Chapter Six (Wynona)

1539 Words
Hindi niya inaasahan na ang taong lamig pala ang nagmamaneho ng sasakayang bumusina sa kanila. Mas domoble ang inis niya dito kaya matatalim na tingin ang ibinigay ko sa kanya. "Wala ka bang matinong gagawin ha!" singhal ko dito. Wala lang itong imik na nakatitig sa akin. Tumingin muna ito kay Joseph at ibinalik sa akin ang kanyang malalamig na tingin. "Nasa gilid kayo ng daan at wala sa motel," maanghang niyang sabi sa akin. 'Ano raw? motel?' aba't green minded din pala ang taong lamig na ito ano. "So? wala kang pakialam kong mag landian man kami sa gilid ng daan, it's none of your business," taas kilay kong sabi sa kanya. Nang tingnan ko ang kanyang mga mata ay hindi na lamig ang nakikita ko, kundi isang nagbabaga na sa galit ang kanyang mga mata. Hindi ako nagpa tinag kahit na ginapangan na ako ng kaba sa aking dibdib. "Sasakay ba kayo o tutunganga na lang dyan?" may pagbabanta sa kanyang boses at umiigting pa ang kanyang panga. Dahil sa kaba ay agad kong hinila si Joseph papasok ng kotse, at ang bruhildang bakla, na star struck pa ata kay Kingsley, hmp! napairap tuloy ako. Nasa backseat kami pumwesto ni Joseph dahil ayaw kong makatabi ang taong lamig na yun. "Am I a driver here?" galit na tanong ni Kingsley sa akin. Tinitigan ko siya katulad ng pagtitig niya sa akin. "What do you think?" nakaka-insultong pahayag ko dito. Nagtatagis ang kanyang bagang ng tumingin ulit sa akin, parang pinipilit niyang kalmahin ang kanyang sarili. "You'll gonna pay for this," mahina niyang pahayag at nahihimigan ko ang pagbabanta sa kanyang boses. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya, medyo kinabahan ako sa pagbabanta niyang 'yon. Nagsimula ng umusad ang sasakyan at tahimik lang itong nagmamaneho. "Hoy, bruha ka! hindi mo naman sinabing may yummy and hot papa ka!" nakatiling sabi ni Joseph sa tenga ko, sapat lang na kaming dalawa ang makarinig. "Hmp! gwapo nga sobrang lamig naman!" nakaingos kong sabi dito. "Pero in fairness, busog na busog ka na sa tingin pa lang!" kinikilig na sabi ulit nito. Siniko ko na ang malanding bakla na ito. "Tumigil ka nga dyan!" sabi ko. Nang magsasalita pa sana ang malanding bakla ay agad na nag-preno ang walang modong taong lamig na ito. Muntik ng masubsob ang aking mukha, mabuti na lang at naka seat belt ako. Maging ang malanding bakla ay namimilog ang mga mata dahil sa gulat at kaba. "Ano bang problema mo!" sigaw kong tanong kay Kingsley. Madilim na madilim ang mukha nito. "Masyado kayong naglalandian dyan!" mariin nitong sabi. "Kung ayaw mo sa akin sabihin mo lang! kung napipilitan ka lang sunduin kami sana hindi ka na pumayag! hindi yung kung ano-ano yang pumapasok sa marumi mong utak at balak mo kaming patayin sa gulat at kaba!" naiinis kong sigaw sa kanya, I can't control my emotion anymore. Gustong gusto ko ng sumabog. Dahil siguro sa gulat niya sa pagsigaw ko ay hindi kaagad ito naka imik. Agad kong ini-unlock ang seatbelt ko at agad na lumabas ng kotse. "Halika na Joseph, mag ta taxi na lang tayo!" sabi ko kay Joseph na parang nalilito sa ikinikilos ko. Nang bumalik ang katinuan nito ay agad agad ding lumabas ng kotse. Dahil punong puno na ang utak ko ay di ko namalayan na nakababa na din pala si Kingsley sa kotse. "What are you doing?" nakapamewang na tanong nito, kunot na kunot ang noo at akmang sasabog na din sa galit. "Umuwi kang mag isa mo at mag ta-taxi na kami pa-uwi, don't worry ako na ang bahalang magpa-liwanag kay Kuya," I rolled my eyes after I said it. Sa inis pa ako dito. Nasa medyong ma-tao kaming lugar kaya di malabong makakasakay kami agad dito. Napahilamos ito ng mukha at parang frustrated na ito. Bumuga muna ito ng hangin at muling tumingin sa akin. "Okay! I'm sorry, I didn't mean that, nabigla lang ako," mahina nitong saad na para bang nahihirapang sabihin ang mga katagang yon. Hmp! napairap ako. "Whatever! muntik na akong atakihin sayo!" asik ko dito. At ang baklang bruha, parang tanga na nagpalipat-lipat lang ang tingin sa aming dalawa ni Kingsley, akala mo naman nanonood lang ng K-drama. "Ano, sasakay pa ba tayo o tatawag na ako ng taxi?" baritonong boses na tanong ni Joseph sa akin. Akmang sasagot na ako nang may humila sa akin at pinagbuksan ako ng pinto sa may driver seat. "Dyan ka na maupo, ng di ako ma distract," sabi ni Kingsley na yung sumunod ay di ko na narinig pa dahil sa hina ng pagkakasabi nito. Hindi agad ako nakahuma kaya natulala lang ako at parang natuod sa kinauupuan ko. Lumiko ito sa may driver's seat at timawag na si Joseph na parang nawawala na din sa katinuan. "Hop in!" inis na turan nito kay Joseph, na agad din namang sumakay. Nang makasakay si Kingsley sa kotse ay agad itong dumukwang palapit sa akin. Gahibla na lang ang layo namin at amoy na amoy ko ang kanyang men's perfume na ginamit, parang nakaka addict. Nang matapos niyang ma i-kabit ang seatbelt ko ay agad na umayos ito. Nagririgodon na naman ang aking puso dahil sa maikling paglalapit namin sa isa't-isa. Gusto kong buksan ang puso ko dahil sa matindi nitong pagwawala. Gusto ko pa sanang awayin siya, pero nawawalan na ako ng lakas kapag naka titig na ito sa akin, parang may kakaibang inerhiya siya na humihigop sa buong pwersa ko. Siguro siya si Orotchimaro na nagbabalat kayo lang. Natawa tuloy ako sa aking naisip. Pero mas gugustuhin ko pang maging siya si Sasuke at ako naman si Sakura. Napailing na lang ako sa aking naisip. Dahil sa pagod ay di ko namalayang naka idlip pala ako. Naramdaman kong nakahinto na ang sasakyan. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata, agad na nagtama ang paningin namin ni Kingsley, bigla akong nahiya at na conscious. Inayos ko kaagad ang pagkaka-upo ko. Tumikhim muna ako bago ako nag salita. "Ahm, kanina pa ba tayo dumating?" mahina kong tanong. Gosh! nakakahiya promise. "30 minutes ago," maikli niyang sagot. Nanlaki ang mga mata kong tumingin sa kanya. Oh! my goodness! "Bakit di mo ako ginising?" tanong ko ulit dito. "Well, I don't have a heart kapag ginising ko ang taong naghihilik," pilyo nitong sagot sa akin. Mas dumoble ata nag laki ng mga mata. Ako humilik? gosh! gusto ko na lang maglaho. "Excuse me, hindi ako naghihilik!" pagtataray ko dito upang mapagtakpan ang kahihiyan. Bigla kong naalala si Joseph. "Wait, anong oras na? nasaan si Joseph?" sunod sunod kong tanong dito at ina-unlock ko na ang aking seatbelt upang lumabas na ng kotse. Biglang dumilim ang mukha ni Kingsley, haysss menopausal ata tong isang to, kanina good mood ngayon bad mood na naman, kaloka! sigaw ng isipan ko. "Hihintayin ka na lang daw niya sa kwarto mo," nangdidilim ang mukha nitong sagot sa akin. "Ah, mabuti at nasa taas na siya, thanks a lot Kingsley," nakangiti kong pasasalamat sa kanya. "Tsss, nagpapapasok ng lalaki sa kwarto niya," bulong ni Kingsley na hindi na umabot sa pandinig ko. Kaya nilingon ko siya ulit pero di ko na makita ang mukha nito dahil tumalikod ito bigla. Hindi ko na ito pinansin at agad na akong umakyat sa taas. Pagpihit ko ng pinto ay agad kong nakita si Joseph sa walk in closet ko. "Hoy! bruhildang bakla, ano yan?" tanong ko dito habang pinalalakhan ng mga mata. "Ay, gising na pala si sleeping beauty!" tili ni Joseph. "Yang bunganga mo!" saway ko dito at lumapit sa kanya. "Hmp! ba't di mo ako ginising?" nagtatampo kong sabi dito. "Haysss, kasi yang gwapong bodyguard mo sabi nito umuna na akong lumabas at siya na lang daw ang gigising sayo! aba! nang silipin ko, eh kakaiba ang tingin sayo! kaloka! siguro may gusto yon sayo kaya ganoon," mahabang pagpapaliwanag ni Joseph. "Kahit na! it's already 5:30 in the afternoon! mag aayos pa ako!" maktol ko dito. "Don't worry, ako na ang namili ng susuotin mo!" nakatili pa nitong saad. Ipinakita ni Joseph sa akin ang napili niya. Isang black halter bodycon dress! nanlaki ang mga mata ko dito. Hindi nga ako nag susuot ng mga daring na damit kasi medyo conservative ako pag dating sa dress, my gosh! ipapahamak talaga ako ng baklang to! "What! yan ang susuotin ko? no freaking way!" agad kong tanggi dito. "Don't say no my dear, male late na tayo kaya sorry ka na lang," sabay kindat nito. Hinila niya ako at pinagtulakan ako papasok ng banyo. "Ready yourself baby, and let's enjoy tonight!" malandi nitong pahayag. Poteks napasubo ata ako neto. Kainis. Agad na akong nag shower at baka sumabog sa inis ang baklang yun at ano pa ang maisipan niya. Nang matapos ako ay agad na akong lumabas at nag blower na. Hinanap ng mga mata ko si Joseph pero hindi ko na makita, siguro nasa labas na ito at hinihintay na akong bumaba. Pinasadahan ko ulit ng tingin ang aking susuoting damit, napabuga na lang ako ng hangin at walang nagawang isinuot ko iyon. Maging ang mga accessories ko at sandal ay ito na ang namili. Hmp! maharot na bakla! gigil ko sa aking isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD