KABANATA 3 - SIDELINE

1235 Words
Sa loob ng kwarto niya sa third floor ng mansion nila sa Alabang, naglalangoy si Elen sa katahimikan. Naka-recline siya sa puting marble bathtub, ang tubig malamig, nilagyan niya ng lavender petals hindi para sa aesthetic, kundi para subukang patulugin ang ulo niyang punong-puno. May suot siyang black shades kahit gabi na. Hindi dahil may tinatago siyang eye bags, wala siya noon. Gusto lang niyang magtago mula sa mundo. Mula sa pangalan. Mula sa kapangyarihang hindi niya hiningi. Sa kanan ng tub, nakahanay ang mga bote ng Gucci perfume, Bloom, Flora, Guilty, Envy. Sa kaliwa, mga bihis mula sa Versace. Mga bagong labas. Mga regalo ni Emilio, ang kanyang ama. Mga gamit na hindi niya kailanman hiniling. Elen: "Versace. Gucci. Pero bakit parang wala pa rin akong sarili?" Bumitaw siya ng buntong-hininga at lumubog ng bahagya sa tubig. Mataas ang kisame ng kwarto, may chandelier pa. Pero kahit gaano kaganda ang paligid, pakiramdam niya ay nakakulong siya sa isang ginintuang hawla. Maya-maya, bumukas ang pinto. Pumasok ang lalaking halos ikasuka na ng damdamin niya, ang ama. Emilio Barasaoin: "Anak, kumain ka na ba?" Hindi siya lumingon. Hindi sumagot kaagad. Inangat lang niya ang shades mula sa mata, saka tumingin sa amang nakatayo sa may pinto. Suot nito ang signature niyang Hawaiian shirt na kulay dugo. May sigarilyo sa bibig at baso ng brandy sa isang kamay. Elen: "Nagpapakalunod, Tay. Baka sakaling malunod din ‘yung pangalan ko." Pumasok si Emilio sa loob, umupo sa velvet chair malapit sa tub. Emilio: "Ayokong mawala ka sa akin, Elen. Ikaw ang lahat sa akin." Elen: "Kung ako ang lahat sa’yo, bakit pilit mo akong gawing ikaw?" Tumayo siya mula sa bathtub. Binasahan ang sarili ng towel, saka sinuot ang snakeskin bathrobe na emerald green. Lumapit sa vanity mirror. Pinagmasdan ang sarili, ngunit parang hindi na niya kilala ang babaeng naroroon. Emilio: "Maganda ka, anak. Matapang. Malayo ang mararating mo. Pero hindi mo 'to mararating sa classroom o sa korte. Dito mo mararating sa...." Elen: "krimen? Sa pasabog? Sa pera ng sugal at droga?" Nagtama ang tingin nila. Mainit. Mabigat. Elen: "Kung iisa lang ang daan mo para sa akin, Tay, baka dapat ikaw na lang ang maglakad doon mag-isa." Hindi sumagot si Emilio. Binaba ang brandy sa lamesita at tumayo. Umalis ng kwarto nang walang salita. Naiwan si Elen sa harap ng salamin. Hubad, hindi sa katawan kundi sa damdamin. Elen (bulong sa sarili): "Ano bang kasalanan ko para ipanganak sa apelyidong ‘to?" GABI, CLUB SA TOMAS MORATO Same Night – Around 11PM Nasa likod ng limo si Elen. Tahimik. Wala siyang bodyguard ngayon. Sinadya niya. Gusto lang niyang maramdaman na hindi siya si Elen Barasaoin. Gusto niyang maging ‘yung babaeng pupunta sa bar para makinig sa musika, hindi dahil sa bloodline niya, kundi dahil gusto lang niyang mabuhay. Pagpasok niya sa club, tahimik ang ambiance. May live band. Medyo dim. Pero classy. Hindi ito ‘yung bar na pang scandal. Ito ‘yung bar na pang takas. Umupo siya sa pinakadulo. May dalang shades pa rin. Hindi para magyabang. Para lang maitago ang lungkot sa mata. Bartender: “Ma’am, what’s your poison?” Elen: “Mojito. Yung matagal bago sumipa.” Nang dumating ang inumin, doon niya narinig ang banda sa entablado. Tumutugtog ng acoustic OPM. Hindi perfecto ang boses ng singer, pero raw. Totoo. May kwento. At ang lalaking ‘yon, ang frontman, parang hindi lang kumakanta. Parang may ipinagluluksa. Tumitig si Elen. Doon niya unang nakita si Larson “Multo” Geonad. Hindi siya gwapo sa textbook sense. Pero may dating. May presensya. May lungkot sa mga mata at init sa boses. Parang isang lalaking ilang beses nang nabigo at pilit pa ring bumabangon. Larson (mula sa mic): “Ang susunod na kanta ay para sa mga ex na hindi natin mahanap sa Spotify. Pero nandyan pa rin sa memorya.” Tawanan ang audience. Si Elen, ngumiti. Taas-baba ang dibdib niya. Hindi sa kaba. Sa pagkalito. Hindi niya kilala ang lalaking ito. Pero parang may koneksiyon. AFTER THE SET – RESTROOM AREA Habang naglalakad siya papuntang banyo, nakasalubong niya si Larson. Gulat silang dalawa. Larson: “Miss... uhm… okay ka lang ba?” Elen: “Okay lang. Good set, by the way. Medyo off ka sa second verse pero... may puso.” Ngumiti si Elen. Simple lang. Walang arte. Si Larson naman, parang natigilan. Larson: “Mas okay kung hindi mo ‘ko nakita sa side ng lasing. Pero sige, bawi ako next time.” Elen: “Next time? Palagi ka bang tumutugtog dito?” Larson: “Pag hindi ako patay, oo.” Elen: “Then sana lagi kang buhay.” Nagkatinginan sila. Walang kilig. Pero may tanong. Pareho silang may tanong sa isa’t isa. Lumakad si Elen papasok ng restroom. Naiwan si Larson, parang tinamaan ng bala sa dibdib na hindi niya alam kung galing sa baril… o sa ngiti. SA LOOB NG CLUB, ILANG ORAS PA’Y LUMIPAS Umalis na si Elen. Tahimik. Walang paalam. Pero sa unang pagkakataon sa matagal na panahon… hindi niya sinagot ang tawag ng ama. At sa unang pagkakataon, may lalaking hindi siya tinanong kung kaninong anak siya, kundi kung okay lang siya. Umaga na nang makauwi si Larson sa tagong bahay niya sa Antipolo. Amoy club pa ang jacket niya. Yosi. Beer. At isang pabango na hindi kanya—siguro mula sa babaeng ‘yon. Yung misteryosang mukhang di marunong magmura pero may tingin na kayang bumutas ng dibdib. Binuksan niya ang phone. 47 missed calls. Lahat galing kay Calix. Larson: “Gago talaga ‘to. Para akong inabort.” Nag-ring bigla ang telepono. Si Calix. Calix (galit agad): “PUTA MULTO! Kumanta ka na nga, inistak mo pa yung anak ni Barasaoin?!” Larson (kalmado, sabay hikab): “Relax. Hindi ko siya inistak. Nagkataon lang. Baka siya ang umistak sa'kin, 'no?” Calix: “HUWAG AKONG BOLAHIN! May intel akong nagsabi na nakita ka sa club sa Tomas Morato kagabi. With Elen. Nagsayaw ka pa raw ng puno ng damdamin sa entablado? Seryoso ka, Lason?” Larson (tumatayo habang nag-aabot ng kape): “Sideline lang. Wala namang p*****n sa mic, Calix.” Calix: “G*go! Hindi ‘to simpleng gig, Multo! Anak siya ng target. ‘Pag nalaman ni Emilio, tapos ka! Di mo ba gets?” Larson: “Ang gets ko lang, mas masarap kantahan ang gabi kaysa barilin. At masarap din ‘yung mojito dun.” Calix: “P*tang....Multo, seryoso ako. ‘Wag mo nang ulitin ‘yan. Hindi ka rakista. Killer ka. Lason. Boogeyman. Hindi Vocal Coach.” Larson (ngumingiti habang pinapatay ang call): “Thanks sa concern, Mom. Tawagan na lang kita ulit pag may bagong kanta, ay este, bagong target pala.” Tiningnan niya ulit ang phone habang tinatapos ang kape. Sa folder ng gallery niya, nakasave pa rin ang blurred pic ni Elen na sinend ng isang dating intel para sa profiling. Larson: “Hindi ko siya iniistak. Gusto ko lang malaman kung bakit parang... hindi siya nababagay sa mundo nila.” Tumayo siya. Naglakad papunta sa likod ng bahay kung saan may mini gun range siya. Kinuha ang silencer. Nilagyan ng bala ang baril. Pero bago siya bumaril... Huminga siya nang malalim. Larson (mahina): “Wala namang masama sa kanta, ‘di ba? Lalo na kung ‘yung chorus ay may halong tanong: ‘Sino ba talaga ang mag papasaya sa buhay ko?’” Sino nga ba talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD