Pupungas-pungas akong bumangon sa aking kama, gusto ko pa sanang matulog pero kailangan ko ng mag work out. Haysss, tamad na tamad talaga ako. Minsan naririnig ko yung kasambay ko na minsan nag sasabing relax relax din pag may time, hahahaha parang ang sarap ngang sundin yun, naiiling at natatawa na lamang ako. Alas singko na ng umaga at agad akong tumungo sa aking walk in closet at kinuha ang aking raser back fit na damit at kita ang aking pusod, tinernuhan ko na din ng fitted shorts. Sinuklay ko ang aking buhok at tinali ko yun, ayaw ko kasing naka lugay yung buhok ko habang nag e-exercise. Nang matapos akong mag ayos ay agad akong bumaba. Dito lang din naman ako sa mansion mag wo work-out dahil may mini gym si daddy dito. Kaya confident akong nakasuot ng ganito ka sexy na damit, wala namang ibang tao dito maliban sa mga katulong namin, sina daddy at mommy ay nasa Europe para sa isang business trip. Ewan ko kung tulog pa ba yun si kuya. Nang makababa ay luminga linga pa ako sa paligid. Siguro nag luluto na si Manang Lora ngayun, maaga kasi itong nagluluto ng agahan namin. Kaya umikot na ako sa likod upang maka-punta sa mini gym namin, nadaanan ko muna ang swimming pool. Makaligo nga mamaya parang ang sarap lang mag babad ngayon, nakangiti kong sabi sa sarili.
Nang makarating ako sa mini gym ay agad akong pumasok doon, "Wow na miss ko talagang mag work out, feeling ko tumataba na ako". Nakangiti ko pang kausap sa sarili ko. Lumapit na muna ako sa yoga mat at mag uumpisa muna ako mag stretching. Umupo ako at iniunat ko ang mga binti ko, itinaas ko naman ang aking mga kamay, at inabot ng kamay ko ang dulo ng aking mga paa, una ang kaliwa tapos kanan ulit at inulit ko ng ilang beses. Sunod kong ginawa ay ang pag iikot ikot ko sa aking mga kamay at leeg. Nang matapos ay tumayo ako at ini-unat ko ang isa kong paa, I bend my right knees ten times, and I also bend my left knees ten times. Nang matapos ko ang stretching ko ay kinuha ko kaagad ang earphone ko at sinaksak ko yun sa aking magkabilang tenga. Nag play ang isang music na gustong-gusto ko. Yung OST song ng Goblin ang Stay with me. Nag umpisa na din akong sumakay sa stationary bike na nandoon, habang nag e-exercise sinabayan ko ang kanta na nasa aking player. Stay With Me (Goblin OST).
Napaharap kaagad ako nang matapos akong kumanta dahil may pumalakpak sa aking likuran, inihanda ko ang aking ngiti dahil ang akala ko si kuya ang pumalakpak. Pag lingon ko ay kaagad na nawala ang aking ngiti dahil ang taong lamig pala ang nasa aking likuran. Titig na titig ito sa akin at walang emosyon iyon. Napakurap kurap tuloy ako at nangunot ang noo ko.
"What are you doing here!". Pasigaw kong tanong dahil di ko pa pala nakuha ang aking earphone sa tenga ko.
"Am I not allowed here?" nang aasar na tanong nito at unti unting lumapit malapit sa pwesto ko. Napairap tuloy ako. "And who told you that you're allowed here?" balik kong tanong at nakataas pa ang kilay ko. Bumibilis na naman ang t***k ng puso ko sa tuwing napapalapit sa kanya. Kinontrol ko ang sarili ko. "Oh! Didn't Brenn told you? Ohws! Well, let me introduce myself, young lady". Mapang-asar na naman nitong sabi. Hinintay ko lang siyang magsalita. "I'm Kingsley, bodyguard of your beloved brother, so if your asking me if I'm allowed here? The answer is definitely yes my dear.” Kindat nito at nakakalokong ngumiti sa akin, ngunit yung mga titig niya ay nananatili pa ding malamig. Tumaas kaagad ang kilay ko. Hmp! Kaya pala malakas ang kumpiyansa kasi bodyguard ni kuya, "Whatever!" Pagmamaldita ko.
"Well, you should not sing, It's disgusting!" Naiiling iling nitong sabi, bago tumungo sa mga lalagyan ng barbel at mukha yatang magwo work out ito. Napatingin tuloy ako sa suot nitong sando na puti na bakat na bakat ang kanyang six packs pande-letche, oo letche dahil naiinis ako sa kanya. Pero nang magsimula na nitong buhatin ang barbel na hawak nito ay lumaki ang mga mata ko at nakanganga akong nakatitig sa kanya, kitang kita ko kung paano naggalawan ang kanyang mga ugat sa kanyang mga kamay, parang tumutulo na ang laway ko sa kanyang katawan, yung pawis na tumatagaktak sa kanyang noo papunta sa kanyang dibdib ay parang nag slow motion at ang sexy niyang tingnan.
"Young lady, tumutulo na po yung laway niyo, pwede mo nang punasan yan.” Natatawang sabi nito. Agad na bumalik ang katawang lupa ko at pulang pula ang mukha ko dahil sa kahihiyan. Oo aaminin kong napanganga ako at nakakatulo laway talaga ang kanyang katawan, pero nungka kong hindi yun aaminin sa kanya, kaya bahala siya sa kaprangkahan ko. Bumuntung-hininga muna ako. "Well, ikaw ba naman ang lagyan ng pagkain sa harapan, abah? anong gusto mong gawin ko? Tumalikod? Eh naka balandra yang katawan mo dyan, tatakpan ko ang mga mata ko?". Nakanguso kong tugon, kahit yung puso ko ay nagtatakbuhan na dahil sa bilis ng t***k nito. Laglag ang panga na tumingin ito sa akin, napailing iling tuloy ang binata sa akin.
Hmp! Akala mo siguro ikakaila ko ano?
"So, you like the view?". Mapang asar na tanong nito sa akin.
"Well, madami na naman akong nakikitang mga hot and yummy boys kaya sanay na ako, and to answer you, yes I like the view". Sabi ko at sabay kindat sa kanya. Tinalikuran ko kaagad siya dahil nanginginig na ang aking mga tuhod at ang lakas lakas pa ng tahip ng aking dibdib. Nang makapasok ako sa kusina ay kumuha kaagad ako ng isang pitsel ng tubig at isinalin yun sa isang baso, agad ko yung ininum dahil feeling ko uhaw na uhaw ako. Naka tatlong baso ako, pero di pa masyadong nagiging normal ang t***k ng puso ko. Agad kong pinunasan ang mga pawis na nasa aking noo at nadagdagan kanina yung pawis ko nung makita ko ang sexy'ng katawan ni Kingsley. Breath in, breath out. Pilit kong kinakalma ang sarili ko.
"Pwedeng makahingi ng tubig?". Biglang may nagsalita sa gilid ng aking tenga at nagsitayuan pa ang aking balahibo.
Nanlalaki ang mga mata kong binalingan siya. Halos tatlong dangkal nalang ang layo ng mukha niya sa mukha ko kaya bahagya pa akong napa atras. "Bakit ba pasulpot sulpot ka? Pinag lihi ka ata sa kabute!". Bulalas ko dito ng medyo mahimasmasan ako.
"I just want to drink water, naka harang ka kasi eh!". Sabi naman nito. Gosh! Bakit ba ang bango-bango nito, poteks makakasuhan na ako nito sa mga malalaswang umiikot sa utak ko.
"So, can I drink water?". Tanong ulit nito ng hindi ako sumagot. Agad akong bumalik sa sarili ko. Itinulak ko siya at agad na akong tumakbo papalabas ng kusina, ang bilis bilis pa din ng t***k ng puso ko, ewan ko ba kung ano ng nangyayari sa akin, para na akong baliw sa tuwing nalalapit ako sa kanya. Ngunit inis na inis ako dahil sa napaka mahangin niya. Tse! Kala mo naman siya lang yung pinaka gwapong nilalang eh!
Dahil sa inis ay agad akong nag tungo sa kwarto at nag pahangin muna ako saglit sa may veranda ko. Makalipas ang kalahating oras ay agad na akong pumasok sa aking banyo at gusto kong magbabad sa bathtub ko. Napakasarap talagang mag babad lalo na at inis na inis ako sa isang tao. Halos isang oras din akong nagbabad. Naag matapos ako ay agad na akong nag ayos ng sarili ko. Mag rerelax lang ako buong araw dahil sa susunod na araw ay magiging busy na ulit kaming magkakaibigan. Nag bo blower na ako ng may kumatok sa pinto ko. Hmp! Sana naman hindi na naman ang taong lamig ang nasa labas, parang gusto ko nalang mag laho habang naiisip ko ang taong lamig na yun.