Makalipas ang dalawang araw, wala pa ring malinaw na plano si Larson. Hindi siya bumalik kay Calix. Hindi siya tumanggap ng bagong kontrata. Imbes na baril ang hawak niya, bote ng alak at yelo ang kaulayaw niya gabi-gabi. Pero ngayong gabi, may biglang pumasok sa isip niya.
Hindi ito tungkol sa dugo, sa pera, o sa prinsipyo. Gabi ngayon ng init. Ng kalaswaan. Ng sandaling paglimot.
Sumakay siya sa lumang kotse niya matte black na Honda Civic, tintado ang salamin, may sticker sa likod na “PWD INSIDE.” Sa ilalim ng upuan, may hidden compartment para sa .45. Hindi niya balak gamitin. Pero dala lang, baka may aberya.
TAGONG CLUB SA MAY QC — “ELYSIUM”
Isang lugar na hindi basta-basta pinapasok. Kailangan ng fingerprint scan, eye scan, at kung medyo gago ang mood ng bantay, blood sample. Hindi ito para sa masa. Ito’y para sa mga politiko, generals, big-time negosyante, at mga kaluluwang may itinatagong kababuyan.
Pagkapasok niya, sinalubong siya agad ng aroma ng mamahaling pabango, yosi, alak, at kalibugan. May tumutugtog na jazzy remix ng Careless Whisper habang may mga babaeng naka-gown pero halos wala nang tinatakpan ang katawan.
Pero isa lang ang hinahanap ni Multo. Isa lang ang gusto niyang makita.
Nica.
Larson:
“Si Nica. Nandito ba siya?”
Tanong niya sa receptionist na mukhang Miss Universe dropout. Ngumiti lang ito at sabay turo sa private lounge sa taas.
Pag-akyat niya, nakita niya ito. Nakaupo sa leather couch, may hawak na wine glass. Nakasuot ng pulang silk robe, bukas ang kalahati, at ang katawan niya ay parang hiningi pa sa langit, makinis, maputi, at ang mga mata niya ay parang kayang magpaamin ng kasalanan sa sinungaling na demonyo.
Nica:
“Multo.”
Larson:
“Nica.”
Tumayo siya, nilapitan, at parang natural lang ang sumunod, isang halik, mainit, matagal. Hanggang nauwi sa halikan. Sa yakapan. Sa mga ungol na hindi para sa tenga ng mga santo.
SA SILID SA IKALAWANG PALAPAG.
Sa kama ng eksklusibong kasalanan, magkatabing nakahiga si Larson at si Nica. Parehong pagod. Parehong walang saplot. Parehong may bitbit na multo.
Tahimik si Larson, nakatingin sa kisame. Sa isip niya, gumugulong ang tanong na ilang taon nang hindi niya masagot.
Larson:
“Sa dinami-rami ng napatay ko, ilang beses na akong muntik mamatay… pero sa tuwing kasama kita, parang gusto kong mabuhay.”
Nica tumawa. Hindi ng masaya, kundi ng marunong. Alam niya na ang mga salitang ito ay sinubukan na niyang itapon sa basurahan noon pa.
Nica:
“Larson, huwag mong simulan. ‘Wag ngayon. ‘Wag dito.”
Larson lumingon sa kanya.
Larson:
“Bakit? Hindi ba pwedeng isipin ko na baka, balang araw… tayo?”
Nica bumangon, kinuha ang robe, at tumayo sa harap ng salamin.
Nica:
“Hindi ito pelikula. Hindi ito fairytale. Ako si Nica, bayad ako para sumaya ka. Hindi para sumama sa’yo sa buhay na gulong-gulo. Walang personalan. Trabaho lang. Kasarapan lang. Hanggang dun lang tayo.”
Larson napayuko.
Larson:
“Hindi ba ako sapat?”
Nica lumingon. May lungkot sa mata niya, pero pinili niyang tabunan ng yosi na sinindihan niya.
Nica:
“Sapat ka, pero hindi mo kayang ayusin ang buhay ko. At mas lalong hindi kita kayang ayusin. Wala tayong ililigtas sa isa’t isa, Multo. Pareho tayong sira.”
Tahimik. Umupo si Nica sa gilid ng kama. Tumingin sa kanya.
Nica:
“Alam mo kung bakit gusto kita? Kasi kahit mamamatay tao ka, marunong kang magmahal. Pero kahit gano’n… hindi lahat ng marunong magmahal, kayang mahalin pabalik.”
Tumayo si Larson, dahan-dahang nagbihis. Wala siyang sinabing masama. Wala siyang galit sa boses. Pero ang tahimik niyang kilos ay parang sigaw ng pusong binasag na naman.
Lumabas siya ng silid, hindi na lumingon. Sa baba, tumambay muna siya sa bar. Umorder ng whisky, tinungga ng buo.
Bartender:
“Sir, triple shot po ‘yon..”
Larson:
“Triple din ang sakit.”
Umupo siya sa madilim na sulok, tinitigan ang bote ng alak.
Larson:
“Baka nga hindi na ako para sa pag-ibig. Baka ginawa lang talaga ako para pumatay, hindi magmahal. At kung totoo man ‘yon…”
Bumunot siya ng litrato mula sa bulsa ng jacket. Larawan ni Emilio.
“…bakit pa ako nagdadalawang-isip?”
Hindi pa umaabot ng kalahating oras mula nang umalis si Larson sa silid nila ni Nica, ay bumaba ulit siya para tumingin. Parang tangang nagbabakasakaling magbago ang isip ng babae.
Pero hindi na siya nabigo, dahil nakita niya agad ang sagot.
Sa gitna ng entablado sa lounge, nakapwesto si Nica. Suot ang silver na body suit, bukas ang gitna, at habang tumutugtog ang "Versace on the Floor", sumasayaw siya. Swabe. Mapanukso. Parang walang nangyaring lambingan o pag-uusap kanina. Parang hindi niya tinanong kung sapat siya. Parang hindi siya umamin ng damdamin.
Larson:
“Putang ina…”
Hindi na siya tumagal pa. Lumabas ng club, dumiretso sa parking. Sumakay sa kotse. Walang pasabi. Walang paalam. Pero sa dibdib niya, nagpipiyesta ang sakit. 'Yung klase ng sakit na hindi mo maramdaman kaagad, pero pag tinamaan ka, parang suntok na may kalawang.
SA KALSADA. 3:12 AM.
Malakas ang ulan. Wala masyadong sasakyan. Tumutunog ang windshield wipers sa ritmo ng "Tadhana" ng UDD na tinutugtog sa background. Sobra ang tulin ng takbo ni Larson, parang hinahabol ng multo, o baka tinatakasan ang sarili.
Bumukas ang cellphone niya sa gilid puro missed calls at messages mula kay Calix.
> 12 missed calls
4 voice messages
16 unread texts
Ang huli:
> Calix: "Multo, mag-usap tayo. May gumagalaw sa likod mo. Di ko gusto ‘to. ‘Wag kang tanga."
Napamura siya. Tinawagan niya si Calix habang umaambon pa rin sa loob ng windshield niya.
SA BARBERSHOP HQ, 3:29 AM.
Calix, gising pa rin, puyat at mukhang wala na ring gana. Sinagot niya ang tawag.
Calix:
“Akala ko patay ka na.”
Larson:
“Patay ang puso ko, bro. Pero katawan, gumagalaw pa.”
Calix:
“P*nyeta. Ilang beses na kitang tinatawagan. Baka ‘di mo alam, may ibang gumagalaw sa kontrata. May nag-aalok na ipapatumba ka rin.”
Larson tumawa, may halong hilo.
Larson:
“Ang sarap mo pa ring kausap kahit lasing ako, Calix. Nakakagising ka sa katotohanan. Pero sorry, pre, hindi pa rin ako babalik.”
Calix:
“Larson, hindi ‘to tungkol sa kontrata. May bagong pumasok sa kwento. Si Elen. Anak ni Emilio. Hindi siya ordinaryo. And I think… alam niyang may gustong pumatay sa tatay niya.”
Larson natahimik. Tumingin sa likod, sa rearview mirror, pero parang sarili lang niya ang nakikita, at isa pa, hindi na niya sigurado kung sino pa siya.
Larson:
“Gusto ko lang uminom, Calix. Sa ngayon, ‘yon lang. Bukas na ang tamaan ng bala. Gabi ng alak muna ngayon.”
Calix:
“Kapag nalaman ni Emilio na isa kang hitman na tumanggi sa kontrata, baka siya pa mismo ang pumatay sa’yo. At kung hindi siya… baka si Leon.”
Larson:
“Salamat sa paalala. Pero… wala pa akong balak mamatay.”
Binaba niya ang tawag. Ilang segundo siyang tulala. Saka siya napamura ulit.
Larson:
“Pero okay lang din kung mamatay. Basta hindi sa kamay ng ex ko o ng boss ko.”
SA TAGO NA BAHAY SA TAGAYTAY. 4:12 AM.
Pagkauwi, derecho siya sa ref. Kinuha ang yelo, isang bote ng gin, at uminom habang nakatingin sa ulan sa labas.
Larson:
“Ang sarap siguro ng buhay kung walang pakiramdam. Pero hindi ako robot. At hindi ako hayop… kahit minsan, mas gusto kong maging isa.”
Kinuha niya ulit ang litrato ni Emilio. Pinatong ito sa mesa, katabi ng baril.
Sa tabi nito, isang bagong litrato, si Elen. Galing sa research ni Calix. Maputi. Matangkad. Matalim ang tingin.
Larson:
“Kung may papatumba sa tatay mo, siguradong hindi ako. Pero kung ikaw ang dahilan ng lahat ng gulong ‘to…”
Tumungga ulit.
“…mas mabuti pa sigurong hindi na lang ako umibig kailanman.”