Pinagtitinginan na ko ng mga mananampalatayang dumadaan dahil inabutan na ko ng paglubog ng araw dito. Paulit-ulit kong sinusubukang pumasok sa simbahan, bumubwelo pa ng takbo para suungin ang invisible barrier pero sa huli ay tumitilapon pa rin ako at bumubuwal sa lakas ng pwersa nitong ayaw ako papasukin sa loob. Pinagpapawisan na ko sa pagod. Di*s ko, ano bang nangyayari? Demonyo lang ang nasusunog kapag pumapasok sa simbahan... hindi ako demonyo! Ang senyorito. May kinalaman kaya siya rito? Lumitaw si Chim-chim sa tabi ko. Tinuro niya ang sarili at ang simbahan. "Sige, pumasok ka at ikuha mo ko ng kaunting holy water, Chim." utos ko. Tulad ng isang malikot na bata, tumatalunton siyang umakyat sa hagdanan patungo sa b****a ng simbahan kung na saan ang agua bendita. Hindi niya ma

