KRESHA’S POV “Mars, naman. Magkakasakit ka niyan eh!” sabi ni Senia at binigyan ako ng twalya na tuyo para ipunas sa basa kong katawan. Pumasok ako sa kwato niya at binigyan naman niya ako ng malilinis na dami. “Saan ka ba galing at basang-basa ka?” tanong niya sa akin. Hindi ako sumagot at nanatili lang akong nakatulala. “Don’t tell me, pinuntahan mo na naman si Kyle?” nakataas ang kilay na tanong niya sa akin kaya naman napatingin ako sa akniya. Nakita kong huminga siya ng malalim bago tumingin muli sa akin. “Mars naman. Hindi ba sabi kong wag ka nang pupunta doon?” sambit niya sa akin bago tiniginan ako ng seryoso. “Sinubukan ko namang makausap siya,” sabi ko pero mas lalong tumaas ang kilay niya. “So, anong napala mo? Wala hindi ba?” tanong niya at tumayo. Hindi pa siya nakaaka

