Chapter Four (Wynona)

1651 Words
Binuksan ko kaagad ang pintuan ng kwarto ko, nakahinga ako nang maluwag ng hindi ang taong lamig ang nakita ko. Si KitKat pala ang kumakatok, isa sa aming kasambahay dito sa mansion. "Ma'am nakahanda na po ang hapag kaya baba ka na raw po sabi ni Manang Lora," nakangiti nitong sabi sa akin. Nginitian ko siya pabalik. "Maraming salamat Kitkat at pakisabi kay Manang Lora na susunod na ako sa baba," sabi ko dito at agad na isinara ko ang aking pintuan at bumalik sa aking ginagawa. Nang matuyo na ang aking buhok ay agad kong kinuha ang aking mga damit, isang black bodycon t-shirt na may naka bold print na "LICK ME" at tenernuhan ko iyon ng black candy short na nasa kalahati ng aking hita ang taas. Nang matapos kong suotin ang damit ko ay agad ko ring sinuklay ang aking buhok, naglagay lang ako ng light make up at nag-spray ako ng isa sa mga favorite perfume ko na regalo sa akin ng mga kaibigan ko noon, galing pang paris. Nang maging okay na ang ayos ko ay agad na akong lumakad para makapag agahan na rin, lagpas alas otso na pala ng umaga. Masaya akong bumaba at sinalubong ang mabangong sinangag na mukhang kakaluto lang. "Good morning Manang! Hmmm... ang bango po nang luto niyo," nakangiti kong saad sa kanya. "Ay, iha nandyan ka na pala, halika na at kumain ka na," sabi ni Manang Lora at nilagyan niya ng pinggan. Lalagyan na rin sana ako nito ng pagkain pero pinigilan ko na ito. "Ako na ang maglalagay Manang, salamat po," nakangiti kong sabi sa kanya. "Oh, siya sige iha, teka at ilalagay ko lang ang sinigang na bangus, nagpa-luto ang Kuya mo nito, na miss na niyang kumain ng lutong pinoy," pahayag ni Manang Lora. Napangiti nalang ako, at nagsimula na akong sumandok ng sinangag na kanin. Isa talaga to sa favorite food namin ni Kuya, hindi naman kasi kami mapili ni Kuya ng pagkain, sinanay kami ng mga magulang namin na makisalamahuha sa mga mahihirap. Sumusubo na ako ng may marinig akong mga yabag na papalapit sa kusina, siguro gising na si Kuya Brenn. "Good morning Manang, hmmm...amoy na amoy ko na po ang masarap niyong luto ah," nakangiting bati ni Kuya kay Manang. "Aba naman iho, niluto ko talaga ang paborito mo, alam kong wala 'yan sa bansang pinupuntahan mo," nakangiting tugon ni Manang Lora. Inilagay na nito ang mga ulam sa hapag at naglagay rin ito ng isang pitsel ng orange juice. "Iho, halika na at nang makakain ka na," sabi ni Manang at naghila ng upuan para kay Kuya. "Nag-abala ka pa Manang, kaya ko na po ang sarili ko, salamat," nakangiting sabi ni Kuya. Super bait talaga ni Kuya Brenn Nagsimula ng mag-sandok si Kuya ng kanin niya. "Good morning Kuya," ako na ang unang bumati rito. Sumilay ang napakagandang ngiti mula sa Kuya ko. "Good morning princess, so how's your sleep?" tanong nito sa akin. "Fine Kuya," sagot ko at nilunok muna ang pagkain ko. "By the way Kuya, you didn't introduce any girls to us, wala ka pa bang girlfriend?" nako-curious kong tanong sa kanya. Halos mabilaukan si Kuya, kaya agad kong inabot ang tubig sa kanya. "Are you okay?" mahina kong tanong sa kanya. Tumango-tango ito at inubos ang tubig sa kanyang baso. "I'm sorry princess, nabigla si kuya sa tanong mo," natatawa nitong sabi. "Why? you're already twenty-five, tapos wala ka pang balak na magka-girlfriend?" nagtataka kong tanong sa kanya. Napailing-iling si Kuya sa sinabi ko. "Wala pa akong balak princess, I just want to focus on how to handle our company," nakangiti nitong sabi. "Do you have a boyfriend princess?" tanong ni Kuya. Ako naman ang nabilaukan. Natawa tuloy si Kuya sa reaction ko. "Same reaction as mine?" panunukso pa nito. Inirapan ko si Kuya sa sinabi niya. "Of course wala pa, I'm only 19 kaya," nakalabi kong sabi rito. Natawa naman si Kuya sa sinabi ko. Binilisan ko ang pagkain ko dahil gusto kong magpahinga muna, habang kumakain ako ay parang may nararamdaman akong kakaiba, parang may maiinit na matang naka tingin sa akin. Agad kong ininum ang orange juice ko at nang i-angat ko ang aking paningin ay nasalubong ko ang naninitig na mga mata ni Kingsley, nakapamulsa ito, hindi ko alam kong matagal na ba siyang naka-tayo roon. Mga halos isang minuto siguro kaming nagtitigan, naputol lang 'yon nang magsalita si Manang Lora. "O, iho nandito ka na pala, halika sabayan mo na silang mag agahan," masiglang yaya ni Manang. Nagsisimula na namang mag-rambolan ang puso ko, medyo di ako mapakali, bakit ba ang lakas-lakas ng epekto nito sa akin? nakakainis lang din. Dahil katatapos ko lang kumain ay balak ko na sanang tumayo, ngunit siya namang pagsasalita ulit ni Manang Lora. "Iha, tapos ka na pala, ito may pang himagas alam kong namimiss mo na rin ang luto kong biko, heto oh, pinagsandok na kita," nakangiting saad ni Manang Lora at ibinigay ang platito na may lamang biko sa akin. Hay, Manang naman eh, wrong timing ka naman! Sigaw ng isip ko, tiningnan ko ang iniabot na biko ni Manang. Natakam tuloy ako. Unti-unti kong inabot ang binigay ni Manang at pilit akong ngumiti. Labag man sa kalooban ko na makasalo at makita ko ang taong lamig na ito ay hindi na ako nagsalita. "Maraming salamat Manang, alam na alam mo talaga ang mga paborito ko," pasasalamat ko at agad na sanang lalantakan ang pagkaing nasa harapan ko nang magsalita ang taong lamig na kinaiinisan ko. "Oh, mahilig ka diyan? kaya pala medyo mataba ka," simpleng saad ng taong lamig. Akala mo walang laman ang sinasabi niya hmp! Tumaas ang kilay kong tiningnan siya. "Concern ka ba?" sarkastiko kong tanong dito. Nagkibit-balikat lang ang loko. "I'm just stating the fact." Balewala nitong sagot. "Whatever, mind your own business!" nandidilat ang matang sabi ko sa kanya. Hindi ko na pinansin na may mga tao pa pala sa paligid namin. Sinunggaban ko kaagad ang biko na nasa harapan ko, feeling ko konting-konti nalang at sasabog na ako. Natatawa namang nagsalita si Kuya Brenn. "Oh, did you two already met?" nakangising tanong nito. I rolled my eyes. "Di ba obvious?" naiirita kong tanong. Humalakhak si Kuya, wala namang nakakatawa! Hmp! Medyo may sayad pala ang kapatid ko, ba't ngayon ko lang nalaman? "Anong nakakatawa Kuya?" nakalabi kong tanong. "I'm sorry princess, naalala ko lang nung na-i-kuwento ni Kingsley ang tungkol sa maling pintong nakatokan niya, so obviously, doon kayo nagkakilala," natatawa pa ding sabi nito. Gosh! pati ba naman 'yon sinabi niya kay Kuya? masama ko siyang tiningnan. "O, Kingsley kumain ka na bro at may ipapagawa ako sayo," pilyong ngiti ni Kuya. Walang imik na kumain ang taong lamig. Kaya ng matapos ako ay agad akong tumayo at umalis na sa dining room. Nag punta muna ako sa may hardin namin, gusto kong lumanghap ng masarap na hangin. Inis na inis pa din ako sa taong lamig na yon. Kung di lang siya gwapo ang tagal ko ng sinapa sa mukaha ang isang yon. Nakaka relax talaga dito sa hardin. Haysss matutulog na naman ako ngayon sa malambot kong kama at walang didisturbo sa pahinga ko. Nakangiti pa akong tinatanaw ang mga nagliliparang paro-paro. "Pinapatawag ka ng Kuya mo," biglang nagsalita si Kingsley sa gilid ng tenga ko, kaya bigla akong napalingon sa kanya, dahil nataranta ako ay na out of balance ako, akala ko ay babagsak na ako sa lupa ngunit nahapit ni Kingsley ang bewang ko, pero dahil sa mabilis na pangyayari ay na out of balance din si Kingsley kaya pinaikot niya ang isang kamay sa akin kaya nung bumagsak kami sa damohan ay ako ang nasa ibabaw ni Kingsley at nadaganan ko siya. Sa lakas ng impact ay tumama ang ulo niya sa gilid ng semento kaya napa igik ito. Agad naman sana akong babangon upang madaluhan siya ng bigla nalang niyang ipa ikot ang isa niyang kamay sa akin, tuloy ang nangyari ay naglapat ang mga labi namin! nanglalaki ang mga mata ko habang nakadampi ang mapupula niyang labi sa aking labi. Para akong tuod na di makagalaw. Parang nag slow motion ang lahat sa akin, hindi din gumagalaw ang labi ni Kingsley. Bigla nalang ay may nagsalita sa medyo malayo sa amin. "Anong nangyari sa inyo?" takang tanong ni Kitkat na siyang papalapit sa gawi namin, kaya agad akong napabangon sa pagkakadagan ko kay Kingsley. Nahihiya ako sa nangyari, kaya pinatatag ko ang sarili kong hindi mautal sa harapan ng kasambahay namin. "Kitkat tumawag ka ng security guard at ng matulongan si Kingsley na makatayo, natumba kasi kami," sabi ko kay Kitkat na ngayun ay parang nakakita ng multo. "Kitkat! bilis na!" sigaw ko dito ng di pa din siya gumagalaw. "Opo...opo ma'am!" taranta niyang sabi at mabilis nang tumalikod. Poteks, first kiss ko yon ah! ahhhhhhh!!! inis na inis kong sigaw sa isipan ko. Tiningna ko si Kingsley na nasa ganoon pa ding ayos. Agad ko siyang nilapitan at tinulungan kong makatayo. "Are you alright?" tanong ko dito, medyo guilty kasi ako. Hindi siya nag salita at dahan dahan lang tumayo. Hinila ko siya sa may malapit na upuan at pina-upo ko siya. Wala siyang imik na naging sunod sunuran sa akin. "Can I see your head? does it hurt?" muli kong tanong at medyo natataranta nako. Nabagok lang naging pepe na agad? grabeng kalokohan to! gigil ko sa isipan ko. Nilingon niya ako, malamig pa din ang titig niya pero may kakaiba, seryoso niya akong tiningnan at sumenyas na may sasabihin siya sa akin, dahil para akong na engkanto kaya lumapit ako sa kanya. "I love your lips, it's taste good," pilyo niyang bulong sa akin, at dahil doon ay nanlalaki ang mukha kong tiningnan siya, at dala ng inis ay dumapo ang mga palad ko sa kaliwa niyang mukha. Inis na inis akong tinalikuran siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD