CHAPTER 26

1223 Words
KRESHA'S POV "Thank you for your time, Miss Castro. I really appreciated it," nakangiting sambit ni Mister Ramos sa akin. Ngumiti naman ako bago siya nagpaalam sa akin. Paalis na ako ng restaurant at bumalik sa Cafe. Pagbalik ko, biglang bumungad sa akin si Senia na nakabusangot. “Hoy, Mars! Ano na naman iyong nabalitaan ko? Hindi pa joke lang iyon?” tanong niya pa sa akin bago dumiretso ako sa office at hindi siya sinagot sa tanong niya. Sumunod naman siya sa akin hanggang sa loob habang hinihintay pa rin ang sasabihin ko. Alam ko namang magugulat suila kapag nalaman nila ang nangyari. Expected ko na iyon bago ko ginawa. “Mars, naman. Ano na naman bang iniisip mo? Si Vince na naman ba ang dahilan?” tanong ko niya sa akin. Hindi ako sumagot at hinyaan lang siyang magsalita. Dahil alam kong tutulo ang luha ko kung sakaling sabihin ko ang dahilan. “Ni-reject mo na naman si Kyle? Akala ko ba mahal mo siya? Hindi ba kayo na? Bakit ka nakipag-break?” tanong niya pa kaya naman tumigil ako. “Dahil kailangan. Hindi naman kami pwede kahit na anong gawin ko,” sabi ko sa kaniya. “Bakit nga? Si Vince ba?” tanong niya sa akin. Huminga ako ng malalim. “Ayun! Si Vince nga! Ano na naman ang ginawa ng lalaking iyon at hiniwalayan mo si Kyle?” Sa tono ng pananalita niya alam kong galit siya. “Hindi, hindi lang siya,” pinipigilang pag-iyak na sambit ko. Masakit man para sa akin na iwanan at hiwalayan ko siya pero ayun ang tangi kong magagawa ngayon. Nakausap ko na si Vince. Sinabi ko kung gaano ko kamahal si Kyle. Hindi naman na siya nangulit pa pero noong kinamusta ako ni Papa at nalaman kong gusto niyang makita si Vince ay biglang nalungkot ako. Utang namin kay Vince ang buhay ng papa ko. At sa tueing nakikita ko siya si Vince ang naalala ko kung paano niya kami alagaan. Sobra akopng nakonsensya nang maalala ko kung paano umiyak si Vince sa harap ko. “Ano nga ang dahilan? Si Alison?” tanong niya kaya naman umiling-iling na ako. “Mars, naman hindi naman ako manghuhula para hulaan ang dahilan mo., Wala talaga akong nakikitang dahilan para hiwalayan mo siya,” sabi niya sa akin. Kaya huminga ako ng malalim. Si Senia lang naman ang napagkakatiwalaan ko sa lahat. Bawat may sikreto ako siya lang ang sinasabihan ko. Pero hindi ko alam bakit hindi ko kayang sabihin sa kaniya ngayon. Alam ko kasing iba-bash niya si Vince kapag nalaman niyang si Vince nga ang dahilan ko. Noon akala ko ay sigurado na ako kay Kyle. Na handa na akong sabihin sa kaniya ang lahat. Pero nang maalala ko ang lahat ng kabutihan ng ama niya bigla na lang akong nagbalik sa nakaraan. “Naguguluhan pa rin ako, Mars. Sobra akonmgt naguguluhan. Hindi ko alam ang dapat kong gawin,” sabi ko sa kaniya. “Mars, anong problema? Pwede mong sabihin sa akin,” sabi niya pa at seryosong nakatingin sa akin na halatang interesadong malaman ang problema ko. Isang malalim na paghinga ang ginawa ko bago nagsalita. “I was thinking about him. Kung paano niya kami tinulungan ni Papa bumangon mula nang mamatay si Mama. Bigla na lang bumalik ang lahat ng alaala ko na para bang pinapaalala ang lahat ng kabutihan ni Vince,” sambit ko sa kaniya. “Nakokonsensya ka? Kaya hiniwalayan mo si Kyle?” tanong niya pa para kumpirmahan na tama nga ang sinabi ko. Ngumiti ako sa kaniya bilang sagot. “Mars, alam kong malaki ang utang na loob mo kay Vince. Pero lahat iyon nabayaran mo na mula nang gamitin ka niya. Hindi ba sobra pa nga iyon dahil sa ilang taong naging kayo ay hindi niya tinupad ang pangako niya?” sabi niya naman. Kahit na may point siya hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang lahat ng sinabi ni Vince. Handa na raw niyang iwan si Hanny para sa akin. Papanindigan na raw niya ako. Sobrang mahal ko si Kyle at hindi ako nagdadalawang isip doon para lang sa sinabi ni Vince. Pero wala, talo pa rin ako ng utang na loob ko kay Vince. Kahit na sabihin kog galit ako dahil hindi niya ako kayang panindigan ay hindi ko maalis sa sarili ko na naging mabait siya at naging parte ng buhay ko. Isang malalim na paghinga ang lumabas sa bibig ko nang may kumatok mula sa pinto kaya napatingin kami ni Senia. Bumungad naman sa amin si Jaylie na may dalang bulaklak. Nagkatinginan kami ni Senia bago inilagay ni Jaylie ang bulaklak sa mesa ko at lumabas. Binasa ko kung kanino iyon galing. Nakita ko ang pangalan ni Kyle doon. Sobrang nami-miss ko na siya. Walang oras na hindi ko siya naiisip. Sobrang bigat sa pakiramdam na kahit gusto ko siyang yakapin ay hidi ko pwedeng gawin. “Bakit hindi mo aminin sa kaniya ang lahat kung ganon?” tanogn ni Senia na ikinatigil ko. “Hindi ko kaya sa ngayon. Kumukuha pa ako ng lakas patra sabihin sa kaniya ang lahat. Konting oras lang ang kailangan ko para maging handa ako,” sabi ko habang sobrang bigat ng bawat paghinga. “Mars, hindi mo naman kailangan pahirapan ang sarili mo. Pero ang masasabi ko lang ay kailanang handas ka sa kahit na anong posibleng mangyari,” sabi niya. “Ito pa lang na iniiwasan ko siya ay sobrang sakit na. Paano pa kaya kung pagtabuyan at kasuklaman niya rin ako? Mahal na mahal niya ang Mommy niya,” sabi ko pa sa kaniya. “Mas mabuti sigurong ihanda mo na ang sarili mo habang maaga, Mars. Susuportahan kita sa lahat ng gagawin mo. I’m here,” nakangiting sabi niya sa akin at hinawakan ang bulaklak. “Sa ngayon, sa tingin ko ay kailangan mo muna ng break. Bakit hindi ka pumuntang Cebu? Para makapag-relax ka kahit papaano?” tanong niya pa kaya naman napangiti ako. Siguro nga kailangan ko ng break. Kailangan kong mapag-isa para makapag-isip ako ng matino. Sana lang ay maging handa na ako at magkaroon na ako ng lakas sabihin kay Kyle ang tungkol sa amin ng Daddy niya. Ayoko na rin kasing makipagbalikan kay Kyle kung may tinatago akong lihim na alam kong hanggang ngayon ay hinahanap ni Kyle ang babaeng sumira sa relasyon ng mga magulang niya. At alam ko kung sakaling mangyari yon ay magagalit siya sa akin. Hindi ko pa rin alam dahil sa tuwing susubukan kong itanong sa kaniya ang tungkol sa kabit ng Daddy niya ay nakikita ko ang galit sa mga mata niya. Kaya hindi ko rin magawang ipagtapat sa kaniya ang lahat. Dahil natatakot ako sa maaring mangyari. Hindi ko kayang magalit at kamuhian niya ako. Muli na anamn akong huminga ng malalim bago tumingin sa bulaklak na hawak ko. Ipinikit ko ang mata ko at inamoy iyon. Ang sarap sa pakiramdam dahil alam kong galing iyon sa kaniya kahit na break na kami ay hindi niya ako nakalimutan. Hindi siya nasuko sa akin kahit na iniiwasan ko siya at pinagtatabuyan. “Aayusin ko ito. Pangako,” sambit ko habang ngumiti ng mapait habang nakatingin sa isang card na may name niya. Gusto ko siyang yakapin. Madama ang yakap niya pero wala. Hindi pa pwede.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD