Chapter 11

1765 Words
Gulat na gulat naman si Liljin sa ginawa ni Randolf habang nasa balcony sila ng condo ni Lander. Nakahawak ang mga kamay nito sa magkabilang pisngi niya at masuyo siyang hinalikan. Naguguluhan man siya ay nagustuhan naman niya ang halik nito kaya pumikit siya at hinalikan din ito pabalik. Mainit at malambot ang mga labi ni Randolf kagaya pa rin nang unang beses siyang halikan nito. Pasulyap-sulyap si Liljin kay Randolf habang nagmamaneho ito. Pauwi na sila sa mansyon. Tumingin ito sa kanya at ngumiti. “Bakit?” tanong nito sa kanya. “Wala lang,” masaya ang tonong sagot niya. Ganito pala ang pakiramdam ng in love. Walang ibang tumatakbo sa isip niya kundi ang halik nito. Ibinaling niya ang tingin sa labas ng bintana, hindi kasi mawala ang ngiti niya at nahihiya siya kay Randolf. Malalim na ang gabi nang makauwi sila sa mansyon, malamang ay tulog na ang mga magulang ni Randolf maging ang mga katulong dahil walang sumalubong sa kanila. Dederetso na sana siya sa kwarto niya nang magsalita si Randolf. “Goodnight, Jin,” sabi nito. “Goodnight din,” sagot niya. Tumalikod na ito at umakyat ng hagdan. Pinagmasdan niya ito habang umaakyat at nag-flying kiss pa siya, sakto namang lumingon ito sa kanya habang naka-nguso pa siya. “Sige na…” sabit nito, “pumunta ka na sa kwarto mo at matulog kung hindi iaakyat kita sa kwarto ko at hindi kita patutulugin.” Nanlaki tuloy ang mga mata niya sa sinabi nito. Tuluyan na itong nakaakyat at nawala na sa paningin niya. Naiwan naman siyang nakatayo at nakatulala. Wait Randolf…aakyat ako! Sabi niya sa sarili. Hahakbang na siya nang may nagsalita. “Jin!” sabi nito. “Ay, bruha ka!” nasambit niya. Sa gulat niya ay sumala ang paa niya sa paghakbang paakyat ng hagdan at muntik na siyang nasubsob sa sahig, mabuti na lang at nakahawak siya agad sa balustre ng hagdan. Lumingon siya at si Nikki ang nakita niyang. “Ano ka ba naman? Bakit ka nanggugulat? Muntik na tuloy akong matumba dito,” reklamo niya. “Saan ka ba kasi pupunta? Bakit aakyat ka sa taas?” tanong nito. “May itatanong lang ako kay sir Randolf.” “Bukas na lang magkasama naman kayo sa trabaho. Kanina ka pa hinihintay ni madam excited pa naman at may dalang mga paper bags.” “Nasaan na siya?” curious na tanong niya. “Hay naku, nakatulog na nga kakahintay sa iyo. Ipinalagay na lang niya sa kwarto mo iyong mga paper bags. Ayaw mo daw kasing sumama sa kanyang mag-shopping.” “Ganoon ba? Hindi naman niya ako kailangang ipag-shopping.” “Alam mo Jin, masamang tumatanggi sa biyaya. Kung ako inalok ni madam na ipag-shopping…naku, hindi ako tatanggi,” sabi nitong parang nangangarap ng gising. “Diyan ka na nga,” sabi niyang iniwan na ito. Pagpasok niya sa kwarto ay nakapatong sa ibabaw ng kama niya ang mga paper bags. Anim na paper bags ang nakita niya at iba’t ibang brands ng mamahaling damit, sapatos at make-up ang nakita niya. May isang doll shoes na kulay pink na may ribbon sa harap at isang pulang sapatos na may mataas na takong. “Pang-sexy naman ‘to,” nasabi niya sa sarili. Hindi na siya nag-abala pang tingnan ang laman ng ibang paper bags, ibinaba na lang niya ang mga ito. Nagpalit siya ng damit at naglinis ng katawan, pagkatapos ay nahiga na sa kama. Pumasok na naman sa isip niya ang halik ni Randolf. Napahawak tuloy siya sa kanyang labi. Pumikit siya at sinubukan ng matulog. Magaan ang pakiramdam ni Randolf paggising niya kinabukasan. Pagbaba niya ay hinanap kaagad ng mga mata niya si Liljin. Hindi niya ito agad nakita at sabi ng katulong ay tulog pa ito. Nagpahanda siya ng sandwich at bottled water at ipinalagay niya sa supot. Nakasakay na siya sa sasakyan ay wala pa rin ito. Maya-maya pa ay humahangos itong pumasok ng sasakyan. “Sorry sir. Na-late ako ng gising,” sabi nitong hinihingal sa pagtakbo. “Okay lang. Hinintay naman talaga kita. Heto,” iniabot niya dito ang supot na may sandwich at bottled water. Inabot ito ni Liljin at tiningnan ang laman. Lumingon ito sa kanya. “Thank you! Ang sweet mo naman sir,” sabi nito. “Sige na kumain ka na.” Pagdating nila sa restaurant ay agad siyang pumasok sa office niya. Nagsimula siya kaagad sa trabaho. Pagkatapos niyang i-update ang mga reports ay lumabas siya sa dining area. Kagaya kaninang umaga ay hinanap kaagad ng mga mata niya si Liljin. Nakita niya itong may hawak na bouquet ng red roses at isang maliit na paper bag. Nakita din niyang nandoon si Lander. Naningkit tuloy ang mga mata niya nang makita niya ito. Mukha namang dumaan lang ito para ibigay ang mga iyon kay Liljin dahil umalis din ito agad. Pinatawag niya si Liljin sa office niya. “Hindi naman Valentine’s Day ah, bakit binigyan ka niya ng ganyan,” sabi niyang inginuso ang mga hawak nito. “Ahm…Nagpapasalamat lang siya kasi ini-uwi natin siya kagabi. At niyaya niya din akong mag-dinner mamaya,” sagot nito. “Dalawang tayong nag-uwi sa kanya kagabi, di ba? Bakit sa iyo lang siya nagpasalamat?” “Eh, kung gusto mo hati tayo dito sa flowers?” “Haha, nakakatawa. Huwag ka na lang sumama sa kanya mamaya, Sa bahay na lang tayo mag-dinner.” Sinimangutan siya nito, “At bakit mo ako pinagbabawalan, hindi naman kita boyfriend?” “At siya? Boyfriend mo ba siya, kayo na ba talaga?” “Hindi rin.” “Ganoon naman pala eh.” “Sasama pa rin ako sa kanya kasi nauna siyang magyaya, okay?” Iyon lang ang sinabi nito at tinalikuran na siya. “Dinner pala ha? Sige tingnan natin,” sabi niyang may pilyong ngiti sa mga labi. Bago pa mag-out sa trabaho si Liljin ay naghihintay na sa labas si Lander. “Saan tayo kakain?” tanong niya dito nang makasakay na siya ng kotse nito. “Saan mo ba gusto?” tanong din nito sa kanya. “Mag-seafood tayo! Gusto ko ng sweet and spicy squid.” “Okay. Doon tayo sa seafood grill.” “Yehey!” parang batang sigaw niya. Nagpunta sila sa dati na nilang napuntahang restaurant na nagse-serve ng mga seafoods. Pagka-order nila sa counter ay binigyan sila ng number, naghanap na sila ng bakanteng table at hinintay na dumating ang order nila. “Ano ba iyong sasabihin mo Lander at hindi mo masabi kanina noong dumaan ka restaurant?” tanong niya dito. Huminga muna ito ng malalim na parang humuhugot muna ng lakas ng loob. “Pwede ba kitang ligawan, Lil?” “Huh? Iyan ba talaga ang sasabihin mo?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Oo, bakit? Gusto ko lang sabihin na gusto kitang ligawan,” seryosong sagot nito. “Akala ko ba napag-usapan na natin ‘to?” “Just give me a chance at hayaan mo ako na ligawan ka. Malay natin baka magbago ang feelings mo, baka mas lumalim pa sa friendship lang.” “Hindi ikaw ang problema Lander, ito,” sabi niyang itinuro ang puso niya, “naging magkaibigan tayo ng may laman na ‘to.” Totoo lang naman ang sinabi niya dito. Bago pa sila naging malapit sa isa’t isa ay may feelings na siya para kay Randolf. Kung nauna niya ito nakilala kaysa kay Randolf ay malamang na ito ang minahal niya. Pero kahit magkaroon siya ng feelings para kay Lander ay alam niyang hindi sila pwede dahil napadpad siya sa Maynila para maging asawa ni Randolf. Hindi naman niya maaaring sabihin ang totoo dito dahil parte iyon ng kasunduan nila ng mag-asawang Teodoro. “Si Randolf ba, iyong boss mo?” malungkot na tanong nito. Tumango na lamang siya bilang sagot. “Ayokong masira ang pagkakaibigan natin Lander. Noong naging malapit na ako sa’yo, hindi ko naman intensyon na maging ganyan ang nararamdaman mo.” “I know. Hindi ko rin ‘to intensyon na maramdaman. Hindi ka mahirap mahalin, Lil.” “Nalulungkot tuloy ako kasi pakiramdam ko nasasaktan kita.” Hinawakan nito ang kamay niya. “No,” umiiling na sabi nito. “Please, huwag kang malungkot. Ang gusto ko lang talaga ay makita kang laging masaya. Kung ako ang dahilan at nalulungkot ka, iyon…doon ako masasaktan.” Ngumiti na ito at nawala ang pagka-seryoso. “Lil, hayaan mo na lang ako na ligawan ka. Alam ko naman na wala akong pag-asa pero, iyon na lang ang magiging kaligayahan ko. Magiging masaya na ako noon. Ang boring kasi ng buhay ko at ikaw lang ang nagpapasaya sa mundo ko.” “Ang corny mo,” sabi niyang hinampas pa ang kamay nito. Nagtawanan silang dalawa at nawala na ang pagka-seryoso ng usapan. Habang kumakain ay tumunog ang cellphone ni Liljin. Kinuha niya ito mula sa bag niya at tiningnan kung sino ang tumatawag. Sinagot niya ito kaagad nang makitang si madam ang tumatawag, “Hello po mam.” “Hello, Jin, itatanong ko lang sana kung magkasama kayo ni Rand, nag-date ba kayo?” sabi ng nasa kabilang linya. Napakunot naman ang noo niya sa tanong nito. “Hindi po. Si Lander po ang kasama ko. Hindi pa po ba siya umuwi?” “Kasi kagabi late na kayo umuwi. Akala ko tuloy magkasama kayo ulit. Excited pa naman ako.” “Ahm, sinabi ko naman po sa kanya na lalabas kami ni Lander. Wala naman po siyang nabanggit sa akin na may lakad siya.” “Ah, sige, okay. Pero Jin, huwag kang masyadong magpagabi umuwi ka kaagad ha.” “Opo, sige po.” “Sino iyong tumawag?” tanong ni Lander pagkababa niya ng cellphone. “Si madam. Hinahanap si Randolf, hindi pa raw umuuwi,” sagot niya. “Baka naman gumimik lang. Iyong isang kaibigan niya may-ari ng club, madalas ko silang nakikita doon dati.” “Talaga?” hindi makapaniwalang tanong niya. “Magkakilala pala kayong dalawa?” “Well, we have a common friend pero hindi kami naging magkaibigan ni Randolf. Hindi rin naman kasi ako mahilig pumarty, minsan lang. Tsaka, kasali silang dalawa ng friend niya sa top one hundred list ng young entrepreneurs. Doon ko nalaman na may restaurant siya. I tried it out at nagustuhan ko ang pagkain and maganda ang service nila.” “Talaga? Top one hundred? Pang-ilan siya?” “Hindi ko na matandaan exactly pero nasa top ten siya.” “Wow naman, hindi ko akalain na may ganoon palang achievement si Randolf.” Naputol ang usapan nila nang muling tumunog ang cellphone niya. Nabasa niya ang pangalan ni madam sa screen. Sinagot niya agad ang tawag, “Hello po.” “Jin, you need to come home. Right now,” mangiyak-ngiyak ang boses na sabi nito sa kabilang linya. “Bakit po?” “Si Rand kasi…” tuluyan na itong humagulgol. Napatayo siya sa kinauupuan niya at nagsimulang lumakas ang pintig ng puso niya. Bigla siyang nag-alala. “Bakit po? Ano pong nangyari kay Randolf?” Sumunod ang tingin ni Lander sa kanya at kita rin niya ang pag-aalala sa mga mata nito. “Dito ko na lang sasabihin pag-uwi mo, so please Jin, umuwi ka na ngayon na.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD