KABANATA 4 - SA KUKO NG AGILA

1258 Words
Tanghaling tapat. Mainit. Pawisan. At walang kamatayan ang pila sa paboritong palengke ni Larson sa may gilid ng San Juan Public Market. May hoodie siyang suot at naka-face mask, parang normal lang. Laging lowkey si Multo sa mga ganitong lakad. Grocery day niya 'to, isa sa mga bihirang araw na hindi siya may hawak ng baril kundi ng repolyo at toyo. Larson (nagbubulungan sa sarili habang may bitbit na sibuyas): “Magluluto lang dapat ako ng sinigang mamaya, dami pang arte ng buhay.” Lumipat siya sa tapat ng fish section, pumili ng bangus, tapos naglakad pa-kanto para bumili ng yelo. Maraming tao. Masikip. Siksikan. Pero sanay na siya sa mga ganitong eksena. Nakikiramdam pa rin kahit pa-relax. Pero may hindi tama. Sa peripheral vision niya, napansin niya ang isang pulubi sa gilid—nakaupo, madungis, may lata ng sardinas sa harap. Pero ang sapatos? Bagong Adidas. Larson (mahina, halos bulong): “Hindi bagay.” At bago pa siya makapihit, BANG! Isang putok ng baril na mahina ang tunog, pero malutong. SFX: Phffffk! Parang hangin lang. Pero ang resulta? Wasak ang basong hawak ng tindera. Lumuwa ang mga isda. Tili ang mga tao. Sunod-sunod. Tatlong putok. Phffffk! Phffffk! Phffffk! Ang direksyon? Si Larson. Pero parang sumasayaw ang katawan niya habang umiilag. Bumagsak ang dalang plastic ng gulay, pero buhay pa siya. Larson (sa sarili, mabilis): “Silencer. Pero malalaki ang bala. Desert Eagle ‘yan.” Umatras siya. Hinugot ang Glock 17 sa tagiliran. Pumwesto sa likod ng isang kariton ng prutas. Ang pulubi—tumayo. Tinanggal ang balabal. Suot sa loob? Tactical vest. Putangina, pro shooter ‘to. Larson (sumigaw, galit): “Sino ka?!” Walang sagot. Isa pang putok. Tumilapon ang takip ng isang timba. Nahulog ang isang batang nagtitinda. Chaos na. Sumilip si Larson. Target locked. Isang bala lang—bam! Phffffk! Tinamaan ang lalaki sa kanang leeg. Tumumba pero hindi agad patay. Tumakbo si Larson palapit, baril nakatutok. Hinablot ang collar ng tactical vest ng lalaki. Larson (galit, habol hininga): “Sino nagpadala sa’yo?! Ha?! Sino?!” Hitman (dugo sa bibig): “Ka… ka…” At parang sinadya ng langit na bitinin ang sagot, tumirik ang mata ng lalaki. Patay. Larson: “Putangina naman o!” Sumilip sa paligid si Multo. May mga tao pa rin pero puro takbuhan. Yung iba, nag-uusap na kung anong nangyari. Bago pa siya makuhanan ng video o makita ng pulis, tumakbo siya palayo, iniwan ang lahat ng pinamili. Diretso sa kotse. Diretso pauwi. --- SA LOOB NG BAHAY – 20 MINUTES LATER Binuksan niya ang pintuan gamit ang elbow. Pumasok. Diretso CR. Tanggal lahat ng damit. Tiningnan ang katawan sa salamin. Larson (bulong): “Walang tama. Ilag master pa rin. Pero konti pa, jackpot na sila.” Kumuha siya ng bote ng rubbing alcohol. Nilinis ang mga galos sa siko, tuhod. Tapos tumingin sa lapag. May patak ng dugo—pero hindi kanya. Nakadikit sa sapatos. Kinuha niya ang burner phone. Tinawagan si Calix. Larson: “Uy Calix, good news.” Calix (sarkastikong tono): “Wala kang napatay ngayong araw?” Larson: “Meron. Ako sana.” Calix: “Ano?! Anong ibig mong sabihin..” Larson: “May tumira sa akin. Hitman. Disguised as pulubi. May Desert Eagle. Taktikal. Mukhang legit. Hindi tambay lang.” Calix (natahimik): “…sino nagpadala?” Larson: “Yun ang tanong. Yun din ang tanong na di na niya nasagot.” Calix: “Multo, kailangan nating umalis muna. Lumalalim na ‘to. At kung ang baril niya Desert Eagle na may suppressor… hindi siya murang tauhan.” Larson (malamig ang tono): “Alam ko. Kaya nga lalaban ako, hindi tatakbo.” Mabigat ang hakbang niya. Hindi dahil sa pagod, pero dahil sa mga tanong na unti-unting bumubulabog sa utak niya. Ang headquarters nila ni Calix ay nasa loob ng isang abandonadong gusali sa Cubao, pero sa loob, para kang pumasok sa high-end armory ng isang action movie. May mga baril sa pader, surveillance monitors, intel files, tsaka isang lumang ref na puno ng Red Horse at energy drinks. Pagbukas niya ng pinto, sumalubong agad ang boses ni Calix. Calix: “Putangina Larson, kailan ka pa naging pasaway?” Larson (nakataas ang kilay): “Hindi ba’t araw-araw?” Lumapit si Calix mula sa control room, hawak ang tablet, may footage na ni-rewind niya. Mukhang pinapakita ‘yung shootout sa palengke. Calix: “Ano ‘tong ginawa mo sa San Juan, ha? Bakit parang cowboy ka ulit?” Larson: “Cowboy? Ako ‘yung binaril. Grocery lang trip ko, hindi barilan.” Itinapon ni Larson ang jacket niya sa upuan. Naupo siya, nag-crack ng leeg, tsaka umirap. Larson: “Tapos ngayon, pinatawag mo pa ‘ko para sa walang kwentang sermon?” Calix (tumayo sa harap niya, matalim ang tingin): “Walang kwenta?! Larson, may taong gustong pumatay sa’yo, hindi mo pa ba narerealize kung gaano kalalim ‘to?” Larson: “Alam ko. Kaya nga narito ako. Para tanungin ka: sino ang nagpadala ng lalaking ‘yon?” Calix (umiling): “Wala akong intel. Lahat ng usual suspects, clear. Wala sa records. Lahat ng alias ng hitman, ghost. Kahit fingerprint, wala sa system. Para siyang multo.” Larson (tumawa, mapait): “Eh di ba ako lang dapat ang multo rito?” Tahimik. Tinitigan lang sila ng fluorescent light mula sa kisame, para bang pati ilaw nakikiramdam sa tensyon. Calix (sumandal sa lamesa, hawak ang ulo): “Multo… anong nangyayari sa’yo? Hindi ka ganito dati. Hindi ka relaxed. Hindi ka malamig. Hindi ka... kampante. Noon, uunahan mo pa ‘ko sa intel. Ngayon, parang hindi mo na gusto ang ginagawa mo.” Tumayo si Larson. Lumapit sa pader kung saan nakadisplay ang mga picture ng targets. Tumingin siya kay Emilio Barasaoin, may X na pula sa mukha nito. Dahan-dahang tinanggal ni Larson ang X. Hinawakan ang larawan. Larson: “Hindi ko tinanggap ang hit kay Emilio, ‘di ba?” Calix: “Alam ko. Kaya nga si Leon ang pumirma matagal ko na alam na si leon talaga ang gustong mag pa patay kay Emilio sino pa ba?. Pero kahit hindi mo tinanggap, may utos pa rin.” Larson: “Yun nga eh.” Calix: “Ano?” Larson (mahina, seryoso): “Bakit kailangan pa rin akong pumatay ng taong hindi ko pinili? At bakit parang ako lang ang dapat gumawa nito?” Calix: “Larson…” Larson (mas matigas ang tono): “Ayoko na, Calix.” Tumahimik si Calix. Parang binagsakan ng refrigerator ang silid. Calix: “Anong sabi mo?” Larson: “Ayoko na. Ayoko na pumatay. Hindi na ako ‘yung lalaking pinulot mo sa Tondo. Hindi na ako ‘yung batang binigyan mo ng baril para mailabas ang galit sa mundo.” Calix: “Hindi mo na ‘ko kilala? Huwag mo kong binibigla ng ganyan, Larson. Hindi ‘to basta trabaho lang para sa’tin. Survival ‘to. At ngayon, nagpa-patay sa’yo ang mundo, tapos ayaw mong lumaban?” Larson: “Lumalaban ako, Calix. Pero hindi para sa kanila. Hindi para sa bayad. At lalong hindi para sa mga utos ni Leon.” Itinapon niya ang litrato ni Emilio sa mesa. Tumingin siya ng diretso sa mata ni Calix. Larson: “Bakit parang gustong-gusto nila akong idikit kay Emilio? Bakit parang ako lang ang puwedeng tumapos sa kanya? Anong meron sa kanya? At bakit may sumusubok nang pumatay sa’kin ngayon?” Calix (mahina ang tono): “Hindi ko alam…” Larson (mahina rin, para bang may halong kaba): “O baka naman alam mo, Calix… pero ayaw mong sabihin.” *Blackout
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD