KRESHA’S POV TWO MONTHS LATER… “Ma’am, pasensya na po talaag. Hindi po talaga pwede ang walk in appointment kay Sir Tristan,” sabi ng secretary niya. Andito ako sa lobby ng company nila. Siya na kasi ang bagong CEO ng company nila Vince. Dahil gusto ni Vince na ayusin ang company niya sa ibang bansa. Kya si Kyle na ang handler nito. “Please, kailangan ko lang talaga, Miss,” sabi ko sa kaniya. “Ma’am, sorry po. Ako naman ang mapapagalitan ni Sir kapag pinapasok ko kayo,” sabi niya sa akin. Huminga ako ng malalim bago tumingin muli sa elevator nagbabakasali na makikita ko si Kyle. “Kailangan ko siyang makausap kahit ilang minuto lang,” sabi ko pa at pilit na kinukumbinsi ang secretary niya. “Ma’am, pasensya na talaga kayo. Hindi po talaga pwede. Hindi kayong pwede pumunta ng hindi n

