Binilisan ko na ang pagbibihis, nag ayos na din ako ng sarili ko. Ginamit ko ang original TSP Miracles Cosmetics brand, mula sa lip tint, pomade, mascara, at serum blush nito.
Nang matapos sa pag aayos ay agad na akong bumaba. Baka iwanan ako ng baklang yun pag nagkataon. Medyo mataas ang takong na pinasuot sa akin, pero choks lang naman. Nang makababa na ako ay agad kong nakita si Joseph.
"Joseph, ano na alis na tayo?" nakangiti kong sabi dito. Nanlaki ang mga mata nitong nakatitig sa akin.
"wow besh! ang ganda mo!" mahina nitong tili. Napasimangot ako sa kanya.
"Shut up! mas gusto ko yung di masyadong daring at revealing no! mapagkamalan pa akong bayaran don!" inis kong tugon sa kanya.
"Hoy! pang mayaman ang bar na yun noh! kaya di ka magmumukhang haliparot don!" nakangisi nitong sabi.
"Oh, princess may lakad kayo?" napalingon ako bigla nang mag salita si Kuya. Agad ko itong niyakap.
"Yes Kuya, mag ba-bar kami, kasama ko naman si Joseph," malambing kong tugon sa kanya. "Ah, ganoon ba? kumain na muna kayo bago kayo mag bar, ng magkalaman yang mga bituka niyo," sabi ni Kuya sa amin.
Dahil alam kong di magpapapigil ang kapatid ko ay sumang-ayon na ako. Gutom na rin ako para magpa kipot pa.
Hinila ko si Joseph papuntang dining room, hmmm...naamoy ko ang masarap na luto ni Manang Lora ah. Sumunod sa amin si Kuya, ng maka upo na kaming lahat ay may biglang nahagip ang mga mata ko. Hmp! makikikain din pala ang taong lamig na ito.
Nang akmang titingin siya sa akin ay agad akong umiwas ng tingin. Nagsandok ako ng kanin at naglagay ng ulam sa plato ko, beef steak ang inihanda ni Manang Lora sa amin at may litsong manok pa. Dahil nawala ang appetite ko nang magpakita ang taong lamig sa akin ay maliit lang ang kinain ko. Wala namang imik si Joseph na kumakain. Nakita ko pa sa gilid ng mga mata ko ang titig ni Kingsley sa akin, pero binalewala ko 'yon. Tanging tunog lang ng kubyertos ang maririnig. Nang matapos ako ay agad na akong uminom ng tubig.
"Kuya, hmmm baka po manga madaling araw na ako makaka uwi," paalam ko sa kapatid ko.
"Ganoon ba? gusto mong ipasundo nalang kita?" tanong nito sa akin. Nanlaki kaagad ang mga mata kong tiningnan si Kingsley, kung ito lang din naman ang susundo sa akin, aba! huwag na lang. "Don't worry Kuya, I can handle myself, besides nandyan naman si Joseph eh," pagpapa-cute kong pahayag kay Kuya at sinulyapan si Kingsley. Madilim ang mukha nito, nasa pagkain ito nakatuon pero kitang kita ko ang pag igting ng kanyang panga. Hmp! galit siguro yon dahil gusto niya akong bwisitin, hmp!
Napairap pa ako sa hangin.
"Okay princess, malaki ka na naman eh, so you can handle yourself better," ngiti nito sa akin sabay kindat. Natawa na lang ako kay Kuya, napaka jolly niya talaga at sweet.
Tapos na rin naman si Joseph kaya agad na kaming umalis. Ramdam ko namang may malalamig na mata ang naka titig sa akin, pero hindi ko na binigyang pansin pa at humawak na lang ako sa kamay ni Joseph bago kami makalabas ng dining room.
Medyo lumuwang ang paghinga ko nang hindi ko na maramdaman ang presensya ni Kingsley. Mabuti na lang at mabilis ding na rescue ang sasakyan ko at naging maayos na itong muli. Ito na ang sinakyan namin at ako na din ang nagmaneho. Medyo di naman kalayuan ang bar ng pinsan ni Joseph kaya mabilis kaming nakarating. Ala sais ey medya na ng makarating kami sa One Night Bar. Medyo maingay na ang loob nito at marami-rami na din ang mga tao. Inilibot ko muna ang paningin ko at hinahanap ng mga mata ko sina Freya at Avianna. Nang mahagip ko sila ng aking paningin ay agad na akong tumungo sa kanila. Nakipag beso-beso muna ako at hinila na sila papasok ng bar.
"Ba't ang tagal niyo?" pasigaw na tanong ni Freya. "Sorry, medyo napa idlip ako eh!" sigaw kong pabalik dito.
"Nasaan na si Joseph?" takang tanong ni Avianna. Napalingon lingon tuloy ako kung nasaan na ang baklitang yun. Nang di namin mahagilap ay pumasok na lang kami sa loob, baka may nakitang jojowain kaya ayun lumipad na ang maharot na yon!
Pumwesto muna kami sa may bar counter.
"What's your orders beautiful ladies?" malambing na tanong ng bartender sabay kindat sa amin. Dahil mahaharot kami ngayon, sige gora at papatolan namin ang panlalandi nito. Tumingin ako kina Freya at Avianna at kinindatan ko sila, nang ma gets nila ang gusto kong mangyari ay ngumisi sila ng pilya. Di naman kami halata sa mga edad namin eh, sa isip ko.
Tumingin ako sa bartender at ngumiti ng napakalandi, pinaikot-ikot ko pa ang mga kamay ko sa aking medyo kulot na buhok.
"I want margarita, and what's your orders beshies?" nakangiti kong tanong kina Freya at Avianna. Ngumiti din pabalik ang mga bruha, kaya halos malaglag ang panga ng bartender. "I want tequila," paos na sabi ni Freya at binigyan ng nagpapa cute na tingin ang bartender.
"Mine is Martini please," sabi naman ni Avianna na pinapupungay ang mga mata.
Parang ginanahan ang bartender dahil sa paglalandi namin, well di naman maitatanggi na gwapo at hot ang bartender na nasa harapan namin.
Pero di ko siya type. Naisip ko bigla si Kingsley, hmp! ang malalamig niyang mga mata na kung maka tingin ay parang tagos sa puso talaga.
"Your orders beautiful ladies!" nagpapa cute na sabi ng bartender sa amin. Kinindatan ko lang ito at nginitian ng ubod tamis.
Nag cheers pa muna kami bago iyon inisang lagok. Parang me problema tong mga kaibigan ko dahil panay lagok ng mga drinks nila. Napailing na lang tuloy ako. Gusto ko ding mag lasing ng makalimutan ko ang taong lamig na yon.
"Nasaan na ba kasi ang baklang yun!" inis kong sabi sa mga kaibigan ko.
"Nakahanap na yon ng papa niya kaya iniwan na tayo!" nakairap na saad ni Avianna.
"Let's party tonight! yohooo!" sigaw ni Freya.
Parang ito yung mas malaki ang problema.
"Yes! let's party! kahit ngayong gabi lang, mawala ang mga problema natin!" pasigaw ko ding saad. Naka ilang baso na din ako ako ng margarita ko. Busy na din yung bartender na nag serve sa amin kanina, kaya nawalan na kami ng interest sa kanya.
Medyo tipsy na ako sa nainom kong margarita, ewan ko lang dito sa mga kaibigan ko, balak atang mag lasing.
Tumayo na ako at sumabay na din sina Freya at Avianna sa akin. Napakalakas ng tugtugin ng DJ at ang mga nasa dance floor na mga kababaihan at kalalakihan ay todo hataw sa kanilang pagsasayaw.
Nang makapunta sa gitna ay agad kaming umindayog kasabay ang musika. Naka spaghetti fitted dress lang si Avianna na nasa kalahati ng kanyang hita ang taas, at kitang kita kung gaano ito ka sexy sa kanyang suot. Samantalang naka V neck naman na dress ang suot ni Freya at bakat na bakat ang nagsusumigaw nitong dibdib.
Lahat kami ay head turner saan man mag punta, kaya laking pagtataka ko nang di man lang mapansin ang kagandahan ko ng taong lamig na iyon. Hmp! Nandito ako para kalimutan siya, kaya magpapakasaya ako ngayun. Nakita ko si Joseph na pumunta sa DJ at may ibinigay na papel. Ang loko may ni request, hmp! sana naman maganda yung request niya. Huminto muna ang tugtog at pinalitan ng kantanga 'Dynamite' ng BTS wow! napatili kami ng mga kaibigan ko sa saya. Yes! one of our K-pop idol.
(Song credit to the owner)
Dynamite
'Cause, ah-ah, I'm in the stars tonight
So watch me bring the fire and set the night alight
Shoes on, get up in the morn
Cup of milk, let's rock and roll
King Kong, kick the drum, rolling on like a rolling stone
Sing song when I'm walking home
Jump up to the top, LeBron
Ding dong, call me on my phone
Ice tea and a game of ping pong
Dy-na-na-na, na-na, na-na-na, na-na, life is dynamite
Dy-na-na-na, na-na, na-na-na, na-na, life is dynamite
Shining through the city with a little funk and soul
Light it up like dynamite, whoa....
Nagpakasasa kami sa pagsasayaw ng mga kaibigan ko.