Chapter Two- Wynona

1529 Words
Agad kong tinakbo ang pagitan namin ng kapatid ko. Sinugod ko kaagad siya ng yakap. Mahigpit niya rin akong niyakap. Napakahigpit ng yakap ni Kuya sa akin. Naiiyak ako dahil sobrang na-miss ko si Kuya. Matagal na rin kami n'ong huli kaming magkita siguro mahigit isang taon na rin. Isa kasing international model ang kapatid ko, di ko naman maitatanggi na napaka-gwapo niya, syempre nasa lahi 'yon eh. Sumisinghot-singhot pa ako nang tanggalin ni Kuya ang mga kamay ko na naka-yakap pa sa kanya. "Hey! princess why are you crying?" nakangiti nitong tanong sa akin. Nakasimangot akong ngumuso sa kanya. "Nakakainis ka kasi Kuya eh! Di ka man lang nag sabi na uuwi ka na!" maktol kong saad. Tinawanan lang ako ni Kuya. "Kung sinabi ko sayo, eh di wala ng surprise!" natatawa niyang sabi sa akin. Magpo-protesta pa sana ako sa pagtawag niya sa akin ng princess pero nahila na ako ni Kuya sa panghabang sofa at magkatabi kaming naupo. "Kaya pala ang daming bodyguards kasi nandito pala ang international top model." Nang-aasar kong saad sa kanya. Ngumiti lang si Kuya sa akin. "Siyanga pala Kuya, bakit umuwi ka? bakasyon mo na ba sa trabaho?" nagtataka kong tanong sa kanya. Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at tinangala ko ito, kitang-kita ko ang sakit na dumaan sa kanyang mga mata. Alam kong may mabigat itong dinadala. Kahit nga siya si Andrew Brenn Briones na isang sikat at top international model ay may dinadala pa ring problema. Ngumiti siya sa akin at alam kong di 'yon umabot sa magaganda niyang mga mata. "You know Dad and I had a deal, I can be a model but after three years I'm going to work in our company, Dad wants to retire already, kaya wala na akong kawala pa." Malungkot niyang wika sabay iling at tumawa nang mahina, na alam kong paraan niya lang 'yon upang mapagaan ang kanyang pakiramdam. I felt sorry and sad about Kuya's situation, I know he really loves modelling, it's his dream, but because of our father's wish, isasantabi niya ang kanyang kasiyahan upang pamahalaan ang kompanya. Kung nakapagtapos na lang sana ako eh di sana ako na lang ang papalit kay Kuya. "Don't worry Kuya kapag nakatapos ako ng pag-aaral ko ay ako na ang hahalili sa iyo." Nakangiti kong pahayag kay Kuya. Tinawanan lang ako ng kapatid ko. "Thank you Princess." Nakangiting saad ni Kuya at hinalikan ang aking noo. "I told you Kuya! I'm not a baby anymore! Don't call me Princess!" maktol na sabi ko, ngumuso pa ako upang ipakitang naiinis ako. Ginulo-gulo naman niya ang buhok ko. "Oh! wait, Princess I have a gift for you, I will just get it!" sabi ni Kuya at agad na tumakbo paakyat sa kwarto niya. Napabuntong-hininga na lang ako. Alam kong mahirap ang pinagdadaanan ngayon ng Kuya ko, pero masasabi ko pa ring napaka swerte ko sa kanya. His so loving and caring brother to me, kahit nasa malayo siya ay di pa rin nawawala ang pagiging protective nito. "Here Princess! My gift for you, I know you will gonna love this." Nakangiti nitong saad. Ibinigay niya ang paper bag sa akin, agad ko itong kinuha at binukasan, nanlaki ang mga mata ko sa aking nakita. It's a picture frame of my favorite oppa Lee Joon Gi and ohmoo! There's an autograph! May t-shirt at baseball cap pa na may mga pirma ng actor. Dahil sa galak ko ay tumitili akong napayakap kay Kuya. "You're the best Kuya ever!" nakayakap kong sabi sa kanya. Nangingiti lang si Kuya sa akin. "I told you, you'll gonna love it!" saad nito. "Wait Kuya, how did you get this?" takang kong tanong sa kanya. "Oh! Well, nagkita kami sa isang event in Australia, I didn't know him personally, but thanks to my manager ay pinakilala ako nito sa kanya at naalala kong favorite actor mo siya, kaya naging opportunity ko 'yon para makahingi ng souvenir para sayo." Nakangiti nitong kwento sa akin. Talaga naman ang Kuya ko super sweet na ay ang handsome pa. "Thank you talaga Kuya, I'm going to be your best sister ever!" natutuwang sabi ko at hinalikan ko siya sa pisngi. "Wala naman akong choice dahil ikaw lang ang kapatid ko." Natatawang saad nito. Napasimangot naman ako sa tinuran nito kaya lalo lang akong ngumuso. "Come here!" niyakap ako ni Kuya, "Always remember that Kuya is always here for you no matter what happen okay?" lambing nito sa akin. Tumango na lang ako sa kanya. "So, I should go up and rest for a while okay Princess? You take good care okay?" paalam nito at tumalikod na. "I love you kuya!" pahabol kong saad sa kanya. "I love you more Princess!" balik na sigaw rin nito at kumaway pa sa akin bago umakyat sa itaas. Agad naman akong umakyat sa taas at masayang masaya na niyakap ko ang aking oppa, ng mapagod ako ay inalagay ko ang picture frame niya sa bedside table ko, upang sa paggising ko ay ito ang una kong makikita at sa pag tulog ko ay ito pa rin ang huli kong masisilayan. Kaya dahil sa pinagsamang pagod at saya ay agad akong hinila ng antok. Mahihinang katok ang nagpagising sa aking diwa, minulat ko ang aking mga mata, gusto ko pa sanang matulog pero naiingayan na ako sa sino mang disturbo sa aking pag tulog. Tiningnan ko ang labas ng bintana at nakita kong medyo madilim na sa labas. 'Anong orasn na kaya?' sa isip ko. Muling kumatok ang kung sinoman ang nasa likod ng pinto. Dahil hindi na ako nakapag bihis kanina ay 'yong sleeveless pa rin ang suot ko. Dahan-dahan akong pumunta sa pintoan para pagbuksan ang kung sinoman ang kumakatok doon. Pagpihit ko ng siradura ay siya namang katok sana ng nasa labas, kaya ang nangyari sa noo ko tumama ang kamao ng kumatok. Masama kong binalingan ang walang modong poncho pilato na nasa harapan ko. "What the heck! Are you out of your mind?!" gigil na sigaw ko sa may katangkarang lalaking nasa harapan ko. Nang mapagmasdan ko siya ay agad na pumintig ang puso ko, pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa at bumalik na naman ang tingin ko sa mukha niya, well he's a definition of hot and yummy, pero ang cold lang ng mga mata niyang nakatingin sa akin. Napaismid tuloy ako. "Am I qualified? You took five minutes on checking on me, so did I pass?" nakaka insultong pahayag nito. Napanganga na naman ako sa kahanginan niya. Just wow! Ha! Tumaas ang kilay ko at lumabas ang natatagong enerhiya ko sa aking katawan. "I'm sorry mister? Yes I'm checking on you kaya paki mo ba? Sa ngayon ko lang nakita 'yang pagmumukha mo? Malay ko bang magnanakaw ka? Rapist? Or worst your a killer! Ahhhhh!" naghihistirekal kong sigaw. Agad naman nitong tinakpan ang bibig ko. "What are you doing? You're crazy!" madiin nitong sabi sa akin habang 'yong kanyang mga kamay ay nasa aking bibig. Naaamoy ko tuloy ang mabango niyang perfume. Mabilis kong tinanggal ang kamay niyang nakatakip sa bibig ko dahil nagbibigay ito ng kakaibang init sa aking buong sistema, bolta-boltaheng kuryente ang nananalaytay sa katawan ko. Masama ko siyang tiningnan upang maitago ko ang takot at kabang nararamdaman ko. "Sino ka ba? Bigla-bigla ka na lang kumakatok sa kwarto ko? Siguro may binaba-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita ito. "I'm not a villain okay? I just thought this is the room of Brenn!" napamura pa ito nang sabihin 'yon sa akin. Natulala tuloy ako. Napadako ang tingin ko sa mga mata niyang walang mababakas na emosyon kundi isang malamig lang na tingin ang nakukuha ko sa kanya. Wala atang epekto ang mala-dyosa kong kagandahan sa taong yelo na 'to. Tinaasan ko siya ng kilay. "At ano naman ang kaylangan mo sa Kuya ko?". Pagtataray ko pa rin dito. "It's none of your business Miss, if you'll excuse me." Malamig lang nitong tugon. Aba't namumuro ang isang 'to ah! Anong akala niya sa akin? Katulong? Akma ko na sana siyang hihilahin ng bigla na lamang siyang lumingon. Naiwan tuloy sa ere ang kamay ko at parang na estatwa na lang ako. "One more thing Miss, linisin mo 'yang laway mo sa gilid ng 'yong labi." Nakangisi nitong saad sabay talikod sa akin, napahawak tuloy ako sa gilid ng bibig ko at ng walang makapa ay agad akong tumakbo sa loob ng kwarto ko. Kainis na lalaking 'yon! Argh! Wala namang tuyong laway sa gilid ng labi ko ahh? Nakakainis talaga! Humanda ka sa aking lalaki ka, lintek lang ang walang ganti. Sa sobrang inis ko ay naisipan ko na lang na mag-babad sa bathtub ko para na rin mawala ang aking inis sa lalaking 'yon! Tinanong pa ako kung anong karapatan ko? Hello? Obviously ako lang naman ang kapatid nang hinahanap niya na saksakan ng ganda at favorite sister pa. Hmp! Napairap tuloy ako sa hangin. Pero in fairness gwapo naman siya, gustong-gusto ko sana 'yong mga mata niyang kulay abo, pero ba't ang lamig lamig kung makatingin? Hay n'ong maghulog yata ng kasupladuhan ang langit ay nasalo niya lahat ng 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD