KABANATA 1 - BURGIR
Sa isang lumang apartment sa may Sta. Mesa, naroon ang isang lalaking nakaupo sa sahig, nakabukaka, at tila ba bagong gising lang. Pero sa tabi niya, may baril. Sa harap niya, may lalaking duguan, nakatali ang mga kamay sa likod, at nanginginig.
Larson:
“May tanong lang ako. Seryoso lang.”
(Sabay kinagat ang burger na hawak niya)
“Bakit ‘pag druglord, lagi kayong may kwintas na may krus? Alam n’yo ba kung ilang beses ko nang nakita ‘yan? Hindi niyo ba naisip, parang masyado nang obvious?”
Ang lalaki sa sahig ay si Cesar "Bangis" Madrigal, kilalang drug pusher sa tatlong barangay. Pero ngayon, hindi siya mukhang bangis. Mukha na siyang basang sisiw na nilampaso ng ulan at karma.
Cesar:
“Bro… hindi ko alam kung anong sinasabi mo, bro… please… may pamilya ako…”
Larson tumango-tango habang ngumunguya. Inabot ang softdrinks sa tabi, sinipsip gamit straw, at ngumiti.
Larson:
“May pamilya ka? Aba eh ‘yung mga bata na tinamaan ng shabu mo, may pamilya din. At saka... bro, hindi tayo magkaibigan. Hindi ako ‘bro.’ Ang pangalan ko ay…”
(Sabay tayo, habang kinuha ang jacket na may patches ng wwe characters)
“Multo.”
CUE SOUND EFFECT: dramatic na FX na parang “dun dun DUNNNN” pero sa isip lang niya.
Larson:
“Alam mo ba kung bakit ‘Multo’? Dahil pag umalis ako… wala ka na.”
Cesar umiyak. Hindi na iyak ng pakiusap. Iyak ng "sana pala hindi ako naging gago."
Bumunot si Larson ng silencer, tsinek kung loaded, at huminga ng malalim.
Larson:
“Anyway, tapos na ‘to. Sorry ha, wala kang masyadong lines sa eksena na ‘to. Eto na yung cue mo para tumihaya.”
BOOM. Isang putok. Tapos.
Tatlong oras matapos ang pamamaril, sa loob ng isang lumang barbershop sa may Sampaloc.
Ang barbershop ay mukhang normal sa labas, may palyadong karatula na "Boy Tisoy's Haircut". Pero sa likod ng kurtina ng barbershop chair, may secret passage. May sliding door na made in kalokohan. Maraming gantong katulad na secret office.
Doon, may isang lalaking naka-upo sa leather chair, naka-shades kahit gabi. Si Calix Sanayo, ang contractor. Ang manager ng mga kampon ng dilim. At syempre, mukhang fresh pa kahit mukhang walang tulog.
Calix:
“Late ka nanaman, anak ng jueteng. San ka na naman galing? Burger stand o shooting range?”
Larson:
“Pareho.”
Calix ngumiti at tumango. Tumayo at humugot ng makapal na folder.
Calix:
“May bago. High profile. Hindi pwedeng sablay. Alam mo na, double pay, zero trace.”
Larson:
“Okay ‘yan. Pang-dagdag sa ipon ko. Balak ko na ring bumili ng bagong sofa, yung hindi amoy dugo.”
Calix inabot ang folder. Tumama ang ilaw sa pangalan.
EMILIO BARASAOIN
Big-time mobster. Mayaman. Makapangyarihan. Buhay na agila.
Calix:
“Si Don Emilio. Halimaw ‘to. Pero may gusto sa kanyang mamatay. Ayoko nang banggitin kung sino, confidential. Basta importante, malinis ang galaw. At ‘wag kang tatamaan sa damdamin.”
Larson:
“Damndamin? Ako? Multo nga ako, bro. Wala akong heart, puro pancreas.”
Calix:
“Eh ‘yung anak niya, nakita mo na ba?”
Larson nagbukas ng next page. Picture ng babae. Parang cover girl ng Vogue PH. Nakalagay sa caption: Elen Barasaoin. 26. Arkitekta.
Tumigil si Larson. Natigilan.
Larson:
“Okay... may plot twist.”
Calix:
“‘Wag mong sabihing na-in love ka na sa picture ha. T*ng ina, parang telenovela na ‘to.”
Larson:
“Hindi naman. Pero kung siya ‘yung nagdesign ng building ko sa panaginip, gusto ko siyang makilala.”
Calix:
“Pakshet. Eto na naman tayo.”
Larson ay nakaupo sa tapat ng electric fan, hawak ang cellphone, at may playlist na puro acoustic OPM, Orange & Lemons, December Avenue, Johnoy Danao. Parang trip niyang umiyak pero hindi niya lang alam kung bakit.
Larson:
“Okay, Emilio Barasaoin. Big fish. Pero bakit ngayon lang? At sino ‘tong Elen? Anak ba talaga niya? O baka mas matalino pa siya sa tatay niya?”
Tumayo siya, naglakad papunta sa gun rack. Pinulot ang sniper rifle, nilinis ito gamit ang puting basahan na may pangalan pang "Mang Romy's Carwash" souvenir galing sa isang lumang mission.
Larson:
“Trabaho lang. Walang damdamin. Walang drama. Walang…”
Huminto siya. Tumingin sa picture ulit ni Elen.
Larson:
“…walang eye contact?”
KINABUKASAN. SA BARBERSHOP HQ.
Calix ay nakaupo ulit sa leather chair, may hawak na kape, habang nagbabasa ng tabloid.
Pumasok si Larson, bitbit ang folder.
Larson:
“Hindi ko tatanggapin.”
Calix napatingin, biglang nagtaka.
Calix:
“Anong hindi mo tatanggapin? Akala ko ba ayos na?”
Larson nilapag ang folder sa mesa.
Larson:
“Hindi ko type. Si Emilio… hindi siya tulad ng iba. Ibang klase ‘yon. ‘Yung iba, madali. Puta, kahit tulog pa sila, tapos na. Pero si Emilio… dati ko nang ‘target’, pero hindi bilang kalaban bilang inspirasyon.”
Calix:
“Anak ng pating, Inspirasyon? Druglord ang putang ‘yon!”
Larson:
“Alam ko. Pero hindi siya traydor. Hindi siya bastos. Kung pumatay siya, may dahilan. Kung nagnegosyo siya ng droga… well, choice niya ‘yon, pero hindi siya gahaman. Alam mo bang tinulungan niya ‘yung nanay nung bata na nasagasaan sa Tondo? ‘Di niya yun obligasyon, pero ginawa niya.”
Calix tumayo.
Calix:
“P*tang ina, Multo. Ngayon ka lang nagdrama ng ganito. Lahat tayo may pinagdadaanan. Pero trabaho ‘to. Hindi ‘to poetry night.”
Larson:
“Hindi ‘to drama. Desisyon ‘to. Hindi ko siya papatayin. Kahit triple pa bayad mo. Wala akong utang sa’yo, Calix.”
Tahimik. Pareho silang nagkatitigan. Mabigat. Seryoso. Hindi ito ang usual banter nila.
Calix:
“Pag ‘yan ang desisyon mo, wag kang babalik dito.”
Larson:
“Baka hindi na nga.”
Lumabas si Multo, walang lingon-lingon. Sa labas ng barbershop, sumakay siya sa lumang motor niya, isang matte black na Yamaha, may gasgas sa gilid at sticker na “NOT DEAD YET.”
SA TAGUANG BAHAY NI LARSON SA TAGAYTAY
Umulan ng konti. Ang bahay ay nasa dulo ng isang private road, minimalist pero elegante, may overlooking view ng Taal, at may sariling wine fridge na punong-puno ng beer.
Larson nakatayo sa terrace, may hawak na bote ng Red Horse. Wala siyang suot kundi boxers, white sando, at may dala pang isang platitong chicharon.
Larson:
“Sa dami ng pinatay ko, bakit ngayon ako nag-aalangan? Bakit si Emilio pa? Dahil ba may anak siyang maganda? O dahil lang sawa na ako?”
Umupo siya sa rocking chair, at biglang tumugtog sa playlist ang “Hanggang Kailan” ni Orange & Lemons. Napatingala siya.
Larson:
“Baka pagod na rin ako. Baka hindi lang sa katawan… baka pati sa kaluluwa.”
Tahimik. Tanging tunog ng kulog at kulisap sa gabi.
Larson:
“Sorry, Calix. Pero hindi ko ipagpapalit ang respeto ko sa sarili, kahit gaano ka laki ang bayad. Hindi lahat ng laban, tinatanggap. Minsan, kailangan mo rin umatras… para mabuhay pa ng matino.”
Lumagok siya ng alak. Malalim. Masakit sa lalamunan. Pero parang yun ang kailangan niya.