Nagmulat ng mga mata ang dalaga at mukha ko kaagad ang nasilayan niya.
"Ahm, kanina pa ba tayo dumating?" mahina nitong sabi. She blushed, she's so cute when blushing. I smirked.
"30 minutes ago," maikli kong sagot.
"Bakit di mo ako ginising?" tanong ulit nito.
"Well, I don't have a heart kapag ginising ko ang taong naghihilik," pilyo ko namang sagot dito. I loved her when she's angry.
"Excuse me, hindi ako naghihilik!" sigaw nito halatang naiinis na naman. Natawa na lang tuloy ako sa aking isipan.
"Wait, anong oras na? nasaan si Joseph?" sunod-sunod nitong tanong. Naging madilim ang mukha ko sa pagkakabanggit nito sa lalaking yun.
"Hihintayin ka na lang daw niya sa kwarto mo," inis kong tugon dito.
"Ah, mabuti at nasa taas na siya, thanks a lot Kingsley," nakangiti nitong pasasalamat sa akin. Masaya na sana ako kung wala yung lalaking kasama niya.
"Tsss, nagpapapasok ng lalaki sa kwarto niya," bulong ko sa sarili ko na halatang hindi umabot sa pandinig ng dalaga.
Inis na inis ako sa dalaga dahil ang sweet sweet nilang dalawa. Napabuntunghininga na lang ako at agad na pumasok sa inuukopa kong silid. Nag shower muna ako at nag ayos ng sarili bago ako bumaba sa dining room, naamoy ko kaagad ang masarap na niluluto ni Manang Lora.
"Hi! Manang, sarap niyang luto mo ah!" sabi ko kay manang at naghila ako ng upuan at umupo doon.
"Tamang-tama iho at tapos na itong beef steak na luto ko, mabuti at matitikman mo kung masarap ba o hindi," pahayag nito.
Nang matapos ito ay agad na nitong nilagay sa mangkok at binigay sa akin.
"Ito iho, tikman mo muna kung ano ang lasa, " nakangiting sabi ni Manang Lora.
"Sige, I miss this Filipino beef steak," sabi ko at sabay kuha ng kutsara at nagsandok ako sa niluto ni Manang Lora.
"Wow! ang sarap nito Manang!" sabi ko dito.
Talagang panlasang pinoy ang lasa, parang mabubusog talaga ako nito. Hinintay ko na lang na maglagay si Manang ng kanin.
"Hey! bud, kakain ka na?" tanong ni Brenn na nasa likuran ko na pala.
"Yes bud! baka maaga akong magpapahinga," sabi ko dito.
"Talaga? sige bud! at parang may lakad ata sina Wynona," pahayag nito. Bigla naman akong na curious. Magtatanong sana ako nang pumasok sila sa kusina, tinitigan ko siya pero halata namang iniiwasan niya ako.
"Kuya, hmmm baka po manga madaling araw na ako makaka uwi," paalam nito sa kapatid. Agad ko itong tiningnan at ni hindi man lang lumingon sa akin.
"Ganoon ba? gusto mong ipasundo na lang kita?" tanong ng kapatid nito. Agad na dumako ang paningin nito sa akin at agad ding umiwas. Gusto ko sanang magsalita pero parang naputulan ako ng dila.
Hah! mag ba bar tapos lalaki ang kasama? Nag iinit ang ulo ko sa isiping magkasama sila ng lalaking iyon.
"Don't worry Kuya, I can handle myself, besides nandyan naman si Joseph eh," pagpapa-cute nitong pahayag sa kapatid.
Nahiling kong sana hindi pumayag si Brenn, sinipa ko pa ang kanyang paa sa ilalim ng mesa.
"Okay princess, malaki ka na naman eh, so you can handle yourself better," ngiti nito sa kapatid. Sh*t napamura na lang ako sa isiping iyon. Pilyo pa akong kinindatan ni Brenn. Hindi ako makakapayag na mag solo silang dalawa. Mas umigting ang panga ko nang hawakan ni Wynona ang kamay ng kasama nito. Mas lalo tuloy akong di mapakali. Bumalik lang ang katinuan ko nang tumawa ng malakas si Brenn, at pinagtawanan pa talaga ako ng loko na to.
"Ba't di mo sila sundan?" pilyong ngiti nito sa akin. Tss! kung di lang niya kapatid yun baka matagal ko nang dinaan sa santong paspasan ang dalaga. Kaya nang sabihin nito iyon ay di na ako nagpaligoy ligoy pa at agad na sinundan sila.
"One Night Bar sila tutungo!" pahabol na sabi ni Brenn, tumango lang ako at di na lumingon pa. Agad akong sumakay sa kotseng pinapagamit ni Brenn sa akin, kalalabas lang ng sasakyan kaya agad ko silang nasundan. Nang makarating sa bar ay may dalawa pa itong kasamang babae, agad naman silang nag beso beso. Biglang nawala ang lalaking kasama ni Wynona kanina, hindi ko na matandaan ang pangalan nito at wala din akong pakialam sa kanya. Pumasok na sila sa loob at agad naman akong sumunod. Naupo sila sa counter at nag order ng inumin, medyo nasa malayo ako kaya di ko marinig ang mga pinaguusapan nila.
But I was angry when I saw her flirting with the bartender, I'm so furious that I wanna strangle his neck until he can't breathe! Damn woman! mura ko sa isipan ko, di ako mahilig mag mura pero parang nangigigil na ako. And she's really enjoying that guy! I don't want to make a scene here so I better look away. Pinagmamasdan ko lang ito sa malayo, pero nahigit ko ang hininga ko nang makitang nagsasayaw na sila sa dance floor! and they became wild! I'm so jealous of someone dancing with my girl! yes my girl, I owned her, I'm his and she's mine. I know that she likes me too, I felt it. So, sa ayaw niya at sa gusto magiging akin siya. I know this is not the right time because I'm hiding from my parents. Pero di ko na lang muna ipapahalata na may gusto ako sa kanya, I will act cold hearted idiot when I'm with her until I resolve my issues in life.
Nakita ko ang kasamang lalaki ni Wynona kanina kaya agad ko itong sinundan, I grab his arm and pinned him in the wall.
He's shocked kaya di agad ito nakagalaw.
"What's your problem?" buo ang boses na sabi nito.
"Stay away from Wynona!" nangigigil kong sabi sa kanya. Natawa ito sa sinabi ko kaya mas lalo lang akong nanggigigil.
"I'm her friend kaya siya lang may karapatang magsabing lumayo ako sa kanya," nakangiti nitong sabi. Mas lalo akong nairita sa sagot niya.
"I already warned you! I don't want to see you with my girl!" nagbabanta kong sabi dito.
"Ow? I didn't know that she's already yours?" nang aasar pang sabi nito.
"Not now but soon, so you better back off!" mariin kong saad dito sabay bitaw sa polo nitong nagusot dahil sa ginawa ko. He just smirked at me na mas lalong nagpagigil sa akin. Bumalik ako sa mesa ko at pinagmasdan ulit ang dalaga, mukhang umuwi na siguro yung isang kasamahan nito dahil dadalawa na lang sila. Bigla namang sumulpot ang lalaking kasama ni Wynona at may sinasabi ito, sana lang di nito sabihin ang mga pinagsasabi ko dito.
Mukha na akong stalker nito. Lumagok ulit ako ng isa pang beer at pinagmasdan ulit ito.
Bumalik na ang isa nitong kasama. Akala ko silang dalawa na lang, eh mukhang lasing na lasing yung isa nilang kasama. Ayaw kong magpakalasing dahil baka di ko na mamaya maalalayan ang dalaga. Inalalayan na nilang makatayo ang kasama nilang babae at lumabas na sila ng bar. Naiwan ang dalaga doon at mukhang natatamaan na ng alak. Ilang minuto din ang lumipas nang tumayo ito, pero dahil siguro sa nahihilo na ito ay malapit sana itong matumba at isang lalaki ang nakasalo sa kanya. Hah! kairita talaga, kaya lumapit na ako sa kanila.
"Are you okay miss?" dinig kong tanong ng lalaki sa kanya.
"Hmm...y-yes I'm o-okay," nauutal pang sabi ng dalaga. Muli na naman akong napamura sa isipan ko.
"Are you sure? I can drive you home," tanong ulit nung lalaki. Kaya nagsalita na ako bago pa man maka sagot ang dalaga.
"Don't bother yourself mister, she's with me!" matigas kong sabi dito.
"You sure?" naninuguradong saad nito. Umigting ang panga kong naktingin sa kanya.
"Don't you believe me?" inis na inis kong tanong dito. Mukhang nakahalata ang dalaga kaya umawat na ito sa amin.
Akma sana siyang aalalayan ng lalaki nang magsalita ako.
"Don't you dare to lay your finger to her!" Sabi ko dito at agad na ipinulupot ang mga kamay ko sa bisig niya.
"I'm okay shir, t-thank you f-for your help," nauutal na sabi ng dalaga sabay ngiti, kaya lalo lang umusok ang ilong ko sa sobrang selos. Mabuti na lang at umalis na din ang lalaki.
"Are you out of your mind? you're already drunk at hindi ka man lang tumawag kong may susundo sayo!" galit na galit ang boses ko. I hate it when someone holding her!
"It's none of your business!" matapang nitong sabi sa akin. Kaya sa kawalan ng maisip ay agad ko na itong binuhat, bridal style. Dahil sa nabigla at natakot ito ay agad nitong pinulupot ang mga kamay nito sa aking leeg.
Napangiti na lamang ako. Ibang pakiramdam ang ibinibigay sa akin ng katawan ng dalaga, nagbibigay ito ng init at bolta boltaheng pakiramdam. Napangisi na lang ako dahil ramdam kong inaamoy amoy ako ng dalaga, mabuti na lang pala ay nakapag shower agad ako. Nang makalabas ay agad kong tinungo ang aking sasakyan at pinasok ito sa passenger seat at ako na mismo ang nag seatbelt sa kanya.
"From now on I'm going to be your CCTV," bulong ko dito sabay kindat.