Chapter 4

1669 Words
“You’re late,” sita ni Randolf kay Liljin nang pumasok ito ng kusina para mag-in. “Pasensiya na po. Wala po kasing nag-inform na kanya-kanya na pala sa pagpasok,” sarcastic na sagot nito. “Hindi ko responsibility na ihatid ka dito, at isa pa, tanghali ka nang gumising.” Napatingin ang lahat ng empleyado sa kusina sa kanilang dalawa. “Magkasama kayo sa bahay?” tanong ng waitress na si Rodylyn. “Kailangan ko ba talagang sagutin iyan?” baling ni Randolf dito. Umiling ito at lumabas ng pinto. Humarap siyang muli kay Liljin, “Oh, ano pang tinatayu-tayo mo diyan? Magtrabaho ka na kaya. Tumulong kang maglinis sa dining.” “Opo, sige po,” naiinis na sagot nito. Kumuha ito ng basahan at lumabas sa dining area. Pagbaba ni Liljin ng sasakyan ay kaagad siyang pumunta sa kusina para mag-in. Nakita niya doon si Randolf na nakapamaywang. Bading talaga. Sarap kutusan nito. Sinermunan kaagad siya nito kaya lalo siyang na-badtrip. Sinagot niya ito dahil sa inis niya. Halata namang sinasadya nitong pasamain ang araw niya. Lumabas na siya ng kusina pagkatapos niyang mag-in. Dahil minamalas yata talaga ang araw niya, nakita niyang sumunod si Randolf sa kanya. Hinawakan nito ang table, “Bakit inilagay mo kaagad sa table ang mga plates? Punasan mo muna. Tsaka ang sahig magabok din.” “Kapupunas ko lang po niyan, Sir,” sagot niya. “Puwes, punasan mo ulet at ayusin mong trabaho mo.” “Heto na nga po,” sabi niya habang sinunod na lang ang gusto nito. “Nagrereklamo ka ba,” tanong nito. “Ay, hindi po. Sabi ko nga po pupunasan ko na lang po itong table hanggang sa dumulas na iyang mga platong iyan dito.” “Talagang sumasagot ka pa. Bilisan mo at fifteen minutes na lang magbubukas na tayo.” Mabuti na lamang at tumunog ang cellphone nito kaya napilitan itong lumayo sa kanya. Lumapit naman si Rodylyn at bumulong sa kanya habang nakatingin kay Randolf, “Parang galit sa iyo si Sir?” “Anong parang? Gaga, galit talaga iyan,” sagot niya dito. “Bakit naman? Tsaka, bakit magkasama kayo sa bahay?” “Eh, kung nagtatrabaho ka na kaya? Ikaw naman sitahin niyan, sige ka.” Lumayo na ito at itinuloy ang ginagawa. Pumasok siyang muli sa kusina at lumabas sa back door. “Nakakainis! Nakakabwisit, nakakayamot, nakakaasar, nakakapang-gigil, nakaka-praning! Lahat na ng 'nakaka' nasa kanya na!" sigaw niya. Nagulat naman siya nang biglang may nagbukas ng pinto at nakita niya si Randolf na nakatayo doon. “Ano ka ba? Ang ingay mo, abot sa dining area ang boses mo ang sakit sa tenga,” reklamo nito. “At anong ginagawa mo dito? Wala ka pa ngang nagagawa, nagpapahinga ka na.” Huminga na lang siya ng malalim at pinakalma ang sarili. Hindi niya ito sinagot at mabilis siyang naglakad papunta sa pinto. Dahil naka-harang ito ay hindi niya sinasadyang mauntog sa baba nito. Sabay silang umaray at napahawak siya sa noo niya. “Sinadya mo akong banggain ha?” reklamo nito. “Sorry naman po, Mam. Hindi ko po kasalanan na nakaharang kayo sa pintuan.” “Anong tinawag mo sa akin?” “Mam. Kasi bakla ka, di ba?” hindi na niya napigilang sabihin dito. “Eh, ano naman kung bakla ako? May problema ka?” sagot nito sabay pasok sa kusina. Naiwan siyang nanlaki ang mga mata dahil hindi niya akalain na aamin ito sa kanya. Para hindi naman maging masama ang maghapon niya ay iniwasan na lamang niya si Randolf. Nag-focus siya sa trabaho at tuwing lalapit ito ay lumalayo na lang siya. Nang kakain na siya ng tanghalian ay dinala niya ang pagkain sa likod ng restaurant. May maliit na lamesa at upuan duon kung saan nagyoyosi ang mga empleyado. Habang kumakain ay naisip niya ang sitwasyon nila ni Randolf. Kaninang umaga ay walang ka-effort-effort na pinakulo nito ang dugo niya. Kung siya ang masusunod ay mas gusto niya itong itulak sa bangin kaysa pakasalan. Lahat yata powers ng mga cells niya ay inilabas na niya para pigilan ang sarili na saktan ito. Napangiti lang siya ng pilya ng maalala na nabangga niya ito kanina. Sana pala nilakasan ko pa para masaya... “Lord, kung may kasalanan ako sa Inyo, patawad. Huwag Ninyo po akong parusahan, parang awa Ninyo na," dasal niya habang nakatingin sa langit. Wala talaga siyang ideya kung paano niya mapapa-ibig si Randolf. Lalaki ang gusto nito kaya siguradong mahihirapan siya, idagdag pa dito ang hindi sila magkasundo. Kailangan niyang umisip ng paraan upang matupad niya ang kasunduan nila ng mga magulang nito, kung hindi ay kailangan nilang ibalik ang bahay na binili nila sa perang binayad ng mag-asawa. Napabuntong-hininga siya. “Hay buhay...ang hirap magkaron ng bahay. Ano kaya kung i-blackmail ko?" Naisip niyang humingi ng tulong sa kaibigan niyang bading na si Carlito o Charlotte kapag gabi. Kinuha niya ang cellphone at idinial ang number nito ngunit bigla ding nagbago ang isip niya. Naalala kasi niya kung paano ito magkwento ng mga ginagawa nila ng "jowa" nito, malaswa talaga at nakakadiri. Napangiwi siya. “Gawin ko na lang kaya 'yong kagaya sa teleserye, lalasingin ko siya. Alam ko na, lalagyan ko ng pampatulog ang iinumin niya tapos kunwari may nangyari sa amin tapos kailangan na niya akong pakasalan. Eh, pano iyong apo? sabi ng isang bahagi ng isip niya. Muli siyang bumuntong-hininga. “Oo nga pala. Ang hirap namapo " Bigla ay napa-tayo siya. “Teka...apo...baby iyon! Para magkaroon ng baby kailangan siya at ako...ako at siya mag-aano...No way!" Ngayon lang niya naisip iyon. Kailangan nilang magtalik para magkaroon sila ng baby. Hindi siya handa para doon. Na-imagine pa niya na magkasama silang dalawa ni Randolf sa isang silid at pareho silang walang saplot, hinawakan niya ang abs nito. “No! Sana naging abs ka na lang!" Umiling-iling pa siya. “Siguro ginagawa niya iyon sa kapwa niya lalaki. Bakit ba kasi bakla pa siya?" natutop niya ang bibig. Bakit ko sinabi 'yon? Bakit parang nanghihinayang ako? “Pano nga kaya kung hindi siya bading at totoo siyang lalaki?" Para na siyang baliw na nagsasalita mag-isa at kinakausap ang sarili. Pagkatapos niyang kumain ay pumasok na siya sa loob. Nadatnan niyang nag-uusap si Randolf at si Chef Nicko. Parang nag-aalala ito at narinig niyang binanggit nito ang kanyang daddy. Hindi na siya nakinig pa sa usapan nila at lumabas na siya sa dining area. Nilapitan niya si Rodylyn, “Rods, may nagreklamo bang guest kaninang kumakain ako?” “Wala naman bakit?” tanong nito. “Narinig ko kasi magkausap si chef at si sir, parang may problema.” “Ewan ko lang, tumawag kasi kanina ang daddy ni sir. Pumasok siya sa office niya kaya hindi ko narinig.” Tumigil sila sa pag-uusap dahil lumabas si Randolf. Iniwasan niyang tumingin dito. Pumasok ito sa office niya at hindi na muling lumabas. Nagpatawag si Randolf ng meeting sa mga empleyado ng restaurant nang gabing iyon bago sila magsara. Tumawag kasi ang Daddy niya at ipinag-reserve ang mga bisita nitong Koreano. Mga importanteng kliyente sa travel agency nito na kailangang asikasuhin ng maayos. Ayon sa Daddy niya, hindi naging maganda ang meeting nila ng mga kliyente dahil gusto ng mga ito ng bagong travel destinations. Gusto niyang tulungan ang Daddy niya. “Guys, please, nakikiusap ako sa inyong lahat. Sobrang importante ng mga guests bukas ng gabi. Clients sila ni Dad, may tiwala naman ako sa inyo na aasikasuhin ninyo silang mabuti. Chef Nicko, pakihandang mabuti ng mga karne at gulay na ihahanda bukas para sa samgyupsal,” bilin niya. “No problem, boss,” sagot ng chef. “Kayong lahat, be extra careful sa pag-aasikaso sa kanila.” Tumango ang lahat at sumagot ng opo. Itinaas ni Andy ang kamay at nagtanong, “Ahm, sir, special request po ‘yong menu nila, wala po kaming background sa pagse-serve ng Korean food.” “I know, but don’t worry. Mag-a-assist din ako. Tutulungan ko kayo.” “Okay, sir.” “Okay, sige, thank you sa inyong lahat. Pwede na kayong umuwi.” Nang makaalis na ang lahat ay tinawag niya si Liljin. “Dito ka lang sa kusina bukas Jin, hindi ka puwedeng lumabas. Tumulong ka na lang sa preparation at sa dishwashing.” “Pero Sir Randolf, kaya ko silang asikasuhin,” protesta nito. “Huwag nang matigas ang ulo. Baka pumalpak ka pa, ako pang sisihin ni Dad.” “Pero Sir—" “Quit arguing Jin. Importanteng clients ni Daddy ang mga Koreans na ‘yon. Thousands of Koreans ang dinadala nila dito and they all book to Dad's travel agency, that’s how important they are. At gusto ni Dad na ituloy nila ang contract nila sa agency kaya kailangan ma-impress natin sila sa service natin. In that way matutulungan natin si Dad. Medyo maselan sila at hindi masyadong marunong mag-English. Did you understand?” Tumango ito, “O-opo Sir.” Tumalikod na siya at lumabas. Napabuntung-hininga na lamang si Liljin sa sinabi ni Randolf sa kanya. Gusto lang naman niyang tumulong. “Kung kausapin niya ko akala mo hindi ko naiintindihan ang sitwasyon.” “Hayaan mo na lang, Jin. Alam mo namang mainit ang dugo non sayo,” alo sa kanya ni Rodylyn. “Sanay naman kasi akong mag-asikaso ng mga guests na Koreano kasi nag-on call ako sa isang Korean restaurant, iyon lang naman ang gusto kong sabihin sa kanya eh.” “Uwi na tayo. Hayaan mo na ‘yon. Bahala na bukas,” dagdag pa nito. Kinuha ni Liljin ang bag niya at lumabas na rin. Isinabay siya ni Randolf pag-uwi. Tahimik silang dalawa habang nasa biyahe pauwi. Kanina pa siya nakahiga pero hindi siya makatulog. Bakit ba iniisip ko pa ang baklang iyon? Nagbuntong-hininga siya. Noon lang niya nakitang problemado si Randolf. Mukhang hindi maganda ang mga nangyayari sa company ng daddy nito at biglang nag-iba ang mood nito. Gusto niyang isipin na karma lang ito sa pagtrato nito sa kanya pero hindi niya maiwasang mag-alala. Gusto rin niyang tulungan ang mga magulang ni Randolf. Malaki ang naitulong ng mga ito sa pamilya niya. Kung hindi dahil sa mga ito ay malamang sa kalye sila titira ng pamilya niya. Pumikit siya ng mariin at pinilit matulog. Gagawin na lang niya kung ano ang sa tingin niyang tama.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD