Chapter Ten (Kingsley)

1494 Words
"Di ba obvious?" naiirita ng tanong ni Wynona. Nanggigigil tuloy ako sa kanya. Tawang tawa naman si Brenn. "Anong nakakatawa Kuya?" naiinis nitong tanong sa kapatid. "I'm sorry princess, naalala ko lang nung naikwento ni Kingsley ang tungkol sa maling pintong nakatokan niya, so obviously, doon kayo nag kita," natatawa pa ding sabi nito. "O, Kingsley kumain ka na bro at may ipapagawa ako sayo," pilyong ngiti nito sa akin. Napailing nalang ako at nagsimula na din akong kumain. Tumayo na agad si Wynona ng matapos itong kumain kaya nasundan ko nalamang ito ng tingin. "Do you like my sister?" seryosong tanong ni Brenn, at dahil sa nabigla ako sa tanong niya ay muntik pang bumara ang kinain ko sa aking lalamunan, kaya mabilis din akong lumagok ng tubig. Natawa naman ito sa reaction ko. "Oh, relax bro! I'm just asking you," natawa na ito habang tinapik tapik ang likod ko. Medyo kinabahan ako doon, oo aaminin kong may gusto ako sa kapatid niya, pero diko pwedeng aminin dahil di ko pa nareresolba ang sarili kong problema. Bumuntung-hininga na lang ako. "Well, yeah I like her bro, the first time I saw her picture, I felt something that I can't really explain," bunyag ko dito, alam ko namang di ito tutol kong sakaling magka gusto ako sa kapatid niya. "hah! sabi ko na nga ba eh! I already saw this coming, you know I love my sister so much and I want her to be happy kaya isa lang ang mapapayo ko, don't you dare to hurt her or else I will forget that you're my best friend," seryoso na nitong pahayag. "I can't say that I'm not gonna hurt her, but I will give my best to her bro! so don't you worry," ngiti kong tugon dito, baka masapak pa ako. Ngumiti naman ito pabalik sa akin. "I trust you, so good luck! paamuhin mo ang tigress! rawr!" sabi pa nito sabay biro. Nang matapos na ako ay agad na hinanap ko si Wynona. Tinanong ko si Kitkat na papuntang kusina. "Nasa taas ba si Wynona?" tanong ko dito. "Ay, wala sir, nasa hardin ata nag papahangin," sagot nito at nagpa cute pa. "Salamat," sagot ko dito at agad na ding umalis. Nakita ko nga si Wynona na nasa hardin at masayang pinagmamasdan anggg mga nagliliparang paru-paro. Dahan dahan akong lumapit sa kanya. "Pinapatawag ka ng Kuya mo," sabi ko sa kanya, kaya bigla itong napalingon sa kanya, dahil nataranta siya ay na out of balance ito, mabuti na lang at mabilis ang naging kilos ko kaya nahapit ko siya sa kanyang beywang, ngunit dahil nga mabilis ang pangyayari ay diko inaasahan na ma-a-out of balance din ako kaya pinaikot ko ang isa kong kamay sa beywang niya at ng bumagsak kami sa damohan ay ako ang nasa ilalim niya at nasa ibabaw ko naman si Wynona. Sa lakas ng impact ay tumama ang ulo ko sa gilid ng semento kaya napa igik ako sa sakit. Agad naman sana itong babangon upang madaluhan ako ng bigla ko na lang ipa ikot ang isa kong kamay sa kanya, tuloy ang nangyari ay naglapat ang mga labi namin! nanglalaki ang mga mata nito habang nakadampi ang mapupula niyang labi sa aking labi. Para itong tuod na di makagalaw. Parang nag slow motion ang lahat sa amin, hindi din gumagalaw ang labi ni Wynona. Bigla na lang ay may nagsalita sa medyo malayo sa amin. "Anong nangyari sa inyo?" takang tanong ni Kitkat na siyang papalapit sa gawi namin, kaya agad na napabangon ang dalaga sa pagkakadagan sa akin. Tahimik lang akong nakikiramdam, kahit pa nga masakit ang ulo ko. "Kitkat tumawag ka ng security guard at ng matulongan si Kingsley na makatayo, natumba kasi kami," rinig kong sabi nito. "Kitkat! bilis na!" sigaw ulit nito ng hindi siguro kaagad kumilos ang kasambahay nila. "Opo...opo ma'am!" tarantang sabi ni Kitkat at mabilis nang tumalikod. Tiningna ako ng dalaga na nasa ganoon pa ding ayos. Agad niya akong nilapitan at tinulungan akong makatayo. "Are you alright?" tanong nito sa akin. Hindi muna ako nag salita at dahan dahan lang tumayo. Hinila niya ako sa may malapit na upuan at pina-upo ako. Wala akong naging imik at sumunod lang din ako sa kanya. "Can I see your head? does it hurt?" muli nitong tanong at medyo natataranta na ata siya. Nilingon ko siya, malamig lang ang naging titig ko dito pero kakaiba, seryoso ko siyang tiningnan at agad akong sumenyas na lumapit dito sa kanya, wala sa sariling lumapit ang dalaga at hinintay ito sa sasabihin niya. "I love your lips, it's taste good," pilyo kong bulong sa kanya, at dahil doon ay nanlalaki ang mata kong tiningnan siya, at diko inasahan na dadapo ang mga palad niya sa kaliwa kong mukha. Agad na niya akong tinalikuran. Napailing nalang ako sa kapilyohang ginawa ko. Lumipas ang mga araw ay hindi na muling nag cross ang landas namin ng dalaga, halatang iniwasan niya ako. Naiinis ako sa sarili ko dahil isang simpleng kiss lang naman ang nangyari sa amin pero halos magpa balik balik sa isipan ko iyon. Dinistract ko na lang ang sarili ko sa ibang bagay. Pero ng isang hapon ng tawagin ako ni Brenn na nagpapasundo ang kapatid nito sa coffee shop nila dahil na flat ang dala nitong kotse. Tuwang tuwa ako ng pinasibad ko ang sasakyan papunta sa kinaroroonan ng dalaga. Parang na miss ko tuloy ito. Pero uminit kaagad ang dugo ko ng makita kong may kasama itong lalaki at ang lapit nila sa isa't-isa kaya bumusina akong bigla upang maagaw ang attention nilang dalawa. Nabigla ang dalaga at na out of balance ang ending ay nagyakapan na ang dalawa sa harapan niya. Mas lalong umusbong ang inis ko sa kanila. Sh*t I'm jealous! sabi ko sa sarili ko. Nakita kong galit na galit ang dalaga at kinatok ang salamin ng kotse ko. Nagulat pa ito ng makita ang mukha ko. "Wala ka bang matinong gagawin ha!" singhal nito. Wala akong naging imik na nakatitig sa dalaga. Tumingin muna ako sa kasama niya at ibinalik ko din ang malalamig kong tingin dito. "Nasa gilid kayo ng daan at wala sa motel," maanghang kong sabi dito. "So? wala kang pakialam kong mag landian man kami sa gilid ng daan, it's none of your business," taas kilay kong sabi sa kanya. Kaya mas lalo lang nag init ang ulo ko. "Sasakay ba kayo o tutunganga na lang dyan?" may pagbabanta na sa boses ko, at mas nainis pa ako ng sumakay silang pareho sa backseat ng sasakyan. "Am I a driver here?" galit kong tanong. "What do you think?" nakakainsulto nitong sabi. "You'll gonna pay for this," may pagbabantang sabi ko dito. Habang nasa daan ay panay landian nilang dalawa kaya di na ako nakapagpigil pa ay agad kong tinapakan ang break ng kotse, dahilan upang muntik na sumubsob ang mukha ng dalaga. "Ano bang problema mo!" sigaw ng dalaga. "Masyado kayong naglalandian dyan!" mariin kong sabi. "Kung ayaw mo sa akin sabihin mo lang! kung napipilitan ka lang sunduin kami sana hindi ka na pumayag! hindi yung kung ano-ano yang pumapasok sa marumi mong utak at balak mo kaming patayin sa gulat at kaba!" naiinis nitong sigaw sa kanya. Lumabas kaagad ito ng kotse at dahil di kaagad nag process sa isipan ko ang nangyari ay sandali lang akong natulala. "What are you doing?" nakapamewang kong tanong dito. "Umuwi kang mag isa mo at mag ta-taxi na kami pa-uwi, don't worry ako na bahala magpa-liwanag kay Kuya," she rolled her eyes. Agad na umigting ang aking panga. "Okay! I'm sorry, I didn't mean that, nabigla lang ako," mahina kong saad. "Whatever! muntik na akong atakihin sayo!" asik nito sa akin. "Ano, sasakay pa ba tayo o tatawag na ako ng taxi?" tanong ng kasama nitong lalaki. Kainis at umeksena pa talaga. Bago pa ito makasagot ay hinila ko na ito sa passenger seat at pinasakay doon. "Dyan ka na maupo, ng di ako ma distract," sabi ko pa dito at umikot ako sa driver's seat. Nang di gumalaw ang kasama nito ay nagsalita na ako. "Hop in!" inis na sigaw ko dito at agad naman itong sumakay ng kotse. Agad kong dinukwang ang seatbelt nito at ikinabit na iyon bago pina andar ang sasakyan. Nang nasa biyahe na kami ay nakatulog ang dalaga, hindi ko na muna ito ginising at una ng umakyat sa kwarto niya yung kasama niya kaninang lalaki. Nakakainis pero parang at home na at home lang ang lokong yon ah! pinagmasdan ko ito, napaka amo ng mukha nito at napakaganda. Biglang bumalik sa isipan ko ang tagpong natikman ko ang mga labi nito. It's so soft and sweet. Napatingin ako bigla sa kanyang mapupulang labi, at gusto ko ulit na matikman iyon. Kaya nakaisip ako ng kalokohan at ninakawan ko ng halik ang natutulog na dalaga. Napangiti ako ng unti unti itong magising at mukha ko kaagad ang masisilayan nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD