Chapter Five (Wynona)

1534 Words
Makalipas ang ilang araw simula nung insidenteng yun ay talagang umiwas na ako kay Kingsley, I don't want to see his face, I don't want to feel his presence, coz I can't properly breathe if his near me. Nakakatawang isipin pero iba ang nararamdaman ko kapag nalalapit si Kingsley, yung puso ko ay di mapatahan, parang umiinit ang pakiramdam ko at hindi ako mapakali, lalo na nang matikman ko ang kanyang malambot na mga labi. Hindi na nawala sa isipan ko ang halik na yon. Hindi naman yon sinasadya, pero bakit parang sirang plaka na nag pa ulit-ulit sa aking isipan ang pangyayaring ‘yon? Upang mawala sa isipan ko ang nangyari ay nagpaka-busy ako sa pag-aayos ng aming small business. Mabuti na lang at nandyan ang mga kaibigan kong mga lukaret at kahit papaano ay nawawala sa isipan ko ang naging halikan namin ni Kingsley. Nandito kami ngayon sa K-Fancy Coffee Shop at sinisimulan ng ayusin ang interior design nito, nag aayos na din kami ng mga utensils, equipments at mga ingredients namin. "Guys, mag pahinga na muna tayo, kanina pa tayong nagta-trabaho, let's have some break," sabi ni Mikaela. "Oo nga, kanina pa din ako pagod," nakalabing reklamo ni Livia. Nag si-upo ang mga kasamahan ko sa may pabilog na mesa. "Mag order na lang tayo ng makakain natin," sabi ni Shanika. "I want chicken joy with unlimited rice!" nakangising sabi ni Avianna. Mukha talaga siyang pagkain. "Sige, wait lang at tatawag na ako, doon na lang tayo sa paborito nating restaurant mag-order," nakangiti kong sabi. Akma na sana akong mag da dial nang may sumigaw mula sa pintoan ng coffee shop. "Hello! everyone! everybody! and everything! now presenting the 'dyosa' and it's me!" nakabibinging sigaw ng bagong dating na si Joseph! poteks na baklang to, ginawang bar ang shop namin. Nang makalapit ito sa amin ay agad kong hinila ang maikli niyang buhok. Napa-igik tuloy ito. "Ouch! what's with you!" nakalabing sigaw nito. "Alam mo bang nasira ang eardrums ko ng dahil sayo?" naiinis kong tugon sa kanya. Binitawan ko na ang kanyang buhok. "Anong masamang hangin ang nagdala sayo dito?" natatawang tanong ni Freya kay Joseph. Inayos muna ng loko ang kanyang buhok at matalas ang matang tiningnan ako. Pinandilatan ko lang siya. "Haysss, ako na nga tong nagdala ng foodies for you, tapos ako pa ang mahihila ang buhok! grabe kayo sa beauty ko!" nagpapadyak na sabi nito. Nagtawanan na lang kami sa kanya. "Salamat besh!" sabi ni Freya. "Thanks bakla," si Avianna. "Love you," si Shanika. "You're the best!" si Livia. "Paghigante na ba kita?" nakabungisngis na tanong ni Mikaela. Natawa na lang ako sa mga reactions nila. Napailing-iling akong niyakap si Joseph. "Thank you talaga beshy," sabay halik ko sa pisngi niya. "O siya, tama na ang drama, kumain na tayo, hungry na akitch," maarteng sabi ni Joseph. "Ano bang mga pagkain yan?" tanong ko. "Ano pa ba? eh di yung mga peyborits niyo," nakangiti nitong sabi. "Wow, hala magsikain na tayo," sabi ni Avianna na agad ng kumuha ng pagkain na nasa loob ng styrofoam, may mga drinks din itong dala. Napakabait talaga ng baklitang ito. "O, kailan opening niyo mga sister?" tanong ni Joseph habang nginunguya ang kanyang pagkain. "Mga next month siguro, kaya bibilisan na namin ang mga kakailanganin dito, need talaga maging hands on," sabi naman ni Shanika. "Well, maganda yan, pasukan na din next month kaya magandang opportunity para sa opening ng inyong coffee shop," tumatangong sabi naman ni Joseph. Ay, ayaw niya palang tinatawag ng Joseph, gusto niya Josie daw, pa sossy pa ang baklang to. "Guys, samahan niyo naman akong mag bar," naka labing sabi ni 'Josie'. Nagtaasan naman ang kilay namin. Napag isip muna ako, parang gusto kong sumama para di ko makita ang pag mumukha ni Kingsley. "In ako dyan bakla," sang-ayon ko kaagad. "Pass muna ako," si Livia. "Me too, madami pa akong kailangang i review," tanggi din ni Shanika, ito pa eh, bookworm ang isang yan. "Oy, sama din ako," si Avianna. "Count me in," nakangising sabi ni Freya. "Yes, salamat sa inyo mga besh, don't worry sagot ko ang bar hopping natin ngayon," nakangisi namang sabi ni 'Josie'. Mabilis na nag daan ang oras at patapos na kami sa aming ginagawa, kaya nagkanya-kanya na kaming ligpit ng aming mga kagamitan. "So, saang bar ba tayo?" tanong ni Avianna. "Hmmm...siguro sa bar ng pinsan kong me gusto kay Wynona, para maka discount pa tayo," hagikhik na sabi ni 'Josie'. Ng marinig ko ang kanyang sinabi ay agad ko siyang binatukan. "At binugaw mo pa akong bakla ka! ikaw kaya ipalaplap ko sa mga dugong na katulad mo!" gigil kong sabi sa kanya. Napahalakhak naman ang mga kaibigan ko. "Ikaw naman beshy, di ka na mabiro, pero totoo, may crush sayo ang pinsan kong yon," taas kilay nitong sabi at pilyo pang ngumisi sa akin. "Hmp! sige na, mag ayos na tayo at doon na lang tayo mag kita-kita sa bar okay?" sabi ko sa mga kaibigan kong gogora sa pagba-bar. "Okay dokey yow!" sigaw ni Freya. "Sige, sa One Night Bar na tayo, pagbigyan na natin ang bruhang baklang to," nakangising sabi ni Avianna. "O, paano mauuna na kami, bye guys!" paalam ni Shanika, nakipag beso-beso pa siya sa amin bago umalis. "Wait Shanika, sama na ako sayo!" habol ni Livia, at kumaway na lang sa banda namin. "Ako, pass muna ako okay? mauna na din ako sa inyo," si Mikaela at umalis na din ito. "So, at exact 6pm andon na tayo ah," sabi ni Freya na nagsisimula ng bitbitin ang mga gamit. "Okay, sige na aalis na ako," si Avianna at agad ng umalis. "Sabay na ako sayo besh, wala akong magawa sa bahay," nagpapa cute na sabi ni 'Josie' sa akin. Tiningnan ko siya ng masama. Mas lalo lang niya tuloy pinalamlam ang kanyang mga mata. Gosh! nakakadiri! sayang talaga ang baklang to, he's a typical tall, dark and handsome, pero ewan ko at naging liko ang daan nito, sayang ang lahi. "Hoy! ba't ganyan ka maka tingin? para mo na akong hinuhubaran niyan ah!" sigaw nito at niyakap pa ang sariling parang nandidiri, sa inis ko ay bigla ko siyang binatukan. "Oh, ayan ng matauhan ka! kadiri ka besh!" sabi ko dito at sabay na kaming lumabas ng coffee shop. Tumungo na kami sa naka park kong sasakyan, at laking gulat ko ng makita kong flat ang mga gulong ng sasakyan ko. No freaking way! sigaw ng isip ko. Kainis naman oh! kelan ka nagmamadali siya pa ang pagdating ng kamalasan. "Paano yan besh?" tanong ni 'Josie'. Napaisip ako, okay I will call Kuya na lang. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Kuya Brenn. Naka ilang ring muna bago sinagot ang tawag ko. "Hey, princess," masayang bungad kaagad ni Kuya sa akin. "Hmmm...hello kuya, may ginagawa ka ba?" nagpapa cute kong tanong sa kanya. "Nothing princess, why?" tanong ni Kuya. "Can you fetch me here in our coffee shop? na flat kasi yung gulong ng sasakyan ko," sabi ko dito ng nakangiti. "Oh! my bad princess, di ako pwedeng lumabas, you know wala pa sila Dad kaya work from home pa ako, pero wait send me the address at ipasusundo kita dyan," sabi ni Kuya sa akin, at nakahinga ako ng maluwag. "Okay Kuya, thanks," sabi ko at pinatay ko na agad ang cellphone ko. I immediately text the address of our coffee shop, may bar hopping pa kami kaya gusto ko munang magpa hinga kahit sandali lang, hindi din naman first time ni Joseph ang pumunta sa bahay. Friends na kami since high school days, nobody knows who really he is. Ayaw niyang malaman ng iba ang totoo niyang pagkatao dahil nahihiya siya at baka din daw hindi siya matanggap, kaya pag may ibang tao ay lalaking lalaki siya kung makiharap, kaya ang loko marami ng napaiyak na babae. Sino ba naman ang di maiinlove sa gwapong kagaya niya? pero pag minamalas ka nga naman di sila talo. "Besh, hintayin na lang natin yung susundo sa atin okay?" sabi ko kay Joseph, tumango lang ito at busy sa kakadotdot ng cellphone. "Hoy, ano yan?" tanong ko sa kanya. "Yung crush ko nag chat sa akin, kaya chinika ko na," sagot nito habang panay ang dotdot niya. Dahil isa akong dakilang 'marites' o sabi pa nila mareng tsismosa ay tumigkayad ako para makita ang sagutan ng kaibigan ko at yung 'crush' daw niya. Halos magkadikit na ang mga mukha namin. Nagulat ako nang may bumusinang bigla sa harapan namin at dahil sa gulat ay na out of balance ako at napayakap sa katawan ni Joseph. "What the heck! sino ba yung bumusina!" naiirita kong sigaw at lumingon sa kaka park lang na sasakyan. Nagulat din ang baklang kasama ko kaya ang ending para kaming mag-jowang nag PDA sa gilid ng kalsada, nakayakap kasi kami sa isa't-isa. Nang humupa ang gulat sa sistema ko ay agad akong kumalas sa pagkakayakap kay Joseph at hinarap ang walang modong tao na bigla-bigla na lang nang bubusina. Kinatok ko ang bintana ng kotse ng walang modo na 'to. Nang bumaba ang salamin sa bintana ay nanglalaki ang mga mata ko nang mapag sino ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD