ito ng tingin at binati ang mga guests, “Annyeonghaseyo!” magilas na bati niya. Tumingin sa kanya ang lahat ng guests at bumati rin.
“Oh, you can speak Korean?” tanong ng babaeng guest.
“Han-gukeo jokeum halsu isseoyo (I can speak a little Korean),” sagot niya. Ngumiti ang lahat ng guests sa kanya, Ang isang guests na lalaki ay nag-thumbs up pa, “Good. Good,” sabi nito. Tumingin sa kanya si Henry at nakangiti.
“Ireumi meo eyo? (What is your name?)” tanong muli ng guest na babae
“Je ireumeun Liljin imnida (”My name is Liljin).” sagot niya.
“I speak a little English, Liljin, only me,” sabi ng guest na babae. Itinuro nito ang ibang mga kasama, “No English.”
“Okay, madam,” sagot niya. Kinuha niya ang plate ng pork na niluto ni Rodylyn at sinimulang i-cut sa maliliit na piraso. Inilipat niya ito sa malinis na plate at inilagay sa gitna ng table. Tuwang-tuwa naman ang mga guests at nagsimula nang kumain.
“Soju isseo? (Do you have soju?)” tanong ng isang guest na lalaki.
“Ne yo (Yes po),” sagot niya. Pumunta siya sa kusina at kinuha ang pinabili niyang soju. Kumuha rin siya ng pitong shot glasses, hindi kasi uso sa Koreans nag mag-share ng shot glasses. Pagbalik niya sa table ay ipinagsalin niyang lahat ang mga guests ng soju.
“Are you here for vacation, madam?” tanong niya.
“Yes, and business.”
“What is your business, madam?”
“Travel and tours. Mr. Teodoro is our business partner,” sabi nitong tumingin kay Henry na tumango naman.
“Have you been to Batangas, madam?”
“No. Is it beautiful?”
“Yes madam. I live in Batangas, many beautiful beaches.” Hindi alam ni Liljin kung makakatulong ang mga sinasabi niya sa problema ni Henry. Kahit medyo nahihirapan siyang mag-English ay inilarawan niya dito ang beach sa Batangas na malapit sa tinitirahan nila. Initeresado ito sa sinasabi niyang beach kung saan kapag hapon at low tide ay makikita ang iba’t ibang lamang dagat na naiiwan sa putting buhangin, kapag umaga naman ay magandang tingnan ang pagsikat ng araw at pakinggan ang hampas ng alon sa dalampasigan kapag high tide na. Mas naging interesado naman ito ng sabihin niyang may malapit din doong lighthouse. Sinabi nito sa mga kasama ang tungkol sa beach at mukha namang gusto rin ng mga ito.
Naikuwento na yata ni Liljin pati buhay niya at kung paano siya napunta kina Henry. Sa wakas ay natapos ding kumain ang mga ito. Bago umalis ay muling tinawag si Liljin ng mga ito at inabutan ng one hundred dollars. Nanlaki naman ang mga mata niya sa tip. Tumungo siya at nagpasalamat ng paulit-ulit, “Kamsahamnida! (Thank you!) Annyeonghee gaseyo! (Goodbye!)”
Pag-alis ng mga ito ay dali-dali siyang pumasok sa kusina at iwinagayway ang one hundred dollars, “Guys may tip tayo!”