Chapter 17: Ramona's Guilt

1167 Words

Hindi siya umimik sa panghahalina ko, naninimbang. Akala ko madali lang siyang mauuto dahil puro kalaswaan ang nasa isip niya pero sigurista pala siya at hindi basta pasasakop. Mas ginalingan ko pa ang pang-aakit, hinila ko siya sa panga at hinaplos ang mga labing may lipstick ni Elle. "Ayoko sa katawan ng babaeng 'to. Gusto ko ang lakas ng bisig mo at ang tigas ng kalamnan mo. Please, umuwi na tayo." paglalambing ko. Kunot noo siyang napatukod, nakapaibabaw pa rin sa'kin sa mesa. "Bakit mo ko tinawag sa pangalan ng alaga mong daga?" aniya, 'yun pala ang dahilan ng agam-agam. Nakalimutan kong hindi nga pala niya alam kung sino siya. "A-Ayaw mo bang bigyan kita ng pangalan? Para may maiuungol na kong pangalan kapag ganito na may ginagawa tayo." "At pangalan ng daga ang ibibigay mo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD