Chapter 8 (Wynona)

1341 Words
Nagpakasaya kami sa gabing yun. Naka ilang shot ako ng Martini. Pero di ako nag aalala dahil nandyan naman si Joseph at himalang hindi masyadong uminom ang loko. Nang mapagod kami ay bumalik kami sa aming mesa. Medyo nahihilo na ako, tumatalab na ang alak sa aking katawan. Si Freya ay sanay sa inuman at itong si Avianna naman ay medyo tinamaan na din. "Oh! did you guys enjoy?" nakangiting tanong ni Joseph sa amin. Nginitian ko lang siya at tumango tango dahil parang nawalan na ng lakas ang aking bibig. Lutang na lutang ang isipan ko, ikaw ba naman ang uminon ng ilang basong alak kung di ka malasing, napahagikhik na lang ako sa aking sarili. "Halam nyoh yhung mga boysh! shakit lang shila sha ulo," sabi ni Avianna na halatang lasing na, may problema nga ito. "Phag akho, talaghang ghinago! tsk! hahabulin ko shila hanggang sa impyerno!" ikinumpas kumpas pa nito ang kamay sa ere, at sabay hagikhik na naging dahilan ng pagsinok sinok nito. Natawa na lang ako dito at mataman namang nakikinig si Freya sa kanya. "Gusto mo bang resbakan natin?" nakangising pahayag ni Freya, natawa na ako. "Galing mag advice ah! sige at resbakan natin," pagsakay ko sa biro ni Freya. "I'm not kidding Wynona! we will get revenge!" matigas na sabi ni Freya na halatang hindi nga nag bibiro. Napailing na lang ako, sa grupo siya talaga yung tigasin, silang dalawa ni Livia. Mga palaban talaga sila, kaya hah! humanda kung sino man ang kaaway nitong si Avianna. "Yung lalaki na yhun! manloloko! phinagphalit niya ako sa mukhang bruhilda na yhun! hmmp! mash maghandha akoh! shexy!" litanya pa ni Avianna. Hays kaya nga ayaw kong umibig dahil masasaktan ka lang. Asan na ba yung baklang yun at parang kabute pasulpot sulpot. Nagpalinga-linga ako baka sakaling makita ko ang bruha. Nagtatalak pa rin ang broken hearted kong kaibigan, pero dahil nandito kami we should plan a revenge! "Ano ba kasing nangyari? diba wala ka namang jowa?" takang tanong kay Avianna. Abah! di man lang namin nalaman na may jowa na pala ito! Napahagikhik naman ang bruha. Uminom muna ito ng malamig na tubig at parang nahimasmasan dahil sa ganda ng topic namin, ang manlolokong ka-MU lang pala niya! hah! poteks na babaeng to kung maka drama kala mo naman naging sila! sige na nga ng mapakinggan ang mala MMK nitong kwento, at medyo na bo bored na din ako. "May mutual understanding kami ni Paolo, taposh eekshena ang malanding linta na shi Agatha! ayon, dahil sha kalandian ay shiya na ang nakaka date ni Paolo ngayon! pinag mayabang pang pampa lipash orash lang ako dahil pinagsheshelos lang shiya ni Paolo!" kwento pa nito na parang maluha luha, hmmm Agatha it's familiar. "Sinong Agatha?" tanong ko kay Avianna. Suminok sinok pa muna ito. Medyo hindi na ako nahihilo dahil naging interesado na ako sa ka abang abang na kwento ng bruha. "Shi Agatha! y-yhung classmate moh! Agatha d-de Apolinario!" sagot nito at suminok ulit. Ahh! ang malanding babaeng yun! sige don't worry my lovely Avianna ako ang bahalang mag higanti sa babaeng hitad na iyon para sa ‘yo, sa isip ko. "Don't worry Avianna, we will do a revenge!" deklara ko. Nilingon ko si Freya pero wala na ito sa kanyang kina uupuan, kala ko ba makikinig siya kay Avianna yun pala ay iniwan kami. Di ko ata na pansin dahil nalilibang ako sa kwento ni Avianna. "Martini please!" sigaw ko sa waiter. "coming ma'am!" naka ngiti ding sigaw nito pabalik. Gwapo din ang isang ito. Nang malapag na niya ang inumin ko ay inisang lagok ko lang iyon at kinindatan siya. Mas lumawak naman ang ngiti nito. "I want more please!" malambing kong sabi at pinapungay ang aking mga mata. "Right away!" agad itong tumalima at kumindat sa akin. "Oh! tapos na bang mag kwento ang bruha?" tanong ni Freya na bumalik na sa dating pwesto. "Pwede ng pumasa sa MMK," natatawa kong saad dito. Natawa naman si Freya. "Teka, saan ka ba galing? ba't bigla kang nawala?" tanong ko dito. Lumikot ang mga mata niya. Parang may tinatago din ang isang to ah. Nang mailagay ang inumin ko ay tinunga ko ulit ito. "Lalaki bah?" tanong ko dito at tiningnan siya ng diretso, tinatantiya ko ang magiging reaction niya. Nilagok niya ang kanyang baso at saka umiling. "I bound to mary someone I don't freaking know!" gigil niyang sabi dito. Napailing ulit ako. Wow! just wow! dami palang problema ng mga kaibigan ko, tapos ako parang sira na isang taong lamig ang pino problema, at take note di ko naman siya type. Nakaramdam na ako ng hilo dahil ilang baso na din ang nainom ko. Si Avianna ay parang nakatulog na ata. Si Freya ay nasa tamang huwisyo pa, ang lakas ng alcohol tolerance nito. "Phaano bah kamih makakauweh! nashaan nah ang bruhang baklang yon!" sigaw ko dahil sa tindi ng kalasingan ko ay hindi na ako nahiya pa. "Isasabay ko na lang si Avianna sa akin pag-uwi, tutal one way lang kami," sabi naman ni Freya. "Okay! shige maunah nah khayo! h-hintayin koh lhang si J-joseph," sagot ko dito, sabay wagayway ng aking kamay. Inalalayan ni Freya si Avianna. "Arg! ang bigat!" inis na sabi ni Freya. Humagikhik lang ako. "Ikaw nah ang bhahala sha kanyah, bye bye lhove yhou!" sigaw ko sa kanila na parang napapraning, kumaway kaway pa ako ng nasa may pintuan na sila ng bar. Humanda ka talagang bruha ka sa akin. Dahil sa inis ay nag order pa ako ng mga inumin. Nabayaran na daw yun ni Joseph kaya o-order lang kami ng gusto namin. Nasa sampung baso na ata ang naiinom ko, pero wala pa ding Joseph ang dumating. Akma na sana akong tatayo nang mahilo ako bigla, mabuti na lang at may isang matitipunong bisig ang sumalo sa akin. "Are you okay miss?" tanong ng lalaking estranghero. Diko masyadong maaninag ang mukha nito dahil na rin sa hilo at medyo may kadiliman na sa banda roon. In fairness hindi bad breath. Napatango tango ako. "Hmm...y-yes I'm o-okay," nauutal ko pang tugon dito. Umupo ulit ako para pagaanin ang aking isipan at katawan. "Are you sure? I can drive you home," tanong at alok sa akin ng lalaki. "Don't bother yourself mister, she's with me!" matigas na sabi ng isang bagong dating na hinding hindi ko makakalimutan ang swabeng boses nito. Di ko magawang lingunin sila dahil medyo nahihilo pa ako. Ano kaya ang ginagawa ng taong lamig dito? "You sure?" paniniguradong saad ng lalaki. "Don't you believe me?" mukhang nanghahamon na ang boses ng taong lamig, baka magkasagutan pa sila, kaya kahit na nahihilo pa ako ay agad tumayo at lumingon na ako. Akmang aalalayan ako ng lalaki nang magsalitang muli si Kingsley. "Don't you dare to lay your finger to her!" madiin nitong pagkakasabi at may halong pagbabanta. Nag aapoy na ang mga mata nito sa galit na animoy anomang oras ay pwede na itong manapak. "I'm okay shir, t-thank you f-for your help," medyo nauutal kong sabi dito, ngumiti pa ako dito bilang respeto at despensa sa inasal ni Kingsley. Kainis talaga ang taong lamig na ito. Mabuti na lang at umalis na din ang lalaki. Dahil sa medyo hilo pa ako ay muntik na akong ma out of balance, mabuti na lang at nasalo agad ako ni Kingsley. "Are you out of your mind? you're already drunk at hindi ka man lang tumawag kong may susundo sayo!" galit na galit ang boses ni Kingsley, parang nagger boyfriend. Napailing at napangisi na lang ako sa sarili ko. "It's none of your business!" matapang kong tugon dito. Dahil sa bilis ng pangyayari ay diko alam na binuhat na pala ako ng binata, bridal style pa, dahil sa hiya at takot na malaglag ay agad kong pinulupot ang aking mga kamay sa kanyang leeg at isiniksik ang aking mukha sa dibdib nito. Naamoy ko tuloy ang mabangong perfume nito. Mamaya na ako mag rereklamo at gusto ko muna siyang amuyin. Oo at baliw na siguro ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD