Chapter 13 (Wynona)

1512 Words
Naguguluhan kong tiningnan si Kingsley, poteks na taong lamig na ito nagpapa suspense pa talaga. Misteryoso itong ngumiti sa kanya. Napairap na lang ako. Tumayo ako at tinalikuran ang binata. Napahinto ako nang magsalita ito. "It's up to you to remember it. Hindi ko hilig mag kwento sa taong hindi marunong magpasalamat," Sabi nito ng nakatalikod pa rin sa akin. Dahil sa inis at kalituhan ay agad na akong umalis doon at dumeretso na lang sa kwarto ko. Ano kaya ang nangyari kagabi? I really don't remember anything. Sumasakit na lang ang ulo ko sa kakaisip. Dahil para pa din akong nahihilo ay naisipan kong matulog na lang ulit. Nahiga ako at nag talukbong ng kumot, nagpa gulong gulong muna ako sa higaan ko dahil ayaw akong dalawin ng antok. Dahil sa pagpagulong gulong ko ay nahulog ako sa kama. "Aray!" napaigik ako sa sakit. Hindi kaagad ako nakabangon dahil nabalot ako ng kumot. "Ahhhh!" inis kong sigaw dahil hindi agad ako nakalabas sa kumot. Hinihingal ako ng makawala sa kumot. Inis kong itinapon ang kumot. What a great day! sarkastiko kong sabi sa sarili. Bumangon ako at lumundag ulit sa kama. Gusto kong matulog para mawala muna sa isipan ko ang mga sinasabi ng taong lamig na iyon. Flashback: When Kingsley drive Wynona Home. Nakatulog ang dalaga dahil sa kalasingan nito. Nang dumating sila sa bahay ay agad na niyugyog ng binata ang dalaga upang magising. Umungol lang ito at parang ayaw magmulat ng mga mata. Napahilot sa sintido ang binata. "What I'm going to do now," naiiling na sabi ni Kingsley. "Siguro bubuhatin ko na lang siya," kausap ko sa sarili ko, ngunit bigla na lang umangat ang ulo nito at nagsalita. "I-ikaw n-ah taong l-lamig k-kah! naiinish a-ko shay-o!" sabi ng dalaga na putol putol pa. Natawa na lang ang binata sa pinagsasabi nito. Pinatulan na ng binata, dahil sabi nga nila nahuhuli ang isda sa bibig. Ngumisi ito ng may kalokohang naisip. "Why you hate him?" tanong ng binata. "Tsss...n-apaka paki-alamero! y-you k-now what! h-hes like a n-nagger boyfriend! hmp! w-ala namang k-ami!" nanggigigil nitong pahayag. "You like him?" Kingsley tease her. Umiling iling ang dalaga kaya napakunot noo ang binata. "D-di ko shiya gushto! naiinish a-ko sha kanya! n-never akong magkakagushto sha taong lamig na y-yun!" deklara ng dalaga kaya napa tiim bagang na lang ang binata dito. Pinakalma nito ang sarili dahil alam niyang lasing lang ito, sana pala di na niya tinanong ng kung ano ano siya tuloy ang nasaktan. Oo inaamin niyang kumirot ang puso nito nang sabihing hindi siya nito gusto. Kaya nag desisyon na siyang kargahin na lang ang dalaga papunta sa kanyang silid. Nang mabuhat na niya ang dalaga ay nanuot sa pang amoy nito ang pabango nito. Napapatitig tuloy siya sa mapupulang labi ng dalaga. Napalunok na lang siya at iniwas ang tingin dito. Nakasalubong pa niya si Kitkat sa may hagdan. "Magandang gabi po sir," bati nito. "Good evening too Kitkat, can you please bring me a warm water? put it in a basin and please bring towel also," utos nito sa katulong. Agad namang tumalima ito. Nang makarating sa silid ng dalaga ay dahan dahan nitong binuksan yon at dahan dahan ding isinara. Inilapag niya sa kama ang dalaga at dahan dahang tumayo. Ilang minuto ang nakalipas ay kumatok na si Kitkat. "Sir nandito na po ang pinakuha mong gamit," sabi nito, kaya agad nito iyong binuksan. "Maraming salamat Kitkat, mabuti at gising ka pa," sabi ng binata dito. "Wala po yun sir at may tinatapos din po akong librong binabasa kaya gising pa ako," nakangiti nitong sabi. "Pwede bang punasan mo muna si Wynona? para maging maginhawa sana ang pakiramdam niya," pakiusap ko dito. "Ay! walang problema sir, ako pong bahala sa kanya," sagot naman nito. Napalingun sila ng may marinig na ungol mula sa dalaga. Dahil sa nataranta ang binata ay agad nito iyong pinuntahan. Bumangon ito at tinakpan ang bibig. "What's wrong?" tanong nito. "A-g a-g!" sagot nito habang tinatakpan ang bibig. Nang ma-realize nitong gusto nitong sumuka ay agad niya itong binuhat patungong banyo, ngunit pag minamalas ka nga naman ay hindi na umabot pa sa banyo ang pagsuka nito dahil mismong sa dibdib niya ito sumuka. Nanlaki ang mata ng binata at di makapaniwala. Naamoy na nito ang mabahong amoy ng alak galing sa suka nito. Halos masuka na din ang binata dahil sa baho. Kaya agad na nitong inilagay ang dalaga sa toilet bowl at pina upo. Hinubad na muna ng binata ang kanyang damit na nasukahan at tinawag niya si Kitkat. "Kitkat, ikaw na muna ang mag hubad sa kanya at ikaw na din ang mag punas, ihahanda ko lang ang mga damit niya," sigaw nito mula sa banyo. Agad namang tumalima ang kasambahay at sinunod ang inutos niya. Habang nililinis nito ang dalaga ay agad akong nag hanap ng masusuot nito. Mabuti na lang at nakita ko kaagad ang walk in closet nito. Naghanap ako ng damit nito. Napili ko ang isang cotton t-shirt na plus size at isang pajama, naghanap na din ako ng underwear nito at napangisi na lang ang binata. Kinuha ko din ang nakasabit nitong bathrobe. Inilapag niya ang mga napili sa ibabaw ng kama. "Sir, tapos na po akong linisin si ma'am!" sigaw ng kasambahay. Agad nitong pinuntahan ang dalaga at ibinigay ang bathrobe dito. "Ipa suot mo muna," utos ulit ng binata. Naghintay lang siya sa labas. "Okay na sir," sabi ni Kitkat. Pumasok na ang binata at binuhat niya ito papunta sa kama. Muli ay inutusan na naman ni Kingsley na na bihisan muna ito. Mabilis lang din ang kilos ni Kitkat. Nang matapos ito ay agad ko itong pinasalamatan. "Thanks a lot for helping me Kitkat," ngiti kong baling dito. "Ay! si sir! wala po yun, I'm one call away," kinikilig nitong sabi kaya napatawa ng mahina ang binata. "Oh, sige sir at mauuna na ako ha! ikaw na bahala kay ma'am," sabi nito at makahulugang nginitian siya. Napailing na lang ito at nginitian pabalik ang kasambahay. Nang maka alis na si Kitkat ay agad niyang binalikan ang t-shirt niyang nasukahan, naghanap muna siya ng plastic at isinilid doon ang damit niya. Nilapitan niya ang dalagang mahimbing ng natutulog. Hinaplos nito ang mukha ng dalaga at ngumiting parang baliw. He really admitted to himself that the lady has a big spot on his heart, he liked here but now his feelings is more than that. Ayaw niya munang pangalanan ang damdaming luumulukob sa kanya. He's not ready because he has a big battle to win. I want to end my issues first before I will court her. Gumalaw ito at nagsalita. "Gwapo mo naman Kingsley," nakangiti nitong sabi habang nakapikit ang kanyang mga mata. Natawa na lang siya kaya naman ay pinanggigilan niya ang tungki ng ilong nito. Medyo kinilig siya doon sa sinabi ng dalaga, oo at OA na siya pero sa kinilig siya may magagawa ba kayo? wala kaya hayaan niyo nang lasapin niya ang unang kilig niya. Once again he stole kiss to her. Medyo pinatagal niya ng ilang segundo dahil namiss niya ito. Nang matapos ay kinumutan niya ito at agad ng lumabas ng silid. End of flashback Nagising siyang medyo masakit ang ulo niya. Napabuntunghininga siya dahil sa panaginip niya or tamang sabihing totoong panaginip. Mabuti pa nga ang panaginip ay hanggang doon lang pero yung akin, poteks! totoo talagang nangyari. Di ko kasi agad napansin na iba na ang damit ko, akala ko kasi ay ako ang nag hubad at nag bihis. Tama nga ang sinabi niya, I should thank him for driving me home and for taking care of me. I didn't know that he has a heart for someone that his enemy, yes we're enemy but at the end siya pa din makakatulong sayo. At ang nakakahiya ay sinukahan ko pa siya. Agad akong nag ayos ng sarili at gagawa ako ng peace offering to Kingsley at need ko ding magpa-salamat kay Kitkat sa pag-aalaga nito sa akin. Pinasadahan ko lang ng tingin ang sarili ko ng makitang okay na ay agad akong lumabas. Pumunta akong kusina at inihanda ko muna ang mga pang mereyenda. Kinuha ko ang loaf bread sa cabinet at agad ko itong inayos sa plato, gagawa ako ng sandwich para dito at ako na din ang mag titimpla ng kape, siguro black coffee ang gusto nito. Nilagyan ko ng Siobe's palaman at inayos ko yun sa plato. Nang matapos ay agad kong inilagay sa tray at inilagay ko doon ang aking ginawang sandwich. Mabuti na lang at pumasok sa kusina si Manang Lora. "Manang Lora, ahmm...nakita mo po ba si Kingsley?" tanong ko dito, medyo nahihiya din kasi ako. "Ay, oo iha nasa may swimming pool at tila nag babasa," nakangiti nitong tugon. Lumawak ang ngiti ko dito. "Thank you Manang!" sabay yakap ko dito. "Para sa kanya yan?" kinikilig ng sabi ni Manang kaya namula tuloy ako, di ko rin itinaggi. Lumabas akong bitbit ang tray at nag practice na din ako kanina sa sasabihin ko. Bahagya akong napangiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD