Chapter One- Wynona
Malakas akong nagising dahil sa pag-iingay ng alarm clock sa bedside table ko. Kinapa ko ang alarm clock na patuloy sa malakas na pagtunog. Nang maabot ko ay kaagad ko itong pinatahimik. Ayaw ko pa sanang bumangon pero kailangan na at naghihintay na ang mga kaibigan ko sa akin sa K-Fancy Coffee Shop, may general meeting kami ngayon kaya lahat kailangang um-attend. Ininat ko Ang aking mga kamay at humihikab pa akong bumaba sa aking kama. Hay! What a wonderful day today, the weather is so nice I bet I'm going to have a good day too.
Yumakap muna sa akin ang init na nagmumula sa sikat ng araw bago ako tumungo sa aking banyo. Gusto ko munang magbabad sa bathtub pero baka mahuli ako at mapagalitan na naman ako ng mga kaibigan kong mga baliw. Napailing-iling na lang ako at agad na nag-shower. halos kalahating oras din akong naligo. Nang matapos ako ay kinuha ko kaagad ang bathrobe ko at isinuot 'yon, agad akong tumungo sa aking tokador at kinuha ang aking blower, nag-blower muna ako upang matuyo kaagad ang aking buhok. Minsan talaga nakakatamad mag blower feeling ko ang tagal-tagal bago matapos. Matapos akong mag blower agad akong pumunta sa walk-in closet ko, pinasadahan ko muna ng tingin ang mga naka-hanger kong mga damit, I don't like jeans, I prefer short shorts but then it's a meeting kaya I need some formal dress. Kinuha ko ang isang kulay gray na sleeveless dress na below the knee, medyo conservative ako pag dating sa dress. Medyo lang naman. Kinuha ko na rin 'yong one inch gray sandal ko at sinuot iyon, sinuklay ko muna ng maayos ang buhok ko, dahil sa maputi kong balat ay mas tumingkad pa ang kulay ng aking damit. Matapos kong ayusin ang aking buhok ay agad akong nag lagay ng aking paboritong cosmetics brand ang TSP Miracles. Light make ups lang naman ang ginagawa ko, alam ko namang maganda na ako eh! Kaya no need na magpaganda pa ako. I smile at myself in the mirror, when I'm satisfied I just put my tic-tac earrings and my limited edition Harry Winston watch. I put my Hermes shoulder bag and viola! I'm ready to go.
Nang bumaba ako sa hagdan ay naamoy ko kaagad ang masarap na putahe na niluluto sa kusina. 'I think manang Lora cooked a delicious food ' in my mind. I don't want to eat breakfast pero dahil sa naamoy kong masarap na luto ay agad akong nag-tungo sa kusina. Nakita ko kaagad si Manang na masayang nagluluto.
"Good morning Manang, ano pong niluluto niyo?" I asked. Manang smiled at me. "Hija! Magandang umaga rin sa 'yo, oh may lakad ka ba?" Manang Lora asked me. Hinila ko ang Isang upuan at umupo roon. Tumango ako kay Manang.
"Yes Manang, may meeting kasi kami ng mga friends ko," nakangiti kong tugon. Kumuha na ako ng kanin at kumuha na rin ng ulam nang inilapag ni Manang sa hapag ang mga pagkain. "Hmmm... Ang sarap talaga ng luto mo Manang, kaya favorite ko ang adobong manok mo eh!" ngumunguya kong sabi. Napangiti naman si Manang sa sinabi ko.
Matapos akong mag breakfast ay agad na akong umalis at baka ma-late pa ako, mga amazona pa naman 'yong mga kaibigan kong 'yon. Agad akong sumakay sa latest model Suzuki na kotse ko, niregalo ito sa akin nina daddy n'ong 18th birthday ko.
Agad ko 'yong pinasibad papunta sa K-Fancy Coffee Shop. Nang dumating ako ay apat na pa lang silang nandoon. Sina Rose, Freya, Livia at Avianna. Talagang late parati si Mikaela, ang babaeng 'yon talaga. Nang makapasok ako sa Coffee Shop ay agad napahinto ang mga ito at bumaling sa akin.
"Oh! Hi besh. I thought you're going to be late!" bati agad sa akin ni Livia ang minsan matino at minsan baliw ding katulad ko.
"Hello! I'm not Mikaela, my Gosh! siya ang parating late sa atin noh!" nakairap kong sabi. Bumungisngis lang sina Rose at Freya halatang tuwang-tuwa na naman sa magiging bangayan namin.
"Excuse me! Hindi ako parating late noh! Na-traffic lang!" nakaingos na sabi ni Mikaela na kararating lang din.
"Speaking of the-" hindi na natuloy ang sasabihin ni Livia ng agad siyang sunggaban ng sabunot sa buhok ni Mikaela. Tuwang-tuwa naman ang mga loka sa pag-sasabunotan ng dalawa.
"Tama na nga 'ya., We have to finish our meeting as soon as possible, we have many things to settle," mahinahong sabi ni Rose ang pinaka-tahimik sa lahat at pinaka-matured pero take note, may pagka-baliw din siya. Tumigil naman ang dalawa sa bangayan nila.
"Now what is our agenda?" I asked to them. Well we're going to build our own Coffee Shop at ito nga ang K-Fancy Coffee Shop. We just rent this place for our coffee shop, aside sa along the road lang ito ay may malapit din itong university, convenience, mini market at may kalapit ding mini playground, kaya dito namin napili kasi madaming taong pwedeng pumunta rito sa coffee shop namin. Iba-iba man 'yong course na kinukuha namin pero di 'yon naging hadlang sa pagiging magkakaibigan namin, our parents are friends too, kaya di kataka-takang magkakaibigan din kami. Muntik ko na palang makalimutan, why we called ourselves as a K-Fancy Girls? Because we love watching k-dramas and we idolized k-pop. Kung saan-saan na lumilipad ang isip ko eh may meeting pa pala kami, lol!
"Well, ako na ang bahala sa design ng coffee shop, I want just a simple but elegant design, ayaw ko din nong masyadong makulay, minimal lang, at pastel color ang gagamitin ko para sa pintura, ano sa tingin niyo?" Mikaela asked us, siya kasi ang Interior Designer sa amin, kaya bahala na siya sa design na gusto niya, a-agree na lang din ako.
"Hmm... oo maganda nga naman 'yong simple lang pero kakaiba, 'yon bang mako-curious ang mga taong dadaan sa coffee shop natin, di ba?" tanong naman ni Freya, ang kinukuha niyang kurso ay Architect, katulad din siya ni Mikaela ang hihilig sa design, not my thing.
"So, need na natin umpisahan ang pag de-design next week, may nakuha na akong mag-tatarabaho for our coffee shop, need na lang natin ng kanya-kanyang trabaho para mabilis na nating matapos ang mga dapat gawin, we're running out of time," mataas na pahayag ni Mikaela.
"So, who wants to volunteer to check out our utensils?" I asked them.
"Kami na lang ni Freya ang mag che-check if okay na ba," Sabi ni Livia.
"Ako naman, pupuntahan ko na 'yong kaibigan kong interior designer para masimulan na rin itong design sa loob ng shop," sagot naman ni Mikaela.
"Ako naman, I will update the applicants for their application at nang masimulan na nila ang kanilang training," sabi naman ni Shanika, siya nga pala ay business ad din ang kurso magkatulad lang kaming dalawa.
"So, ang gagawin naman namin ni Avianna ay iche-check din namin ang mga ingredients natin for our coffee shop, so is this all for the day?" tanong ko sa kanila at isa-isa silang tiningnan, nang magsitango sila ay nakahinga na ako ng maluwag.
"So we just need to update each other okay? If there's a problem just beep each other, alam niyo naman, super girls tayo," natatawang saad ni Livia, ang baliw na 'to umaatake na naman.
"Okay sige na guys, good luck sa ating mga lakad," paalam naman ni Mikaela sabay beso-beso sa amin. Tinahak na rin namin ni Avianna ang aming mga sasakyan.
"Wait besh, ano to mag co-convoy ride tayo?" I asked Avianna, same kaming may sasakyan na dala. Napa-isip naman ito bigla. "Mag convoy ride na lang tayo besh, walang maiiwan sa sasakyan natin," sagot ni Avianna.
Halos abutin kami ng ilang oras bago kami natapos sa pag-i-inspect ng mga ingredients sa aming coffee shop. After naming mag inspect ay kumain muna kami sa kalapit na restaurant, pasado ala-una na kaya pala parang nawawalan na ako ng lakas kanina, I'm hungry really!
Nang maka-upo kami ay agad kaming nag-order ng pagkain, halos naka-dalawang plato ako dahil sa gutom, para naman akong patay-gutom nito.
"So, ano na? Mag kanya-kanya na tayo ng lakad? May pupuntahan pa kasi ako beshy eh!" saad ni Avianna na mukhang may importanteng lakad. Tumatango ako habang nagpupunas ng aking bibig. "Okay, that's fine, uuwi na rin ako. Parang nakakawala ng lakas ang inspection natin kanina. I want to rest,"
sabi ko naman kay Avianna. Kaya matapos makapag bayad ay agad na akong sumakay ng kotse ko at pinasibad iyon.
Nang makarating sa bahay ay may nakita akong mga bodyguards na nakapalibot sa labas ng bahay namin.
'Ano na naman kaya ang nangyayari? ba't ang daming bodyguards sa labas?' Sa isip ko. Nang bumusina ako ay mabilis nilang binuksan ang gate. Matapos kong bumaba ay agad akong tumakbo sa loob ng bahay at laking gulat ko kung sino ang nadatnan ko sa sala. Nakangiti siyang tumingin sa akin at ibinuka ang mga kamay upang bigyan ako ng isang yakap, yakap na matagal ko ng gustong madama mula sa kanya.