KRESHA’S POV
Papasok a ako ng kotse ko nang biglang may humawak sa braso ko dahilan para mapalingon ako.
“Kyle?” gulat na tanong ka sa kaniya. Kita ko naman ang mata niya na seryosong nakatingin sa akin kaya naman parang hinihigop ang lakas ko sa mga tingin niya.
“Please talk to me first, El. What is your issue?” tanong niya pa habang dama ko sa boses niya ang pagkalito.
“Kyle, nag-usap na tayo hindi ba? Hindi tayo pwede,” sabi ko sa kaniya at umiwas ng tingin para hindi na siya magtanong pa.
“No, El. Okay naman tayo hindi ba? Mahal mo rin ako hindi ba? Yun ang sabi mo sa akin. Bakit ngayon nakikipaghiwalay ka?” tanong niya at halata pa rin na naguguluhan siya.
Hindi ko siya tingnan dahil alam ko na once na tumingin ako sa kaniya ay mawawalan ako ng lakas na itaboy siya.
“Sinabi kong hindi tayo pwede. Kahit na gaano kita kamahal hindi sapat iyon, Kyle. So, please understand!” sabi ko sa kaniya at akmang aalis na at papasok ng kotse kaya naman agad niya ako ng pinigilan.
“Bakit? Bigyan mo ako ng dahilan para bitawan kita!” sabi niya kaya naman nanatili akong nakayo habang nakatanaw sa malayo. Hindi ko kaya siyang tignan.
“Bakit ba ang kulit mo? Hindi mo na lang tanggapin kung ano ang desisyon ko?” sabi ko sa kaniya pero mas lalo niyang hinigpitan ang pagkapit sa akin.
“Mahal na mahal kita, El. At alam mo iyan. Kaya hindi ako basta-basta bibitaw hangga’t hindi mo sinasabi ang dahilan mo,” sabi niya pa at hinalikan ang kamay ko. Gustong tumulo ng luha ko pero pinipigilan ko. Ayokong dito ako umiyak. Ayokong ipakita sa kaniya iyon dahil masisisra ang plano ko at mas lalo kaming masisira.
“Hindi kita hihiwalayan hangga’t hindi mo sinasabi sa akin ang dahilan mo. Susuyuin kita hanggang sa kausapin mo ako at balikan ko ako,” sabi niya. Ayoko nang mapag-usapan kaya naaman pumasok na ako sa kotse ko bago ako umalis ng Cafe.
Sa daan, biglang bumagsak ang luha ko. Ang hirap na iwasan at ipagtabuyan siya lalo na kung gustong-gusto ko siya yakapin
Panay ang tulo ng luha ko habang tinatahak ko ang daan pauwi ng condo. Sobrang nami-miss ko na siya. Sa tuwing lalapit siya agad na akong naalis para lang di niya ako makausap. Kaya sobra akong nag-iingat na makausap ko siya. Dahil baka malaman lang niya ang totoo. Hindi pa ako handa para doon. Hindi pa ako handa sa maaring mangyari.
Huminga ako ng malalim bago nagpatuloy sa pag-drive.
Nakarating ako ng condo. Pagkapasok ko ay agad akong humiga doon at isiniksik ang mukha ko sa unan. Bigla akong nawalan ng ganang kumain. Kaya dumiretso na lang ako dito.
Nagising ako nang tumunog ang doorbell. Kaya agad akong bumangon para tingnna kung sino iyon.
Nang buksan ko ang pinto ay nagulat ako nang makita ang isang waiter na may pagkain na dala.
“Ma’am, pinapadeliver po ni Mr. White,” sabi niya kaya naman nagtaka ako. Bakit ba ang kulit ni Vince? Pinapasok ko ang waiter para ipasok ang pagkain at iniligay niya iyon sa lamesa. Matapos niyang lumabas ay may iniabot siya sa akin card. May sweet messages doon. Ang iinagulat ko ay nakalagay sa dulo ang name ng sender. Si Kyle White. Kaya naman sobra akong naguluhan.
Bakit White ang inilagay niya dito? Hindi Reyes? Isa siyang White pero dahuil Reyes ng gamit niya ay yun ang madalas na ilagay niya.
Maya-maya tumunog ang cellphone ko. Nakita ko namang si Kyle ang nag-text. Tinanong niya kung na-recieve ko na raw ba ang pinadala niya.
So? Totoo nga? Na siya ang nag-order nito at nagpa-deliver? Pero bakit? Ang akala ko ay ginagamit lang ni Vince ang name ni Kyle para lituhin ako. Pero mali, si Kyle nga iyon.
Napangiti ako kahit na nakokonsensya ako sa ginawa ko sa kaniya.
Konting tiis lang. Ihahanda ko lang ang sarili ko para dito.
***
Maaga akong gumising. Gusto kong mag-jogging kaya naman nag-drive ako papunta sa park dahil may kalayuan ang park sa condo kaya kailangan kong dalhin ang kotse ko.
Nang makarting ako ay may mga taong nag-jogging rin. Kaya naman inayos ko na ang sarili ko para mag-jogging. Hindi pa ako nakakalahati nang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko iyong sinagot.
“Mars?” sambit ko.
“Mars! Asan ka?” tanong niya kaya naman nagtaka ako dahil bihira itong gumising ng maaga.
“Nandito sa park. Bakit? Himala at ang aga mo gumising. Anong meron?” tanong ko sa kaniya.
“Paano ba naman kasi itong si Brent. Ang aga-agang nambulabog dito. Mabuti na lang at wala si Dad,” sabi niya kaya napataas ang kilay ko sa sinabi niya.
“So andiyan siya ngayon?” nagtatakang tanong ko.
“Nasa kusina siya, nagluluto ng breakfast. Kaya after mo diyan pumunta ka agad dito. Dito ka na kumain,” sabi niya pa.
“Loka ka, sige. Tatapusin ko lang ito. Kaka-umpisa ko pa lang, Mars. Hindi ko pa nga naiikot ang buong circle!” natatawang sabi ko sa kaniya. Tumawa naman siya bago nagpaalam.
Nagpatuloy ako sa pag-jogging ang hindi ko namalayan na may mabangga ako. Mali, ako ang binangga niya. Kaya naman napalingon ako at tinanggal ang earpods ko.
“Excuse me?” tanong ko dahil nakatalikod siya sa akin.
Unti-unti naman siyang lumingon sa akin at ngumiti. Naging seryoso ang bawat tingin ko sa kaniya.
Si Alison. Naka-sport bra rin siya gaya ko. At halatang nag-jogging.
“Oh, there you are. Long time no see huh?” sabi niya pa na animo’y kaibigan ko siya na sobrang tagal kong di nakita.
Sa dami ng tao siya talaga? Wala na bang iba na pwede kong makasalubong? At siya talaga? O baka naman nananadya na lang siya na magkita kaming dalawa?
Akmang aalis na ako dahil ayoko siyang makausap o makita man lang. Bigla naman siyang nagsalita na agad na ikinaibit ng dugo ko. Alam ko kasing magtatagal ang usapan namin kung papatulan ko siya.
Pumikit ako sandali bago muling humarap sa kaniya.
“Are you leaving?” nakangiting tanong niya.
“I'm sorry, but yeah. I'm not here to gossip with you; I'm here to workout. So, Excuse me,” sabi ko pa aty ngumiti bago umalis.
Hindi ko na pinansin pa ang pagsasalita niya kahit na alam kong tinatawag niya ako. Hinayaan ko siyang magsusumigaw doon. Siya rin naman ang nakakahiya sa ginawa niya. Isinuot ko na lang ang earpods ko at nagpatuloy sa pag-jogging.